Tatlumpu't Siyam

510 19 0
                                    

GINO's POV

"Dahil yun mismo ang gagamitin ko para mapatay ka."

Para bang nagising ako sa isang malalim na pag-iisip nang marinig ko ang sinabi ni Mysthy. Marahas kong inalis ang pagkakaakbay ko kay Rainer at maging ang pagpahid ng aking luha. Mabilis akong lumapit kay Mysthy at hinawakan sya sa balikat.

"Ano bang iniisip mo ha? Hindi ba napag-usapan na to? Sapat na yung napatay natin ang isa sa kanila. Tama na yun!" Madiin kong sabi sa tapat ng mukha nya.

Tama na yun. Sapt na yun. Napatay na namin ang isa sa kanila. Nalagasan na rin kami ng isa at sugatan pa si Rita. Ayoko na! Hindi sa naduduwag ako pero dahil ayoko ng pakiramdam na may napapatay at may namamatay. Isa pa ay ayoko ring matulad kami sa mga killers o murderers dito sa kampo.

Malumanay na tinabig ni Mysthy ang kamay ko nang hindi inaalis ang mga mata nya sa mata ko.

"Kill or be killed?"

3rd PERSON's POV

Pagkasabi noon ni Mysthy ay agad nyang tinulak si Gino at sinalo ang binatong baso ni Mr. Nomed. Sumaboy ang kaunting laman nito sa jacket ni Mysthy.

"M-Mysthy!"

Puno nang kaba ang mga kaklase ni Mysthy ng bumalik ang kakaibang aura nito at ang malalamig na tingin nito. Mula sa kamay nya ay unti-unting nababasag ang baso dahil sa pressure na ina-apply nito.

Mabilis na inihagis ni Mysthy ang mga basag na piraso ng baso sa ere at sinipa iyon sa direskyon ni Mr. Nomed. Nailagan naman nito ang iba ngunit hindi nya naiwasan ang ilang piraso nito na dumaplis sa tenga at pisngi nya.

Itinayo ni Mysthy si Gino, umalalay din naman si Rainer at David.

Napalingon si Mysthy sa likod hindi kasi gumagalaw si Lady at nakamasid lamang. Malikot ang mga mata nito at pawisan ang noo at leeg nito.

Mukhang napansin din naman ito ni Rainer kaya napatingin sya kay Lady. Kinuha ni Mr. Nomed iyong pagkakataon para paulanan ng maliit na kutsilyo si Mysthy at Rainer.

Maagap naman ang naging pagkilos ni Mysthy. Yumuko ito at mabilis na iniwasan ang mga lumilipad na kutsilyo.

Pero napatigil si Mysthy sa nangyari pati narin ang mga kaklase nya.

Nakahawak si Mr. Nomed sa tagiliran nya. Mah nakatarak na maliit na kutsilyo dito.

Pero kanino iyon galing?

"Run now. Ako nang bahala dito."

Nalipat ang mga mata nila sa nagsalita sa likod.

"M-Ms. Lady?"

"Go now, Mysthy. Let me handle this one. Let me kill him."

"W-What?"

"That son of a b*tch kill my child."

Nanlaki ang mga mata nila. Si Mr. Nomed naman ay pasimpleng humahakbang paatras. Tatakas sya!

"He killed my son! He killed my son inside me!"

Gulong-gulo ang lahat sa sinasabi ni Lady. Si Mr. Nomed naman ay akmang papasok sa isang kwarto nang mapansin sya ni Yohann. Hila-hila pa rin nya sa paa ang walang malay na si Ana.

"Mysthy! Si Mr. Nomed, tumatakas!"

Sabay na napalingon si Mysthy at Lady sa direksyon ni Mr. Nomed at halos sabay din ang naging pagbato nila ng kutsilyo na tumama sa magkabilang binti nito dahilan para mapasandal ito sa pader.

"Don't you dare to escape." Gigil na sabi ni Lady at mabilis syang lumakad papunta sa lalaki.

Ikinulong nya ito sa kanan braso nya. Tinuhod din nya ito kaya napahiyaw ito sa sakit at napaluhod. Tinutukan sya ni Lady sa leeg ng malaking kutsilyo.

Nakamasid lamang sila Mysthy sa kanila. Si Rainer naman ay umiwas ng tingin.

"You raped me." Tumulo ang luha ni Lady. "Natatandaan ko na ang lahat. You jerk. You raped me kahit na alam mong buntis ako. You raped me infront of my boyfriend. Ginahasa mo ako, dinugo ako at nawala ang anak ko."

Napahagulgol si Lady sandali pero agad nyang binalik ang matapang nyang aura.

"What if gawin ko kaya sayo ang ginagawa ko sa mga pinapapatay mo samin. Good thing, I always bring my threads and needles. Wanna know how exciting is this?"

Inilabas nya ang mga ito mula sa bulsa ng jacket.

"L-Lady? D-Don't!" Nagbabantang sabi ni Mr. Nomed pero hindi nagpatinag si Lady.

Ginuhit nga ang malaking kutsilyo sa pisngi ni Mr. Nomed.

"Ms. L-Lady!" Mahinang bangit ni Rainer sa pangalan nya.

Kahit naman kasi gano ito kasama ay tatay nya parin ito. Kalahati ng dugong dumadaloy sa sistema nya ay galing dito.

"Arghh!"

Nakikipag-agawan si Mr. Nomed sa kutsilyo pero dahil nanghihina na ito ay tuluyang nahiwaan ni Lady ang mukha nito.

Tumawa pa si Lady at iniangat ang kutsilyo. Pinahid nito ang dugo sa talim gamit ang hintuturo at ipinakain kay Mr. Nomed.

Kumuha sya ng karayom na may sinulid at hinawakan ang mukha ng lalaki na pilit iniiiwas

"Shh, may sugat ka oh, tahiin natin."

Linya ito palagi. Dahan-dahang itinusok ni Lady sa mukha nito ang karayom, napaigik naman ito.

"Arghh! Masakit!"

"Ms. Lady, tama na!" Sabi ni Rainer

"Rainer, ano ba!" Maangas at naguguluhang saway sa kanya ni David.

Napatingin si Mr. Nomed sa anak at ngumisi.

"I-I know, hindi mo ako matitii--"

"Don't, Ms. Lady. Death was too easy for him." Putol ni Rainer dito.

Lumapit sya sa ama. Malamig ang aura nito pati na rin ang mga mata nito.

"I want to burn him alive. I want to hear him scream on pain. I want to watch how his great body turns into ash. I want to smell the justice."

Nangilabot ang lahat sa sinabi nya. Kahit si Mysthy ay bahagya pang napaatras. Pero nang aatras na sya...

"Mysthy!"

Niyakap sya ni Gino at ganun na lamang ang gulat nya ng makita ang isang matulis na bakal na nakatusok mula sa likod ni Gino. Tumagos ito sa harap at may isang dangkal pa ang inilagpas mula sa tyan nito.

Ngumiti si Gino, kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa bibig nito.

"I saved you!"

--
Last 3 updates. Lablab!

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon