Labing-pito
+++MYSTHY's POV
"Ow? May family reunion?"
Nakangising sabi ni Mr. Nomed. Matalim ko lang syang inirapan at tiningnan si Sir Uston. Tingnan natin kung talagang gagawin nya ang lahat.
Lumapit ako sa kinauupuan nya at pasimpleng pinahawak ang isang swiss knife.
"Hindi kami family Mr. Nomed!" Malamig kong sabi bago binalingan si Sandra. Nakayuko lang ito sa likod ni Mr. Nomed. "Kamusta, Sandra?" Nakangisi kong tanong
Napaangat naman sya ng mukha at tiningnan ako sa mata. Ngumisi pa sya na akala mo ikakatakot ko.
"Ayos lang naman, kaibigan!"
Halos gusto kong matawa ng malakas ng marinig ko ang 'kaibigan' mula sa kanya.
Nag-cross arms ako at nilingon si Sir Uston.
"Gagawin mo ang lahat hindi ba?" Napatingin naman sya sa mukha ko
Nakita ko ang paglunok nya bago tingnan si Mr. Nomed at Sandra.
"Anyways, kaya kami nandito ay para sabihin sa inyo na anumang oras mangyayari na ang activity so better watch out kiddos!" Sabi ni Mr. Nomed bago tumalikod at umalis kasama si Sandra.
Tumayo si Sir Uston at bahagya akong nagulat sa ginawa nya. Sinasabi na nga ba, hindi nya kaya. Itinutok nya lang ang swiss knife sa leeg ko.
"MYSTHY!" sabay sabay na sigaw nila Mommy, Gino at Rainer.
Humarap ako kay Sir Uston at ngumisi.
"Akala ko ba ay gagawin mo ang lahat, DADDY!"
Diniinan ko ang huling salita na binitawan ko na kinalaki ang mata nya.
"You want to kill me? Go ahead!" Sabi ko sa kanya at mas lalong lumapit sa kanya.
Isasaksak nya sana ang kutsilyo sakin pero hinawakan ko ang kamay nya at binaliko dahilan para mapa daing sya at mabitawan ang kutsilyo. Tinulak ko sa paupo sa upuan at agad naman syang tinalian nila Rainer at Gino.
"Magpagaling ka muna, Sir Uston bago mo ko tutukan ng kutsilyo na yan!"
Umupo si Mommy sa kama ko at seryoso lang na nakatingin kay Sir Uston.
Ilang katok ang nagpabaling sa amin sa pinto. Tumayo ako at hinanda ang sarili ko. Binuksan ko ang pinto at mukha ni David ang bumungad sakin. Hinihingal sya at nakaturo sa hallway.
"S-Si Trisha, na-nawawala!" Hingal na sabi nya.
"Sino naman yun?"
"Sya yung kaklase nating nerd. Ang kwarto nya ay yung sa dulo sa may bungad ng ginawa nyong tunnel!"Hingal pa din nyang sabi. Napaisip naman ako sandali. Tama, may dalawang nerd nga doon sa bungad ng tunnel.
"Gino, Rainer sama kayo?" Tanong ko
Sabay naman silang tumango at dinampot ang mga bigay kong jacket sa kanila na may mga lamang kutsilyo at karayom na may lason.
"Dito ka lang Mommy. Babalik din kami agad!" Sabi ko bago sinara ang pinto.
Tumakbo agad kami sa kwarto ng nerd na yun. Nakasiksik sa sulok ang isa pang nerd na kasama nya.
"Saan pumunta si Trisha bago sya mawala?" Tanong ni Gino
"S-Sabi nya mag-c-cr lang daw sya. Nasa loob kasi ako ng cr n-namin kaya maghahanap daw sya ng ibang cr!" Nakayuko at nangangatal na sabi ng nerd na yun.
"Parang ganun din yung nangyari sakin ah!" Naiiling na sabi ni David.
Agad kaming tumakbo papunta sa ilang kwartong pinaghihinalaan namin pero lahat kami nabigo.
BINABASA MO ANG
Hell Camp (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond New Cover by: Aldrin Gargar