Apat
+++MYSTHY's POV
Hinila ako papalayo ni Gino sa bangkay.
"Wag mo na uling gagawin yun!" Sabi nya sakin
"Sanay na ako dyan!" Walang ganang sabi ko."GUYS, PUMUNTA ANG LAHAT SA BALCONY!" Sigaw ni Ana. Ni hindi namin namalayang nandito sya sa paligid.
Natatakot at nagkakagulo ang mga kaklase namin. Takang taka man ay hindi ko maitatangging natatakot din ako.
Pumunta na kami sa balcony.
Karamihan sa amin ay nakapangtulog pa. Naalala ko na naman ang rosas sa kwarto namin at ang nakasulat doon. Ang rosas na iyon ay katulad ng rosas na nasa dibdib ng kaklase namin.
Lumabas si Mr. Nomed mula sa kusina.
"Students! I am sorry sa nangyari sa kaklase ninyo!" Nakangiting sabi nya. Hindi tuloy ako naniniwala na nag-so-sorry sya sa pagkawala ni Danna
"Pansin mo yun?" Bulong sakin ni Gino. Tinanguan ko lang sya
"Mamaya ay ipagdadasal natin sya sa hapag! Magsi pag ayos na kayo ng sarili. Sabi nya at tumalikod.
Tumayo na ang lahat at nagsibalik na sa mga kwarto nila.
Tumayo ako at sinundan si Mr. Nomed. Nagtago ako sa isang poste hindi kalayuan sa pwesto nila.
"Nag-umpisa na pala sya!" Nakangiting sabi ni Mr. Nomed.
"Bibisitahin ba natin sya mamaya?" Ana
"Hindi muna! Hayaan muna nating i-enjoy nya ang nakuha nya mula sa una nyang biktima."Napaatras ako sa gulat, kaya nadanggi ko ang isang vase.
Nanlaki ang mata ko. Nagulat ako ng may humaltak sa kamay ko at itinakbo ako at pinasok sa isang kwarto
"Anong ginagawa mo dun?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Mysthy, hindi mo alam ang pwedeng gawin sayo ni Papa kung nahuli ka nyang nakikinig sa usapan nila!"
"Pwede ba, Rainer wag mo muna akong pakialaman. Ina-absorb pa ng utak ko ang sinabi ni Mr. Nomed!"Napahilamos si Rainer sa mukha nya.
"Mysthy makinig ka sakin. Iaalis na kita dito!"
Napakunot naman ang noo ko. Napatingin ako sa paligid ko. Mukhang kwarto nya ito.
"Ano bang meron sa Hell Camp na to?"
"Something na hindi mo na kailangang malaman pa!"Lalong napakunot ang noo ko. Tinitigan ko ang mata nya. Ang hirap nyang basahin.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalalaman kung anong meron dito!"
Napabuntong hininga sya.
"Look, Mysthy! I'm trying to save you from this okay."
"Hindi mo ba ako naintindihan ha, Rainer? Hindi ako aalis ng hindi ko nalalaman kung anong meron dito!"Hinawakan nya ang braso ko.
"Sige, hahayaan kita! Pero mag-iingat ka. Sabihan mo lang ako kapag gusto mo ng umalis." Binitawan nya ako at binuksan ang pinto. "Ihahatid na kita sa kwarto mo!"
Lumabas na lang ako at sumunod naman sya.
"Rainer, sabihin mo nga! May alam ka ba sa nangyayari dito?"
Nilingon ko sya ng marinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"Hindi ako sigurado, Mysthy. Matagal na akong naghahanap ng sagot pero wala akong makita."
Tumigil kami sandali. Hinarap ko sya at tiningnan sa mata.
"Edi magtulungan tayong dalawa para malaman at mahanap ang sagot!"
BINABASA MO ANG
Hell Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond New Cover by: Aldrin Gargar