Tatlumpu't Walo

484 17 0
                                    

RAINER's POV

Nakaakbay sa'kin si Gino habang naglalakad kami palabas. Tahimik pa rin ang paligid, kaya nga lang sa sobrang tahimik, nakakakilabot na.

"Teka! Iiwan ba natin sila Mysthy?"
Tanong ng isa nilang kaklase nila.

"Hindi, iintayin na lang natin sila sa may bukan---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang mapatingin ako sa dulong hallway na nilalakaran namin. Naroon nakatayo ang isang malaking lalaki. Kahit hindi sya lumapit alam ko na kung sino iyon. Syempre, walang iba kundi ang ama kong mahilig mangolekta ng puso, si Nomed tanda.

Maging ang mga kasamahan ko ay napatigil sa pag-lalakad. Mga nanlalaki ang mga mata at bahagyang nakaawang ang bibig.

"Saan kayo pupunta?"

Wala ni isa sa amin ang sumagot. Dahan-dahan syang lumakad pasulong kaya naman ay napapahakbang kami paatras.

"Ah g-guys!"

Mula sa likod ay pumaibabaw ang boses ni Angelique, yung kaklase nila na mukhang manika.

"Sh*t! Si Ms. Lady nandito sa likod."

Napalingon kami sa likod. Ilang kwartong ang pagitan mula sa nilabasan naming kwarto ay nandoon nga at nakatayo si Ms. Lady. May hawak itong malaking kutsilyo. Lumingon uli ako kay Papa, may hawak syang kopita. Hindi ko man maaninag ang laman noon ay parang sigurado na ako.

"My dear son, how can you betrayed your own dad." Nakangiwing sabi nya. Para bang nandidiri sya sa sinabi nya.

Tsaka ano daw, betrayed? Hindi naman nila ako kakampi ah! Infact, nag-stay lang naman ako sa Hell Camp para malaman ang sikreto nila. At aminin ko man sa hindi ay gusto kong malaman ang totoong nangyari kay Mama.

And now that I know all their bullsh*ts, I am willing to help any victim of this camp. Especially those who suffer from my father's hands and his ally.

"Come here, Rainer!" Tawag nya sa akin.

Napahigpit ang hawak sa akin ni Gino. Kahit ako ay natakot sa ngising nakapaskil sa mga labi nya na may tinta na ngayon ng pinaghalong itim at pula dahil sa iniinum nito.

Gusto kong masuka dahil harap-harapan ko syang nakikitang umiinom ng nakakadiring inumin na iyon.

"DO. WHAT. I. SAID. RAINER!" binalutan na talaga ako ng takot ng dahil sa sigaw nya. At ang bawat pagdiin nya sa salitang binibitawan nya ay parang pana na direktang pumapana sa tyan ko.

Nakakatakot.

"Rainer, wag kang makikinig sa kanya. Baka pag-lumapit ka sa kanya, kung anong gawin nya sa'yo." Bulong sakin ni Joshua.

Nasa likod ko sila habang hawak hawak si Mydel na walang paring malay. Bakit ba ang tagal nila Mysthy at noong Yohann? Kailangan ko ang tulong ni Mysthy ngayon?

"Rainer don't make me count kung ayaw mong pare-parehas kayong hindi makalabas ng buhay dito."

Napailing ako. Napakaimposible naman siguro na kaya nya akong patayin na. Ako na lang ang nag-iisang anak at kamag-anak nya. Pero sino nga bang niloko ko? Mas mahalaga nga kaysa sa akin si Yen diba? Tsaka isa pa, mukhang hindi nya rin ako sasantuhin dahil kahit ang Fatima na sinasabi nyang minahal nya ay nagawa nyang patayin.

Huminga ako ng malalim. Hindi pwedeng ganito na lang. Hindi pwedeng mamatay kaming lahat dito. Hindi pwedeng hindi namin mabigyan ng hustisya ang lahat ng namatay dito. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi ko pa napapakasalan si Mysthy---joke.

"B-Bakit ano bang g-gagawin mo kung hindi ko susundin ang gusto mo? Susunugin mo kami ng buhay? Kukunin mo din ang mga puso namin at iinumin ang d-dugo namin?"

Kahit kabado ay kailangan kong maging matatag. Hindi ko alam ang plano nya kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos, isa yan sa bagay na tinuro samin ni Mysthy. Kaya naman silang labanan pero hindi namin alam kung hanggang saan ang kapasidad ng kakayahan namin o kahit ang kayang gawin ng kalaban.

Biglang tumawa si Papa sa hindi ko malamang dahilan. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?

"Rainer, Rainer, Rainer. Nakakaawa ka. Wala ka talagang kaalam-alam ano?"

Napakunot ang noo ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"This is the second time that this thing has happened. Our ally died and two of the best remain standing, sumpa ang bagay na 'to, Rainer. Kahit mapatay nyo kaming lahat, magtutuloy-tuloy lang ang nangyayari. Dahil na sa dugo na ninyong lahat ang pagpatay."

Ano daw?

"Hindi nyo maintindihan? Tsk, kada pagkaing kinain nyo dito sa Hell Camp ay may experimental drug na. Unti-unti itong kakalat sa sistema ninyo at tanging pagpatay lamang ang makakapag-fulfill ng pakiramdam nyong kulang. Pag-inom ng inumin dito at pagdukot sa puso ang kahihiligan nyo." Dugtong nya pa

"Well, I'm sorry to say this thing, Mr. Nomed!" Napalingon kami sa isang kwarto, nakatayo doon si Mysthy. Sandali, asan si Yohann?
"Ang droga na sinasabi nyo ay matagal-tagal na ring wala sa katawan namin!"

Napakunot lahat ang noo namin. Alam nya ang tungkol doon?

MYSTHY's POV

"M-Mysthy, tulong!"

Napailing na lang ako ng makita ko si Yohann. Putlang-putla kasi ito at nakataas pa ang dalawang kamay. Gusto ko sanang matawa pero naalala kong hindi nga pala sya sanay ng ganito.

Well, nakadagan lang naman yung mga katawan na walang ulo sa katawan nya at yung ulo na inihagis ni Ana ay nakatusok sa gilid ng kabinet.

Tumayo ako at huminga ng malalim. Nasagi siguro ni Yohann yung kabinet nang itulak ko sya kaya bumagsak sa kanya.

Isa-isa ko iyong inalis sa katawan nya at hinagis na lang kung saan. Tinulungan ko syang makatayo. Medyo tulala sya na medyo nagpa-panic. Hinubad nya ang damit nya at inihagis kung saan.

Lumapit ako sa walang malay na katawan ni Ana at hinila ang mga paa nito.

Tinulungan naman ako ni Yohann kahit na pumipilantik ang kamay nya dahil sa diring-diri pa rin sya sa mga bangkay na dumagan sa kanya.

"Maliligo talaga ako ng sankatutak na alcohol pag-uwi. Kadiri. Pwede namang normal na bangkay lang hindi yung naaagnas at pugot pa ang ulo." Sabi nya

Napailing na lang ako.

Nang malapit na kami sa pinto ay dinig na dinig na namin ang nagsasalita. Si Mr. Nomed at tungkol sa experimental drug ang sinasabi nya.

"Totoo ba yun, Mysthy? Baka hindi ko kayanin kapag ginawa ko yung ginagawa nila."

Lumabas ako sa pinto ang nagsalita.

Unang beses pa lamang kasi na maghayin sila ng pagkain dito ay hindi ko maintindihan ang pag-aalinlangan kong kainin iyon. Kaya naman yunh pagkain na dapat ay kakainin ko ay pasimple kong ibinulsa. Sa cr ng kwarto namin, doon ko sinimulang pag-aralan ang pagkain.

At ang pag-aalinlangan ko ay na kumpirma ko ng may foreign substance akong nakita. I've been in underground business before, kaya alam na alam ko kung ano iyong drogang iyon.

"Estazolam!" May kabagalang sabi ko. ''Hypnosis drug para sa may mga Insomia pero pwede ring gamitin para mapasunod ang isang tao sa kung anong gugustuhin ng nagpainom. Estazolam is use for purpose and not for medical list.

Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Mr. Nomed at ni Lady.

"P-Paano mo nalaman?"

"Dahil yun mismo ang gagamitin ko para mapatay ka."

--
Source:

http://howhypnosiswork.com/top-9-hypnotic-drugs-most-powerful/

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon