A/n: thank you for waiting.
HELL CAMP 2
Prologue:
"Mystell, nakikinig ka ba?"
Ilang beses akong napakurap nang tapikin ni Rainer ang pisngi ko.
"I'm sorry. Ano nga uli iyon?"
"Mystell, Rainer here was talking about your wedding. Bakit hindi ka nakikinig?" Kunot noong sabi sa akin ni Mydel.
Bumuga si Rainer ng hangin. Hindi ko naman sinasadyang hindi makinig e. Sinasakop lang talaga ng mga alaala ng kakambal ko ang isip ko.
"Ahh!"
Nagkatinginan kami ni Rainer nang makarinig kami ng mga sigaw mula sa baba.
"Ano iyon?" Panabay na tanong namin ni Mydel.
Sabay-sabay kaming dumungaw sa baba para tingnan ang nangyayari. Nasapo ko na lamang ang bibig ko sa gulat nang makita kung anong nangyayari sa baba.
Nagkakagulo sila. Karamihan ay sumusuka sa mga puwesto nila. Ang iba ay umiiyak habang may kausap sa telepono at ang iba ay wala nang malay.
"What the hell?" Gulat na bulong ni Rainer.
"Rainer, bakit ganoon? Anong nangyayari? Food poisoning ba ito?" Taranta kong tanong.
"Bumaba tayo para malaman natin," iyon lamang ang sagot sa akin ni Rainer bago ako hinila pababa.
Nakasunod lang sa amin si Mydel. Halos takbuhin ko na pababa ang hagdan.
Una kong nakita si David na sumusuka sa gilid ng hagdan kasama si Josh.
"David! David!"
"Anong nangyayari sa inyo?" Tanong ni Rainer.
"A-Ang inumin..." Hinihingal na sabi ni David, "K-Katulad ng inumin sa... sa Hell Camp---ack."
Sumuka ulit si David pagkatapos noon.
Nagkatinginan na lamang kami ni Rainer dahil sa sinabi ni David.
Posible ba?
"Makinig kayo. Hindi nag-iisa ang Hell Camp sa buong Pilipinas. Marami sila. Ngayong nalaman nila ang nangyari kay Mr. Nomed at sa mga kasamahan niya, pumunta sila rito para patayin tayo. Kaya kailangan niyo nang umalis. Pumunta kayo kahit saan, basta malayo dito."
Parang nanghina ang mga tuhod ko nang maalala ang sinabi sa amin ni Mysthy.
Hindi raw nag-iisa ang Hell Camp sa buong Pilipinas.
Papatayin daw kami ng mga kasamahan ni Mr. Nomed.
Pero bakit ngayon lang sila nang-gugulo. Dalawang taon na ang nakakalipas mag-mula noon.
Bakit ngayon pa?
BINABASA MO ANG
Hell Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond New Cover by: Aldrin Gargar