Tatlumpu't Lima

515 17 3
                                    

MYSTHY's POV

Itinigil ni Rainer ang sinasakyan naming van sa tapat ng madalim na gubat.

12:26 palang ng tanghali pero dito sa parteng to, parang hating gabi na. Sobrang dilim, tahimik at madaming lumilipad na paniki.

Parang katulad dati noong unang punta namin dito.

Nilingon ko si Gino na tahimik na nakaupo sa likod namin. Tulala sya at nakatingin lamang sa bintana.

"Keep yourself safe. Gusto kong makalabas tayong lahat dito mamaya." Sabi ko bago bumaba.

Isinuot ko ang black half leather gloves ko. Inayos ko na din ang jacket ko. Sinilip ko ang pocket sa loob para masigurado na ayos na ang mga nakalagay na gamit dito.

"Sumunod kayo sakin!" Sabi ko at nagsimula nang maglakad papasok sa gubat.

Hindi pa man ako nakakalayo ay may humawak na sa siko ko kaya naman nilingon ko iyon. Si Gino!

"Y-Yung pakiusap ko Mysthy!"

I let out a sigh and look at his eyes directly

"I will not promise but I'll try!"

Sandali kong tinapik ang balikat nya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kagaya dati, puro kalansay sa paligid. Dito siguro nila itinatapon ang mga napapatay nila.

Napapailing na lang ako. Nasa dibdib pa kasi ng mga kalansay ang mga tuyong rosas na ipinapalit nila sa puso ng biktima.

Nasa may bandang dulo na kami ng gubat ng may mapansin akong tao doon.

Itinaas ko ang kamay ko para patigilin ang mga kasama ko sa paglalakad.

"Hide!"

Nagtago kami sa mga katawan ng puno. Wala sanang mag-ingay kahit na may makatabi pa silang mga kalansay.

Sumilip uli ako. Si Mydel iyon.

At may tinapon syang katawan ng tao.

May bago bang pumasok sa Hell Camp?

Sandali nyang tinitigan ang tinapon nya bago nilibot ang tingin sa paligid. Maya-maya din ay umalis na sya at naglakad na pabalik sa Hell Camp.

Ang sabi ni Mommy nasunog daw ni Mydel ang Hell Camp, kitang kita naman iyon. Hindi nga lang napugnaw lahat. Sementado pala ang ilang dingding kaya naging kulay itim lang to

Hindi na sya pwedeng magamit kaya isa lang ang posibleng pinagtataguan nila dito.

Ang secret rooms nila sa ilalim ng lupa.

Lumabas na ako sa punong pinagtataguan ko ganun din sila.

"Sino yung tinapon ng kakambal mo?" Tanong sakin ni Rainer

"Hindi ko alam!"

Pinuntahan ko ang bangkay na katatapon lang ni Mydel.

It was Lolo!

Napailing na lang ako. Butas-butas lang ang katawan at parang kinuhanan ng dugo.

Mydel seems to be addicted.

Dali dali kong tinanggal ang takip ng tunnel na ginawa namin dati at tumalon pababa.

Sana ay hindi pa nakakainom si Mydel. Hindi ko na hahayaang makainom sya noon.

Ang hirap ng sitwasyon nya kaya gusto ko na syang maialis dito at dalhin sa isang facility na mag-cu-cure ng D.I.D nya.

"Mysthy, sandali!" Dinig kong tawag nila.

Hindi ko sila pinansin at hinawakan ang isang harang.

"Mysthy! Bakit ka nagmamadali?" Tanong ni David

"I want to get my twin as soon as possible. Baka makainom na naman sya ng dugo." I said and press a secret button of the metal bars.

Medyo umangat iyon at tinulungan naman nila akong itaas iyon.

"Okay, but at least, stick on our plan." Rainer said.

Hindi na ako sumagot at nagpunta na lang sa sunod na harang. Hanggang sa ikaapat at huling harang tinutulungan pa rin nila ako.

Sumilip ako sa taas para masiguradong walang tao.

Fortunately, wala talaga at sobrang tahimik ng lugar.

Tumaas na ako at sinenyasan silang sumunod.

Sumilip ako sa pinto habang tinutulungan nilang makataas ang iba.

I saw Mydel walking towards a secret door. He was grinning as he look at his hand.

Napabunting hininga ako. Kailangang malabanan ni Mydel ang sakit nya para makalabas kami dito.

"Let's go!"

Dahan-dahan na kaming sumunod kay Mydel.

"Argggg! F*ck, Mydel don't fight back! Akin na ang katawan mo!"

Hindi ako makaimik habang nakasilip sa secret door.

Kitang kita ko si Mydel na parang nababaliw na. Sinusubukan nyang lumaban.

Dumukot ako ng tali sa jacket ko.

"Are you sure about that?"

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon