Labing-anim

580 19 0
                                    

Labing-anim
+++

TERRENCE's POV

Tinungga ko ang beer-in-can na hawak ko. Nagsisisi ako! Ang dami kong kasalanan.

Una ay ang pagtaksilan si Angelita. Alam ko na noon na buntis sya. Masayang-masaya ako pero, ang banta ni Fatima ang naging ugat ng lahat

*FLASHBACK

"Alam kong buntis sya, Terrence!"

Napatigil ako sa paglalakad palayo sa kanya dahil sa sinabi nya. Nilingon ko sya.

"Alam ko, Fatima. Halata naman sa kilos nya kaya nga, hindi ko sya hihiwalayan kagaya ng gusto mo!"

Narinig ko ang pagtawa nya kaya napaharap ako sa kanya.

"Hihiwalayan mo sya, Terrence. Dahil kung hindi, hindi na sya makakalabas ng buhay dito!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang banta nya. Simula noong nakaraang linggo ay nagsimula ng mamamatay ang mga kasama namin.

"Puntahan mo ako sa kwartong may kulay gray na pinto. Sisiguraduhin kong makakalabas sya pero ang kapalit ay magiging akin ka!" Sabi nya at umalis.

Napalunok ako. Alam kong dikit sya sa may ari ng Hell Camp kaya posible ang sinasabi nya. Hindi ko hahayaang mapatay ang mag-ina ko.

Patawad, Angelita!

END OF FLASHBACK

Muli akong tumunga. Pangalawa ay ang pagpapadala ko sa isang section ng school sa Hell Camp. Masyado kasi silang magagaling at matatapang. Lahat na lang ay pinapahiya nila.

Matatalino sila, kaya nagpapahiya sila ng mga professor na pumapasok sa kanila. Kahit ganoon na medyo magulo at maingay sila ay napakarami nilang maibubuga.

Ang rason kung bakit ko sila pinadala doon ay nasosobrahan na ang pagpapahiya nila.

Kahit ako ay napakaraming bese na nilang pinahiya. Dapat lang sana sa kanila iyon para mawala na sila, pero hindi ko alam na nandun pala ang anak ko.

Muli akong tumunga ng alak. Magatanggap kaya ako ni Mysthy?

Bumaba ako sa kotse ko at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito buksan ni Gino.

"Sir?"
"Andyan ba ang anak ko?" Malumanay na tanong ko.
"Wala ka ditong anak!" Malamig na boses ang sumagot.

Bahagyang umipod si Gino at nakita ko si Mysthy. Nakasuot ito ng leather jacket at nagpupunas ng kutsilyo. May nakalatag ding apat na de kalibreng baril sa kamang kinakaupuan nya.

Tinabig ko ng bahagya si Gino at pumasok ako. Napatigil ako sa paglalakad ng may tumamang kutsilyo sa hahakbangan ko.

"Wag kang lalapit sakin!" Sabi nya ng hindi ako nililingon

"Anak patawarin mo na ako. Gagawin ko ang lahat!"

Nakita ko ang pag-ngisi nya pero agad syang ngumiti at nilingon ako. Nakita kong nakaupo na sina Gino at yung anak ni Mr. Nomed sa katabing kama ni Mysthy. 

"Talaga? Gagawin mo lahat?" Tumango ako. Inabot nya sa akin ang isang baril. "Patayin mo sila!" Nakangiti pa rin sya ng sabihin nya iyon.

Napalunok ako. Hindi ko kayang pumatay.

"Hindi mo kaya?" Tanong nya ng hindi ko abutin ang baril. Sinenyasan nya yung anak ni Mr. Nomed. Tumayo ito at binuhat ang isang upuan at pinaupo ko.

"Maupo ka muna, Sir!" Sabi ni Gino.

"Hindi ko naman talaga iyon ipapagawa sayo. May gusto lang kumausap sayo!" Sabi ni Mysthy.

MYSTHY's POV

Ngumisi ako ng palihim ng makita ko ang ekspresyon ng mukha nya. Tumayo ako at binuksan ang pintong ginawa ko.

"Andito na sya!" Sabi ko.

Dahan-dahan syang lumabas doon. Ngumiti sya sa akin bago sya humarap kay Sir.

FLASHBACK

Anong ginagawa nya dito? Pano nya nalaman ang lugar na to? Patakbo syang lumapit sakin at niyakap ako. Kahit ako ay napayakap din ng mahigpit sa kanya.

"Buti at buhay ka pa, anak!"
"Tsk! Ano ba sa tingin nyo? Magpapapatay na lang ako ng ganon ganon lang?" Bulong ko sa kanya

"Masaya akong nakita kitang buhay pa. Halika, itatakas na kita dito!" Nakangiti nyang sabi

"Pano nyo po nalaman ang lugar na to?" Nilingon namin si Rainer.

"Galing na ako dito!" Napawi ang ngiti nya ng sabihin nya iyon. Umupo muna kami sa kahoy na nakahiga sa lupa. "Dito ko pinag-buntis si Mysthy. Nakalabas lang ako dahil akala nila ay patay na ako kaha pinaanod nila ako sa ilog. Pasalamat nga ako at hindi nalaglag si Mysthy noon eh!" Nakayuko nyang sabi

"Pano kayo nakapasok dito noon?" Gino

"Kasama ko noon ang barkada namin ng tatay ni Mysthy!" Napatingin na sya saakin ng sabihin nya yun

"Totoo po bang anak si Mysthy ng teacher nila?" Rainer

Tiningnan ko si Mommy sa mata. Ganun din naman sya saakin.

"Oo totoo iyon pero pinagtaksilan nya ako kaya nakipaghiwalay ako sa kanya kahit buntis ako."

"I'm sorry to hear that!" Gino
"Me too!" Rainer

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko

"Tara na anak, itatakas ko na kayo dito!"

Umiling ako.

"Hindi ako aalis dito ng hindi ko napapatay kung sino ang mga nasalikod nito. Napatay ko na ang isa sa kanila kaya naman hindi ako papayag nahindi ko sila nauubos!" Nagiwas ako ng tingin sa kanila

"Kung yun ang gusto mo. Pero hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama!"

END OF FLASHBACK

Napangisi uli ako ng makita ko ang ekspresyon ni Sir Uston ng makita nya si Mommy. Pasimple kong inabot kay Mommy ang maliit na kutsilyo.

"Kamusta, Terrence?" Nakangiting sabi ni Mommy
"A-Angelita?"
"Kamusta ang lahat ng kataksilan at katarantaduhan mong ginawa mo?"nSigaw ni Mommy habang inilalapit ng paunti-unti ang kutsilyo sa mukha ni Sir Uston.

"Maawa ka, Angelita!"
"Maawa? Naawa ka ba sa anak mo at sa mga kaklase nya ng ipadala mo sila dito?"

"H-Hindi ko sinasadya! Hear me out first, please, Angelita, Mysthy. Pakinggan nyo muna ako please!" Pakiusap nya.

Nakita kong natigilan si Mommy kahit ako ay bahagya ding natigilan.

Pano nya nga ba nagawa sa amin to?

Bago pa kami makareact ay malakas na bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Nomed kasama si Sandra.

"Ow? May family reunion?"




Don't forget to Follow, Vote, Comment and Share. Thank you!

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon