Prologue

1.5K 68 6
                                    

(Post-edit Version)

15:27
June 27, 2019
CDC Laboratory
Atlanta, Georgia USA

"In this experiment, we attach a prion to a virus that spreads quickly and will carry the prions to the frontal lobe and cerebellum." sabi ng Amerikanong doktor sa maliit nitong audience. "The prion is attached using a catalyst that could be found in a membrane of a Poison Dart Frog."

Nakatayo ang doktor sa isang podium ng conference hall habang nagpapaliwanag. Kitang kita ang excitement at enthusiasm sa asul na mga mata nito, at ang ilang strands ng kanyang blonde na buhok ay sumasawsaw sa butil-butil at malamig na pawis sa kanyang noo.

Ang confident niyang tindig at ngiting hindi nabubura sa kanyang mukha ay nagsasabing sobrang halaga ng discussion na ito para sa kanya.

Iba't ibang larawan ang fina-flash sa malaking screen sa likod niya. May komplikadong graphs ng mga data, at meron ding mga microscopic images. Isang type ng synthetic virus ang na-develop ng doktor at ng kanyang team, at para sa kanila, ito’y hindi lamang isang scientific breakthrough, kundi isa ring vital component sa sandatahang-lakas ng kanilang republika.

Bilang sa daliri ang imbitado sa top secret meeting na ito, at kabilang sa mga dumalo ay mga doktor din, opisyal ng gobyerno at mga militar na may matataas na posisyon.

"We use a virus that causes encephalitis," dagdag ng doktor. "..so an inflammation of the brain's casing will occur once the--"

"Dr. Kaufman, allow me to interrupt." sabi ng isang sundalong halatang mataas ang rango dahil sa colored bars, epaulettes at mga pins na nakakabit sa uniporme nito. Puti na rin ang buhok nito na nagsasabing matagal na ito sa panunungkulan. Binabasa nito ang makapal na proposal documents ng doktor, at so far mukhang hindi ito sumasang-ayon. "Let's cut the chase. What are you trying to create?"

"A bioweapon, General." mabilis na sagot ng doktor. Ramdam niya ang tension na bumalot sa kaunti niyang audience nang sinagot niya ang tanong ng heneral, pero hindi siya patitinag dito. "We can release a virus that will act as our weapon by killing the host, then mobilizing it into a mindless, flesh-eating corpse. The purpose of this project is to use the virus against our country’s enemies, so they can kill each other before they even try to attack us. This will soften the battlefield in war. Most importantly, it will also imply that we, the United States of America, is much stronger compared to those who only have obsolete nuclear weapons--"

"Please tell me that I'm reading your proposal incorrectly, Doctor. But it says here that the first few testings will be performed by abducting a number of our own people!" Bulalas ng isang doktor na nakaupo sa hanay ng heneral, at may suot na makapal na salamin. "This is absurd! An obvious violation of human rights!"

"But Ladies and Gentlemen,” dagdag na paliwanag ng doktor, a hint of desperation was evident in his tone. “The control group shall only consist of people who are incarcerated, and in nursing homes who have been abandoned by their families--"

"We have heard enough, Doctor!" mula pagkagulat ay mabilis na naging gálit ang umukit sa mukha ng Heneral. "Council, it is time to vote."

"Thank you, General." Tugon ng doktor habang itinatago ang galit at nginig ng kanyang boses. “I hope you consider.”

Halata ang frustration at pagkapahiya sa mukha ni Dr. Kaufman, kahit pinipilit pa rin nitong ngumiti.

May hawak siyang ballpen na pinaiikut-ikot sa mga daliri, tila kinakabahan sa magiging resulta ng botohan. 25 years ang inilaan niya upang mapagtagumpayan ang experiment na ito. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

Nang makita ng doktor ang pag-iling ng ulo ng mga bumoboto, tumigil sa paglalaro ang kanyang mga daliri at mahigpit na hinawakan ang ballpen hanggang sa manginig ang kamao.

Parang huminto rin ang pag-ikot ng mundo sa kanyang pakiwari, at halos wala na siyang naririnig. Garbled ang boses ng mga taong nag-uusap-usap kung itutuloy ba ang eksperimento o ititigil na.

Hanggang sa inilatag na ang final decision.
"Dr. Kaufman, the council has decided to put a stop on this experiment. The people's taxes will not fund you and your whole team." sabi ng Heneral. "This project has violated numerous policies in our book, hence it will be stopped IMMEDIATELY. You are prohibited to file an appeal. This meeting is adjourned. Thank you."

Kasabay ng pagtayo at pag-alis ng mga dumalo, ay ang pagyuko ng doktor sa bigat ng kanyang loob. Naiwan siyang mag-isa sa conference hall, nakatayo pa rin sa podium na animo’y isang estatwa. Pilít pa rin siyang nakangiti ngunit kitang-kita sa namumugto niyang mga mata ang labis na frustration.

Sa likod ng podium ay nakatago ang nagte-tremble na kamay nito habang mahigpit pa ring nakakapit sa ballpen. Di nagtagal ay nabali ang ballpen at umagos ang dugo mula sa palad ng doktor.

"No one can stop me." bulong ng doktor sa kanyang sarili. "No one can."

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon