Sinasabi ng utak ko na tumayo ako at tumakbo nang mabilis, pero ang tanging response lang ng katawan ko ay pumikit at maghintay ng kamatayan ko.
"WAAAAAAG!"
Napadilat ang mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ng isa pang lalaki.
Si Jerome Ylano. Nakita kong dinamba niya at tinulak papalayo ang lalaki. Malaki ang pangangatawan niyang tulad ng sa mga Rugby Players at sa sobrang lakas ng pagkakatulak ay napagulong ang lalaki nang dalawang beses sa sahig.
Tinulungan akong tumayo ni Jerome at mabilis na hinila ang kamay ko habang tumatakbo papuntang elevator.
Doon ko na-realize na nagkakagulo na pala ang mga tao sa paligid. Para nang may stampede sa hallway. Nagsisigawan na ang lahat at nagtatakbuhan sa iba't ibang direksyon.
Hindi ko na rin makita ang lalaking kanina ay muntik na akong atakihin.
Bumukas ang elevator pero napuno ito agad bago kami makasakay. Hinila ako ni Jerome papuntang Fire Exit at nagmadali kaming bumaba ng hagdan.
May mga taong sumunod rin samin. Hindi na rin nila kayang maghintay ng kasunod na elevator considering the danger ng sitwasyon. Nasa 11th floor kami at mahaba-haba pa ang aming bababain.
Nakaka-tatlong floors pa lang kami nang marealize kong magkahawak pa rin kami ng kamay ni Jerome. Huminto ako at pumiglas mula sa pagkakahawak niya.
Napalingon siya sa'kin at nagtaka. "Oh, bakit? Anong nangyari? May problema ba?"
"Bakit mo 'ko sinagip?" tanong ko. Mejo nilakasan ko ang boses ko dahil maraming tao ang sumisigaw habang bumababa past us.
Habang nagsisink-in sa'kin ang pagliligtas niya sa'kin, mas lalo akong nalilito.
Si Jerome Ylano. Siya ang naging dahilan kung bakit nalaman ng lahat ang gender ko. Siya ang nagsend sa lahat ng screenshots ng messages ko. Siya ang minahal ko. Siya ang nagpahamak sa'kin. Siya ang dahilan kung bakit hindi kami okay ni Claire ngayon, at ang main reason kung bakit hindi ko matagpuan si Claire ngayon.
Bakit all of a sudden siya ang kasama ko?
"Jared, kailangan nating makaalis agad ng building na 'to." sabi niya in between breaths. "Humanap muna tayo ng ligtas na lugar, tapos saka tayo mag-usap. Tara na!"
Hindi na ako nakasagot. Hinawakan niya muli ang kamay ko at hinila ako pababa ng hagdan.
Nalilito man ako, pero sumunod na lang ako sa kanya. What he's saying makes total sense. Kailangan naming makaalis ng building at makasurvive.
Bumabaha ng mga tao sa hagdan dahil may mga lumalabas rin sa bawat fire exit doors na nadadaanan namin pababa. Sobrang init at siksikan na, kaya't mahirap nang huminga.
Hindi ko na nakikita ang mga baitang na tinatapakan ko. Sumusunod na lang ako sa agos ng mga tao.
Nakita kong spray-painted sa wall na katapat namin: 3RD FLOOR
Napalingon kami sa bandang taas dahil may nagsigawan sa 4th Floor Fire Exit door. May nagpupumilit pumasok, ngunit pinipigilan ng mga taong nasa hagdan ang pagbukas ng pinto. Sobrang lakas ng galabog at pagtulak ng pinto sa kabilang side.
Bumukas nang kaunti ang pinto at nakita ko ang hitsura ng mga nagtatangkang pumasok. Pula ang mga mata nila at duguan ang mga mukha.
Ilang sandali ay hindi na napigilan ng mga nasa hagdan ang pagbukas ng pinto. Napuno ng mas malalakas na sigawan ang buong Fire Exit. Pinagkakagat ng mga pumapasok ang mga taong nasa bungad ng pinto.
Ang panic ay mabilis na nag-escalate into chaos. Naramdaman kong hinablot ni Jerome ang kamay ko at mas nagmadali kaming bumaba.
Sa sobrang daming tao, mas mabilis pa ang pagdami ng mga nangangagpang kaysa sa mga nagtatangkang lumabas ng building. Mabilis na napalitan ng growl ang mga sigaw. Wala na akong makita at parang bumagal ang oras. Hindi na ako makagalaw at wala na akong maramdaman.
Nagsimulang bumalik sa normal ang bilis ng takbo ng oras nang lumabas kami ni Jerome sa 2nd Floor Fire Exit. Parking Lot ito. Nagkalat pa rin ang mga tao sa paligid pero mas luminaw na ang paningin ko dahil mas madali nang huminga rito.
Hindi binibitawan ni Jerome ang kamay ko. Tumakbo kami papunta sa isang maroon na kotse. Kotse niya. Pagpasok namin ay ni-lock ko kaagad ang pinto at nagsuot ng seatbelt, as if kabisado na ng katawan ko ang gagawin.
Ang paghingal lang naming dalawa ang tanging naririnig ko. Kinukubli ng katahimikan sa loob ng kotse ang ingay mula sa labas. Nakatulala ako sa malayo pero ramdam kong nakatingin si Jerome sa'kin. Tumingin ako sa kanya sa pag-aakalang magsasalubong ang mga mata namin, pero paglingon ko ay sa braso ko pala siya nakatingin; tila litung-lito at gulat na gulat.
"Uhm.. Jared, yung braso mo.." ang tanging nasabi niya.
Paglingon ko sa braso ko ay kapareho ng reaksyon niya ang puminta sa mukha ko.
Walang tigil ang pagdaloy ng dugo, isang malalim na bitemark ang tumambad sa'king paningin.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Fiksi IlmiahHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...