Chapter 16: Julia

370 33 6
                                    

Lagaslas ng mga dahon at lagatok ng pagbali ng mga sanga. 'Yan ang mga tunog na sumasabay sa yabag ng mga paa ni Julia sa gitna ng kakahuyan, habang mabilis na tumatakbo mula sa mga humahabol na infected.

Magtatatlong oras na niyang tinatahak ang terrain mula sa camp pero tila hindi nauubos ang lakas ng mga infected. Sa di kalayuan, naririnig pa rin niya ang mga ngisngis at ungol ng mga ito.

Sabi sa map na nakuha niya sa camp, dalawang kilometro na lang ay matutunton niya na ang pinakamalapit na highway.

Paubos na ang lakas niya pero hindi natitinag ang isip niya. Kapag dininig niya ang reklamo ng mga muscles niya sa binti at i-allow niya ang sariling magpahinga, hindi magtatagal ay matatagpuan rin siya ng mga infected. Kahit akyatin niya pa ang pinakamataas na puno, it will only get her trapped.

Wala siyang choice kundi ang magpatuloy sa pagtakbo hanggang sa makarating siya sa highway.

Bakas rin ang luha niyang dumadaloy sa magkabilang pisngi.

"Jerome, you idiot." bulong niya sa kanyang sarili in between short breaths. Dinig ang inis at frustration sa kanyang tono. "You idiot, you idiot!"

21 hours. Mayro'n na lang siyang 21 hours para makarating sa DOH Headquarters at maibigay ang dugo ni Jared. Ayon sa mapa, apat na siyudad pa ang kailangan niyang lagpasan.

Nakapa niya ang malamig na bakal sa kanang balakang niya. Isang semi-automatic handgun ang nakasukbit, na nakuha niya kay Renzo nang barilin ito ni Claire sa camp ilang oras ang nakakaraan. Iyon at ang kutsilyong hawak niya ang natatangi niyang mga sandata.

Kailangan niyang makakita ng sasakyan. Hindi niya sigurado kung kakayanin niya bang makarating sa DOH Headquarters on foot, lalo ngayo't nag-iisa na lamang siya.

Napabalikwas siya nang biglang may sumunggab sa infected mula sa kanan nya. Mabuti't nakaiwas siya at naitarak niya kaagad ang kutsilyo sa ulo nito.

"Encephalitis.." bulong niyang muli sa sarili pagtapos hugutin ang kutsilyo sa madugong ulo ng infected.

Encephalitis. 'Yan ang salitang pumasok sa isip niya. Ang epekto ng virus ay halos kapareho ng sa encephalitis. Namamaga ang utak ng infected, and for some reason bine-break down nito ang calcium ng skull causing it to be soft, like cartilage tissues.

Acid. Calcium reacts to acid the same way. That may be the case. Naisip niya. I can't imagine how hard it would be to kill an infected kung hindi malambot ang skull nito. Buti na lang at gumagawa pa rin ang nature ng way to allow us to survive. But is this really natural? Or is it caused by something else?

Itinutok niya ang flashlight sa mapa nang ilang segundo, kinalkula ang lugar at direksyong tatahakin, at muli siyang nagpatuloy sa pagtakbo.

Sing bilis ng pagtakbo ng mga paa niya ang pagtakbo ng isip niya. Pero siguro dahil na rin sa pagod, nagsisimula nang maging blurry ang paningin niya. Unti-unti na ring bumabagal at umiiksi ang bawat hakbang niya. Mabuti na lang ay maliwanag na ang buwan, at nahawi na ang mga ulap na kaninang tumatakip dito.

Pero wala siyang choice kundi ang magpatuloy. May mga pagkakataong nakakalimutan niya na ang direksyon na dapat niyang sundin sa sobrang pagod, ngunit walang tatalo sa determination niyang maibigay ang dugo ni Jared sa DOH Headquarters.

Ito lang ang sagot para matigil na ang delubyong dinaranas nila ngayon. Ito lang ang paraan para bumalik na sa dati ang lahat.

Dati.

Dati, naalala niya, isa siyang di-hamak na medical student na ang kaisa-isang goal was to be a doctor. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makapagsuot ng white coat, and to make her parents proud.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon