"Good morning, Jared." sabi ni Julia. "Kain na."
Alas-diyes na ng umaga ako nagising. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko. I kissed Jerome. I FREAKIN' KISSED HIM!
That's not me. Definitely not me. I didn't know kung ano'ng pumasok sa isip ko. It was a good five to seven seconds of kissing when I realized what I did and then I stormed straight into my bedroom.
"Sige, salamat." sagot ko kay Julia. "Maya-maya na ako kakain. Magsha-shower muna ako."
Kita ko ang nagtatanong niyang mga mata dahil madalas ako pa ang nauunang maupo sa hapag-kainan, pero she decided not to say anything and just continued eating.
Nakaupo na rin at kumakain si Jerome. Alam kong nakatingin siya sa'kin pero I didn't look at him. Dumiretso agad ako sa banyo.
Hiyang hiya ako sa ginawa ko. Kung pwede lang na tumiklop ako ng siyam, gagawin ko.
After shower at late breakfast, kumuha ulit si Julia ng blood sample ko at dumiretso sa kwarto niya to examine it.
Tumayo na rin ako at didiresto na sana pabalik ng kwarto ko, pero pinigilan ako ni Jerome.
"Jared." sabi niya. "Can we talk? About last night."
I paused for a few seconds. I was hoping na never dadating ang moment na 'to, pero of course imposibleng mangyari 'yon. I have to face it. Tatlo lang kami sa bahay na 'to at walang nakakaalam sa'min kung hanggang kailan kami magtatagal dito. So tumango ako at umupo sa sofa na katapat ng inuupuan ni Jerome.
"Jerome, look." sabi ko. Hinihinaan ko ang boses ko dahil ayokong marinig ni Julia at malaman niya ang nangyari. "About that kiss, I.. I'm sorry--"
"Don't." sabi ni Jerome. "Please don't be sorry."
Napatigil ako.
"What happened last night," dagdag niya. "the kiss, it may be because you're stressed out. Maybe you need to, I dunno, feel anything other than distress."
Hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Ang alam ko lang is sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Jared, what I wanna say is that.." tumabi si Jerome sa'kin at hinawakan ang kaliwang braso ko. "That kiss, wala akong problema do'n. I'm here for you and I will take care of you."
Sumikip 'yung dibdib ko at parang namilipit 'yung t'yan ko sa mga narinig ko. Pero sobrang naguluhan ako sa sinabi niya.
"That kiss, was okay?" tanong ko. "Bakit mo sinasabi sa'kin 'to ngayon?"
"What do you mean?" confused na rin siya.
"Yes, utang ko ang buhay ko sa'yo Jerome. Wala ako dito ngayon, ligtas, busog at may tinutulugang kama, kundi dahil sa mga tulong mo. Pero there's one thing I want to clarify." sabi ko. "When I confessed to you about my feelings for you, sinend mo sa Group Chat niyo sa office 'yung messages ko. Why? What's with that?"
Hindi siya nagsasalita. Inalis niya sa pagkakahawak sa braso ko ang kamay niya.
"Walang nakakaalam ng sexuality ko, Jerome." sabi ko. "Alam mo ba kung ano'ng naging epekto ng ginawa mo sa'kin? Kung ano'ng naging epekto no'n samin ni Claire? Kaya kami magkahiwalay ngayon ng bestfriend ko, eh dahil lumabas kami ng office on the night na kumalat ang virus para kausapin niya ako about the screenshots ng messages ko sa'yo."
Tumataas siguro ang presyon ko dahil medyo nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Normally naiiyak ako kapag ganito ka-intense ang emosyon ko pero tuyo ang mga mata ko ngayon.
"Jared--"
"Araw-araw, nakakarinig ako ng mga side comments mula sa mga kaopisina natin. I had to deactivate my social media account kasi na-"out" ako nang wala sa oras. Wala sa oras na gusto ko. Wala sa oras na handa ako. I contemplated about resigning, and even ending my life--"
"Jared--"
"Totoo 'yon, Jerome. I was clueless. Hindi ako handa. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Hindi ko alam kung pa'no i-develop 'yung tapang na never kong na-imagine na kakailanganin ko agad, sooner than the time na ready na akong sabihin sa lahat who I really am. In-out mo 'ko, Jerome. You took away the life I painstakingly and carefully established."
Bakas sa mga mata ni Jerome ang sakit ng mga sinabi ko. I felt somewhat guilty, but I had to say it. I had to let him know because now, I already love him. And I'm ready to tell him that I do love him.
"Jerome, I'm telling you these things because I lo--"
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Julia. Para akong hinila ulit pabalik sa realidad.
Lumabas si Julia na dala dala ang CB Radio. "Guys!" sabi niya, kitang kita ang excitement sa kanyang mukha. "Nagrespond na ang DOH!"
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...