Dilim. Walang katapusang dilim.
Nothingness. Emptiness. Is this it? Am I already dead?
Sa dulong bahagi, may naaaninag akong maliit na bagay. Hindi ko mawari kung ano 'yon, pero sigurado akong 'yon ang bagay na dapat kong puntahan. 'Yon lang ang kaisa-isang bagay na nakikita ko.
Naglakad ako patungo roon. Habang papalapit ako nang papalapit, na-realize kong hindi pala ito maliit. Isa itong puting pinto.
Pamilyar ang pinto. Gawa sa kahoy at ang hitsura'y niluma na ng panahon. Ang doorknob ay brass na may kaunting kalawang. Saan ko nga ba nakita ang pintong ito? Hindi ko matandaan. Pero nag-uumapaw ang curiosity kong buksan ito at silipin kung ano ang nasa loob.
Pinihit ko ang doorknob pa-kaliwa at narinig ang click, tanda na hindi ito naka-lock sa kabilang side. Tinulak ko papaloob ang pinto at hesitant na sumilip.
Isa itong bahay. Maliwanag ang paligid. Tumatagos ang sikat ng araw sa mga maninipis at makukulay na kurtina ng bintana. Maliwanag pero hindi masyadong mainit. Mga 4pm to 5pm ang ganitong temperature ng paligid.
Pagpasok ko, sala ang unang bumungad sa akin. Nakabukas ang TV. Popeye the Sailorman ang palabas. Cartoon Network. Pero walang nanonood.
Then, I was welcomed by a very familiar smell. May niluluto. Amoy butter. Alam ko na! Pancakes. Pancakes na may kesong hinati-hating pa-cubes. Merienda. May kasamang matamis at malamig na gatas. Bakit ko alam ang amoy na 'yon? Hindi ko matandaan.
I felt at peace. Wala akong memory na nakapunta na ako sa bahay na 'to, pero siguradong sigurado ang puso ko na this is where I belong. I could live here for the rest of my life!
Clank!
Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog. May isa na namang pinto at dito rin nanggagaling ang amoy ng Pancakes. Ang tunog ay parang nagbabanggaang sandok at kawali. Panigurado, kitchen ito at nasa loob ang nagluluto.
Pagpasok ko sa kusina, I was expecting to see someone pero walang tao. Empty, katulad ng sa sala.
Footsteps.
May naglalakad at nanggagaling ang tunog mula sa itaas. Hindi ko alam kung bakit, pero ang nasa isip ko ay kailangan kong puntahan ang kung sino mang naglalakad na 'yon.
Paglabas ko ng kusina, umakyat ako sa hagdan sa gawing kaliwa.
Mayroong dalawang pinto dito sa itaas. Hindi ko alam kung paano pero dinala ako ng mga paa ko sa kanang pinto. Gusto kong kumatok pero tila may sariling buhay ang mga kamay ko at pinihit kaagad ang doorknob.
Tinulak ko lang papaloob ang pinto ngunit hindi ako pumasok. Hindi ko alam kung bakit pero may pumipigil sa mga paa ko na pumasok sa loob ng kwarto.
Sa dulo ng kwarto, may isang lalaking nakaupo sa kama. Nakatalikod ang lalaki sa akin at nakatingin sa labas ng bintana. Middle-aged ito, at kahit sa malayo ay aninag ang mga patches ng puting buhok sa kanyang bumbunan.
"Jared.. Ito na ang simula ng bago mong buhay, Jared." Kalmadong sabi ng lalaki. Hindi pa rin ito humaharap pero dinig ko ang ngiti sa kanyang mga salita.
Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Ano po?" tanong ko.
Hindi na siya sumagot pa. Tumayo siya at dahan-dahang humarap sa'kin.
Ang peace na naramdaman ko kanina ay napalitan ng terror. Laking gulat ko nang makita ang hitsura ng lalaki. Wasak ang kanang bahagi ng mukha nito at naliligo ito sa sariling dugo. Nanlilisik at namumula ang kanang mata niya.
Nagsimula siyang huminga nang mabilis at maglaway. Agad nag-register sa utak ko na isa syang infected. At kailangan ko nang tumakbo!
Sabay ng pagkaripas ng mga paa ko pababa ng hagdan ay ang paghabol niya sa akin. Laking pasalamat ko na hindi ako pumasok sa loob ng kwarto, allowing me a little chance na ma-outrun siya.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...