"Gising... GISING!"
Isang malakas na sampal ang gumising sa diwa 'ko. I felt the sting crawl from my cheek to my jaw. I also felt a sharp pain on my nose. Napaluha ako sa sobrang sakit.
Pagdilat ng mga mata ko, umiikot ang buong paningin ko.
Lumabas ng kwarto ang sumampal sa'kin. Naaaninag ko ang silhouette ng likod ng kanyang ulo sa maliit, square at translucent na salamin ng pinto. It looked like he was now guarding the room from outside.
I struggled to figure out what's happening. Nasa isang kwarto ako na may malamlam na ilaw. Parang dati itong opisina pero tinanggal ang lahat ng gamit, maliban sa portrait ng pangulong nakasabit sa pader.
Ang portrait ng pangulo. May nakasabit na ganyan sa lahat ng silid ng camp so most likely, nasa camp pa rin ako.
I found myself na naka-fetal position sa gitna ng kwarto. Sinubukan kong bumangon, pero muli akong natumba dahil nakatali ang mga kamay ko sa likod ko and my knees and feet were also bounded.
Kung wala lang busal ang bibig ko ngayon, matatawa ako sa hitsura kong animo'y hinostage na katulad ng sa mga pelikula. Ganito rin pala ang ginagawa ng mga masasamang tao sa tunay na buhay.
Ilang segundo ang lumipas, may isa pang lalaking pumasok sa kwarto. Lumapit siya sa akin at hinawakan nang mahigpit ang buhok ko to make my wobbly head steady.
Nakasuot siya ng scrub suit at mask kaya hindi ko maaninag ang hitsura niya maliban sa kayumanggi niyang balat at malaking pangangatawan.
Maybe he's a nurse.
Tinutukan niya ng flashlight ang magkabilang mata ko, as if inspecting something. Afterwards, chineck niya rin ang bitemark sa braso ko na ngayo'y isa na lang malaking scar.
He pricked my index finger at ipinatak ang lumabas na dugo sa isang green strip na papel.
Mabilis naging purple ang kulay ng papel.
Dinig ko ang sharp na pag-inhale ng lalaki. Tiningnan niya ako sa mata nang mga ilang segundo. Bakas ang gulat at pagkamangha niya sa ipinakitang reaction ng hawak niyang papel.
Pagtapos ay iniligpit na niya ang mga apparatus at lumabas rin agad ng silid.
Pagsara ng pinto, nabingi ako sa katahimikan. Ilang sandali pa ay unti-unting bumalik sa akin ang mga nangyari.
Wala na si Claire. Binalikan ko siya upang iligtas pero nabigo ako.
My face flinched remembering what that demon Lieutenant Hernandez did.
Agad bumuhos ang luha ko nang marealize kong dahil sa'kin, at sa immunity ko, kaya namatay ang bestfriend ko. I started to wish na sana hindi na lang kami nagkita. Buhay pa sana siya ngayon kung sakali.
Hindi rin sana nalagay sa alanganin ang buhay nina Jerome at Julia.
Sina Jerome at Julia.
Ano na kayang nangyari sa kanila? I hope nakarating na sila ng DOH by now. Napangiti ako sa thought na any day now, madedevelop na ang vaccine at matatapos na ang delubyong ito. That's the only consolation na pinanghahawakan ko ngayon.
Bumukas muli ang pinto at tila huminto ang paghinga ko sa nakita ko. Pumasok si Lieutenant Hernandez at sumunod sa kanya ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. Agad kong napansing hindi ito Filipino dahil sa blonde na buhok nito, matangkad na physique at caucasoid features.
Both of them were looking at me menacingly.
"Here he is, Dr. Kaufman." sabi ni Lieutenant Hernandez. "In the flesh, our recently-caught immune--"
"Immuno. They're called Immuno." pagko-correct ni Dr. Kaufman. Itinaas niya ang kamay at inilapit sa paningin ang hawak niyang purple paper strip which I assume is the same one with my blood on it. "I've never seen this test strip so purple. The one caught in Malaysia was almost non-reactive, so I killed that useless subject right away. But this, Lieutenant, could be an advancement on our experiment. You must've caught one special Immuno. I can't wait to run further tests."
Gusto kong maduwal sa pag-uusap nila. Tila hayop ang turing nila sa akin. Sa amin. Marami pa pala ang katulad ko na nasa ibang parte ng mundo!
And worse, this doctor.. is a murderer. I started to feel my fear creeping in.
"I told you, your flight from US to Philippines is worth it." sabi ni Lieutenant Hernandez. "I've been receiving your private radio broadcasts and as soon as I caught this, this Immuno, I had to contact your local based staff right away. We are very excited to immediately close our deal."
"I will be running a series of tests first before I give you your reward, Lieutenant." sabi ni Dr. Kaufman. "I need to make sure that this subject is what I'm really looking for."
"I'm pretty sure he is what you're looking for." sagot ni Lieutenant Hernandez as if he had the right to sell me. "Test him all you want."
"We'll see." sabi ni Dr. Kaufman while looking at me like I'm a stray dog at the pound. Without looking at Lieutenant Hernandez he said, "Bring him to the lab."
I looked back at Dr. Kaufman. Pinilit kong hindi kumurap. Ayaw kong makita niyang mahina ako. Last night, seeing Claire die, I almost lost my motivation to live. But for some reason, now I was having this feeling that I had to fight back. Whatever it is, it felt right.
I will get out of this alive.
Lumabas na silang dalawa at di nagtagal ay may pumasok na guard para i-blindfold ako.
I felt a cold steel touch my forehead, then a click. It's a gun pointed at me.
"Don't do anything stupid." sabi ng guard. Tinanggal niya ang mga tali sa tuhod at paa ko, pero iniwan niya ang sa kamay ko. "Get up."
He took me out of the room and brought me outside of the building. Naaninag ko ang liwanag ng araw na tumatagos sa telang nakatapal sa mga mata ko, at ramdam ko rin ang init ng sikat nito against my skin.
Isinakay nila ako sa backseat ng isang kotse, at katabi ko ang guard na may baril na nakatutok pa rin sa akin.
Dinig na dinig ko ang madagundong na kabog ng dibdib ko. My instincts were telling me to run and hide, but for some reason, an unknown force was keeping me still.
Umandar ang kotse sandali ngunit muli ring huminto. Nakarinig ako ng tunog ng bakal na nagkikiskisan which is what I presume was the gate.
Narinig ko ang pagbaba ng bintanang salamin ng kotse.
"What's your ETA?" sabi ng isang lalaki. Nanggagaling sa labas ng kotse ang boses niya. Most likely siya ang gatekeeper. "Kasama pa bang ibabalik 'yang immune?"
"Indefinite." sagot ng driver. "Walang sinabing eksaktong details. Si Lieutenant Hernandez mismo ang pi-pick-up ng reward doon sa lab which will be released kapag tapos na 'yung doktor dito sa immune na 'to. They said it could be at least 48 hours."
"Copy. We'll prepare Lieutenant's car sa makalawa." sagot ng gatekeeper. "Sige larga!"
Muling umandar ang kotse. This time, hindi na ito huminto.
I am now on my way to Dr. Kaufman's lab. Death could be waiting, but I sure will fight for my life.
Bring it on.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...