I'm dead.
Hindi ko alam kung kailan o kung paano ako nagkaroon ng bitemark nang hindi ko nararamdaman. Ngayon na nakita ko ang sugat, agad na nagregister sa utak ko ang pain.
Pinagpawisan ako ng malamig at nanginig ang buo kong katawan.
"Jared, what do you feel?" tanong ni Jerome habang pinakikiramdaman ang noo ko gamit ang likod ng kanyang kamay. "Nilalagnat ka."
Ine-expect ko na makakarinig ako ng takot sa boses niya pero naramdaman kong mas nangingibabaw ang concern niya. Bigla kong narealize na ngayong mayro'n na akong bitemark, isa na akong threat sa buhay niya.
"Kailangan ko nang umalis, Jerome." sabi ko, in-between shaky breaths. Nagiging unbearable na ang pain sa braso ko. "Salamat sa pagliligtas mo sa'kin, pero delikado para sa'yo na magkasama pa tayo ngayon."
Tinanggal ko ang seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero pinigilan ni Jerome ang kamay ko.
Pipiglas sana ako pero biglang tinakpan ni Jerome ang bibig ko.
"Shh.." sabi niya. Nakatingin siya sa harap ng kotse. "'Wag mong bubuksan ang pinto."
Napatingin rin ako sa kung saan siya nakatingin. Para akong sinakluban ng pinakamadilim na reality.
Hindi ko mabilang sa sobrang dami ang mga infected na nasa harap ng kotse. Nakatingin sa amin ang mapupula nilang mga mata. Sa pagkakatanda ko, tinted ang mga salamin ng kotse pero hindi ko sigurado kung naaaninag ba kami mula sa labas. 'Wag naman sana.
Nakahinto lang sila na parang mga estatwa. Panaka-nakang nagtu-twitch ang mga ulo nila na parang sa ibon.
Wala na rin ang mga muffled na sigaw at iyak na naririnig mula sa labas ng kotse. Tumahimik na ang buong paligid.
Dahan-dahang kinuha ni Jerome ang susi ng kotse niya mula sa kanyang bulsa at isinuksok sa keyhole sa likod ng manibela.
"Jared, kumapit ka." sabi niya.
Bago pa ako makapagsalita, pinihit ni Jerome ang susi at agad nagstart ang sasakyan.
Naging signal ng mga infected ang pagtunog ng makina. Sumugod silang lahat papunta sa kotse. Nagsampahan ang ilan sa windshield at ang iba naman ay nagtangkang buksan ang mga pinto.
Kinakalampag nila ang mga salamin at hinahampas nila ito ng kanilang kamay o di kaya'y noo para mabasag.
Pinaandar ni Jerome ang kotse at mabilis na nagmaneho papalabas ng parking lot. Maraming infected ang nakaladkad at naiwan pero may mga apat o limang nakasampa sa unahan at likuran ng kotse.
Pinaliku-liko ni Jerome ang kotse upang malaglag ang mga nakasampang infected. Nakadilat ang mga mata ko pero nanlalabo ang paningin ko sa sobrang bilis ng pagtakbo ng sasakyan.
Iniliko ni Jerome ang kotse papuntang ramp palabas ng parking lot. Nakita ko sa rearview mirror ang pagtilapon ng infected sa likod at pagtama ng kanyang ulo sa kanto ng konkretong pader.
"Jared, magseatbelt ka!" sigaw ni Jerome.
Blindly akong sumunod at ikinabit muli ang seatbelt. Do'n ko narealize na nakababa pala ang bakal na rod sa exit ng parking lot.
Binangga ni Jerome ang rod at tumilapon ito sa di kalayuan.
Naglabasan ang mga infected sa parking lot exit ng building na parang mga langgam. Sa sobrang dami nila, hindi ako makapaniwalang buhay kami ngayon at nakatakas.
"We're gonna go to the nearest hospital, okay?" Sabi ni Jerome habang mabilis na nagmamaneho. Hindi umaalis ang tingin niya sa daan. "Mayro'n akong alcohol at spare towel d'yan sa compartment, kunin mo at gamitin mo para sa sugat mo."
Binuksan ko ang glove compartment at kinuha ang bote ng alcohol at asul na towel. I was a little impressed dahil malinis ito at amoy fabric softener.
Hindi ko na pinunasan ang mga nagkalat na dugo at diretsong ibinuhos ang alcohol sa sugat.
I winced due to extreme throbbing pain. Itinapal ko kaagad ang asul na towel sa sugat at idiniin ito upang tumigil ang pag-agos ng dugo.
"Jerome, look. I was bitten." Sabi ko, nangangasim pa rin ang mukha dahil sa sobrang hapdi. "We both know kung ano ang nangyayari sa mga taong nakagat. Magiging katulad ko rin sila-"
"No, Jared." Sagot ni Jerome, thinking intently. "We don't exactly know that yet."
"Are you crazy? Nakita mo kung ano 'yung nangyari sa mga tao sa fire exit. Ibaba mo na lang ako sa pinakamalapit na bus stop. Please.." Sabi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest dahil nakakaramdam na ako ng kaunting pagkahilo. "Ako na lang ang pupunta sa hospital. I won't risk your life--"
"NO!" sigaw ni Jerome.
Napatahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hindi ba dapat ako ang mas nagfi-freak-out at nag-aalala sa aming dalawa?
"We're gonna go to Makati Med." Sabi ni Jerome with a much calmer tone. "You're gonna be fine, okay?"
Sinubukan kong buksan ang pinto. I don't know what he's thinking or why he's denying it, pero one thing I am sure of is threat ako sa buhay ni Jerome.
He immediately child-locked it.
Despite my demands to stop the car, Jerome was very eager to take me to the nearest hospital. Mga limang kotse na yata ang na-overtake-an niya at halos mabangga pa kami ng isang motor sa sobrang pagmamadali niya.
"Jerome, let me out, please." Sabi ko. "Buksan mo na 'yung pinto-"
SCREECH!
Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang pumreno si Jerome.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa itaas na bahagi, parang may tinitingnang mataas at malayong building, then he shifted his attention sa akin, sa sugat ko.
"What happened?" Tanong ko. Hindi ko na masyadong maaninag ang paligid dahil nanlalabo na ang mga mata ko. "Why did you stop?"
He was silent, dumb-founded. I leaned over a little and saw what he was looking at.
Akala ko'y mabagal lang ang traffic kaya't maraming kotse ang nakahinto sa harapan namin. Sinundan kong mabuti kung saan nag-uumpisa ang dagat-dagatang kotse, and that's when I realized why Jerome was so shocked. Nang maaninag ko nang mas mabuti, pila pala ito ng mga kotseng nagtatangkang makapunta sa ospital. Sobrang haba at tila wala nang paggalaw.
Sa lagay ko, malamang isa na akong ganap na infected bago pa man kami makarating kahit sa tapat man lang ng ospital.
"We have to turn around." Sabi ni Jerome. "I'll find another hospital, don't worry."
Mabilis na nag-U-Turn si Jerome bago pa man kami ma-trap ng mga paparating pang mga kotse. Mga tatlong traffic rules siguro ang na-violate ni Jerome, pero tila wala na siyang pakialam do'n.
Nakita kong genuine ang concern niya sa'kin, at wala akong magawa kundi ang lumambot ang puso para sa kanya.
"Jerome." Sabi ko. Nanghihina na ako at kahit magsalita ay nahihirapan na akong gawin. "Jerome, thank you."
"Ssshh.." sabi ni Jerome. "Just stay awake, okay? Stay awake."
Nanginginig ang buo kong katawan at hirap na hirap akong huminga. Tinanggal kong muli ang seatbelt at inihiga nang kaunti ang upuan ng kotse.
'Eto na ba 'yon? 'Eto na ba ang katapusan ko? Naisip ko. Nagdidilim na ang paningin ko at hindi ko na kayang idilat pa ang mga mata ko.
"Jared?" sabi ni Jerome. "Jared, 'wag kang bibitaw, please. Just stay awake. Dadalhin kita sa ospital. Jared.. Jared!"
Pilit ko mang labanan, pero hindi ko na talaga kaya ang sakit. With his face as the last image that I saw, I closed my eyes and let the darkness succumb me.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...