Chapter 24: Ang Susi Sa Kalayaan

299 31 5
                                    

"Ugh!" 'yan lang ang ingay na naibulalas ko nang dambahin ako ng malaking infected, at bumangga ang likod ko sa malamig na pader ng laboratory. Ang infected ay isang lalaking naka-overalls na punit-punit, at nakita ko sa tag na nakaburda sa dibdib nito na sa Plumbing Company ito nagtrabaho noon.

Kakaunti na lamang ang buhok nito at ang mga natitirang maninipis na patches ay palagas na rin. Nakaluwa at lumalambi-lambitin ang isang mata nito, at may halong green na slime ang laway na lumalabas sa inuuod na bibig nito.

Tinutulak ko papalayo ang infected, pero dahil di hamak na mas malaki ito sa'kin, even keeping it still took a lot of my energy.

Magti-thirty minutes na kaming naghahabulan sa isang maliit na kwartong ang isang side ay may malaking transparent na salamin kung saan kami pinanonood ng mga demonyong doktor, including Dr. Kaufman. Everytime na nakikita ko sila, nag-iinit ang dugo ko sa galit.

Ganito rin ang ginawa nila sa mga kasama ko sa selda, kina Ara, Ivan at Karim. If this is not pure evil, then I don't know what it is.

What I'm sure of, is I've had enough of their abuse. Whatever they wanna do to me, I'd say bring it on.

Nakita kong may nakausling buto sa binti ng infected. Broken tibia. Kaya pala gegewang-gewang ito maglakad. I let go of the infected and crouched right away. When his upper body slammed to the wall due to his force, I used that opportunity na ikutan siya at hilahin ang nakausling buto nito.

Dinig na dinig ko ang pagpunit ng laman at pagbanat ng makukunat na ligaments sa hita ng infected. It growled and lost its balance.

Napahiga ang infected at nakatulong ang opposing force ng weight niya upang mabali at lumagutok ang buto. Sa wakas, nahugot ko ito nang tuluyan.

Nang pabangon na ang infected, agad kong sinaksak ang noo nito. Bumagsak muli ang infected, and this time, it's dead.

Bumukas ang pinto at nagpasok sila ng tatlo pang infected nang sabay-sabay!

Survival instinct combined with adrenaline rush, agad kong napatay ang mga ito using the single bone as my weapon without any scratch on me.

"AAAAAARGGHH!" sigaw ko. Napaluhod ako at hingal na hingal ako sa sobrang pagod. Tumingin ako sa mga doktor na nanonood sa akin. Lahat ay naglalakihan ang mga mata, at ang iba'y nakatakip ng kamay ang kanilang bibig sa sobrang gulat sa nasaksihan. Tumayo akong muli at hinanap ko si Dr. Kaufman among them. Nang makita ko ang kanyang seryosong mukha at naka-ekis na mga braso, I menacingly smiled at him and mouthed "Did you enjoy the show?".

Nanikip ang mga ugat sa mukha ni Dr. Kaufman. He was pissed, that's for sure. And it gave me more satisfaction than I expected. Sumenyas ang kamay ni Dr. Kaufman and immediately, two guards entered the room.

Tinutukan ako ng baril sa ulo ng isa, at ang isa nama'y hinablot ang buto mula sa madugo kong mga kamay. Dinala nila ako sa harap ni Dr. Kaufman.

"You.." sabi ni Dr. Kaufman. Sinampal niya ako nang sobrang lakas, halos mabingi ang kaliwang tenga ko. Agad kong naramdaman ang pag-init at paghapdi ng pisngi ko. "If you think you could insult me and everything I've worked for--"

Dinuraan ko siya sa mukha.

Sinikmuraan ako ng isang guard at ang isa nama'y hinampas ng baril ang kanang mukha ko.

Bumagsak ako sa sahig sa sobrang lakas ng impact. Despite that, I continued to laugh. Inilakas ko pa, para mas intense.

"Clean him." sabi ni Dr. Kaufman. "Then bring him back to his cell."

Agad naman akong kinaladkad ng mga gwardiya papunta sa isang maliwanag na silid. From the looks of it, it's their clinic.

Iniwan nila ako sa loob. I'm guessing they're guarding the door from the outside.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon