Chapter 12: Ang Lumpon

240 23 3
                                    




"It's not your fault, Jared." Sabi sa'kin ni Jerome nang mapansin niyang matagal na akong nakatahimik. "We did what we could."

Nagpatuloy kami sa paglakad nang mapansin naming unti-unti nang nagiging ginto ang matingkad na sikat ng araw. Hapon na at wala pa kami sa kalahati ng lalakbayin namin.

I gave him a faint smile. Hinawakan niya ang balikat ko at hindi na muling nagsalita.

I felt bad about what happened to the baby. I also felt bad na walang nagawa ang dugo ko upang ma-save ito.

Paliwanag ni Julia, nangyayari talaga na hindi nagwo-work ang passive immunity. Tulad ni Jerome, sinabi niya ring hindi ko kasalanan ang nangyari, yet kitang kita ko sa mga mata niya na sobrang na-devastate din siya.

Huminga ako nang malalim, at nagpatuloy sa paglalakad.

"Guys, wait." sabi ni Jerome after a few minutes. Huminto siya at tila nababahala. "Do you hear that?"

Napahinto rin kami ni Julia.

"Ang alin?" tanong ko. "I don't hear anything--"

"Shh.." sabi ni Jerome. "Listen.."

Nagsimula sa napakahina ngunit palakas nang palakas. Noong una ay hindi ko pa ma-recognize kung ano ang tunog na 'yon, pero mga ilang segundo lang, I started to panic.

Mga aso. Tahol ng mga aso. And by the sound of it, sobrang dami ng mga 'to.

Mga dalawang kanto mula sa kinatatayuan namin, nagsilabasan ang napakaraming mga aso. Iba-ibang breed, pero they have one thing in common. Pula ang mga mata nila at duguan rin ang mga bibig. They're running like wildfire. They're infected and rabid!

"What do we do?" sabi ko. Sobrang bilis ng takbo ng mga aso. "Guys, what do we do?!"

"We can't run." sabi ni Jerome. "They're too fast. We need to hide."

"There!" sabi ni Julia. Tinuro niya ang maliit na truck na nasa gitna ng daan. Chineck namin ngunit nakalock ang mga pinto nito, pati ang likod. "Tumuntong tayo sa bubong."

Agad kaming sumunod ni Jerome. Naunang umakyat si Julia at tinulungan niya kami ni Jerome na makaakyat pataas. Humiga kami sa bubong at inilapat ang mga likod para hindi kami makita ng mga asong paparating.

Pero it's kind of too late, dahil kahit nakaakyat kami on time, the dogs stayed at pinalibutan ang truck. I guess they smelled us. Sobrang lakas pa rin ng mga tahol nila.

"I think we're safe." sabi ko. "They can't climb, can they?"

"I don't think so." sabi ni Jerome. "Let's stay here until mapagod sila kakatahol."

"They're infected, Jerome." sabat ni Julia. "They don't know how to give up."

"Maybe we could--" napahinto ako sa pagsasalita dahil biglang umuga ang truck. "What the heck? How can they shake this--" hindi na naman natapos ang sentence ko nang biglang umuga nang mas malakas ang truck.

"It's impossible, they're just dogs." sabi ni Julia. "Unless.."

Nagkatinginan kami ni Jerome. Dumapa ako at gumapang papunta sa dulo ng truck para silipin kung ano ang nangyayari. Sumunod din agad sina Julia at Jerome.

Tama ang hinala namin.

Sa sobrang lakas ng tahol ng mga aso, sobrang daming infected na tao ang nakarinig sa mga ito. Mabilis na nagdadatingan ang mga infected mula sa iba't ibang direction.

Nadiscover din ng mga aso na pwede nilang tuntungan ang balikat ng mga infected para maabot kami.

Halos mapatalon ako paatras nang muntik nang maabot ng pangil ng aso ang pisngi ko.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon