Chapter 7: Ang Unang Pagdampi

598 53 7
                                    

Katahimikan. Awkward na katahimikan. Walang ni isang nagsasalita, at ang tanging naririnig lang ay ang kalansing ng mga kutsara't tinidor na bumabangga sa mga plato. Ganito kaming tatlo halos araw-araw mula nang magising ako.

Masarap ang dinner na niluto ni Julia, ex-girlfriend ni Jerome. Corned beef at scrambled egg. Sobrang daming stock ng groceries sa bahay nila, dahil nag-a-abroad ang nanay niya at panay daw ang padala. Sobrang thankful ako kay Julia, especially na she welcomed us at pinagluluto niya pa kami ng masasarap na pagkain. Pero may nalalasahan pa rin akong kaunting pait sa bawat pagnguya ko. (If you know what I mean).

Nakatira si Julia sa isang gated na compound. Fortunately, nagtatrabaho sa isang security company ang tatay niya. Nag-iinstall daw ito ng mga home alarms, fire proofing, gate locks and such, kaya't fully guarded ang lugar nang mangyari ang delubyo.

"Uhm, Jared." sabi ni Julia. Nakangiti siya sa'kin. "Kumusta na 'yung braso mo? Masakit pa ba?"

Tumingin ako sa mga mata niya. Ngumiti rin ako at sana hindi niya nahalatang pilít ito. Araw-araw naman niyang chinecheck ang sugat ko at kumukuha rin siya ng mga blood samples, so bakit pa siya nagtatanong?

"Hindi naman na." sagot ko. "Kumikirot lang siya nang konti kapag napipisil o nagagalaw. Pero mukhang nawala na rin yung maga sa paligid ng kagat unlike nu'ng isang araw. Natanggal na rin 'yung mga langib so siguradong tuyo na ang mga sugat."

Napalakas ang lunok ni Jerome. Oo nga pala, kumakain kami. Medyo nakakadiri ang usapan, pero wala naman kasi 'yun sa'kin. Hindi ako maselan. At sigurado akong gano'n din si Julia, bilang Med Tech graduate naman siya at ngayon ay nag-aaral na ng medisina.

"Ay sorry." sabi ko kay Jerome. "Kumakain nga pala tayo."

"No, it's okay." sagot ni Jerome. "Mabuti 'yan, na gumagaling na ang mga sugat mo." Tumingin siya kay Julia. "Jules, alam mo sa dinami-rami ng mga nakita namin sa labas, 'yung mga taong nakagat ng infected, si Jared lang ang nag-iisang nakita kong hindi naging.. Uhm.."

"Zombie?" sabi ni Julia.

Ang weird (at cringy) makarinig ng word na 'zombie' mula sa isang tulad ni Julia, pero kung iisipin, wala namang ibang term na pwedeng i-associate sa mga nangyayari kundi 'yon.

"'Yun na nga.. Zombie." sabi ni Jerome. Alam kong pareho kami ng iniisip. "Sa araw-araw na panonood natin ng balita sa tv, walang nabanggit na may mga taong posibleng--"

"Immune?" sabi ko. Tumingin ulit ako kay Julia. "Tama si Jerome. Napansin ko rin noong nagsisimula pa lang ang mga 'to, na ilang segundo lang ang itinatagal bago maging zombie ang mga nakagat. It's been almost 2 weeks mula noong nakagat ako, at ngayon halos 100% fully recovered na 'ko. I'm positive na immune ako. My question is, ilan ang mga katulad ko?"

"To be honest, hindi ko alam." sagot ni Julia. "Sa ngayon, ikaw pa lang rin ang nakita kong unsusceptible sa virus. Last week, sabi sa news sobrang aligaga ang DOH sa pagresearch at pagdiscover ng vaccine. But now, despite my constant efforts to reach them, wala pa akong narereceive na communication mula sa kanila. I get blood samples from you everyday and I'm trying to study it. Once makakuha ako ng response from them, at least I have complete reports to send them."

Bilang graduate ng Medical Technology si Julia, marami siyang medical and scientific equipment sa kwarto niya which allowed her to study my blood and all. Anything beyond that, wala na akong alam. Hindi rin naman ako interesado.

Natapos kaming kumain at ako ang nakatoka ngayon na maghugas ng plato. Pumasok na si Julia sa kwarto niya at si Jerome naman ay nasa sala, pinipilit gawin ang sirang comms radio receiver. Mas madali daw kasing makakapag-communicate si Julia sa DOH gamit 'yon. (Whatever.)

Wala na kasing internet at signal ang mga cellphones. Buti't may kuryente pa at tubig. Kung paano, hindi ko alam.

Sa likod ng ingay ng agos ng tubig sa lababo, napaisip ako nang malalim.

Wala akong way para ma-contact ang pamilya ko. Ang tanging pinanghahawakan ko lang ay ang huling text na nareceive ko mula kay mama na ang sabi ay okay lang daw sila. Hindi ko alam kung ligtas pa rin ba sila hanggang ngayon. Gustuhin ko mang puntahan sila, nasa Bacolod sila at nasa Manila ako. Sarado lahat ng airport at terminals sa buong bansa, sabi sa balita. Miss na miss ko na sila, at parang ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na i-absorb ang sobrang pag-aalala ko sa kanila.

To make things worse, wala na akong balita kay Claire simula pa noong gabing iniwan niya ako sa coffee shop, minutes before the virus outbreak.

Nagsimulang uminit ang mga mata ko at umagos ang mga luha. Ngayon na lang ulit ako nakaiyak. Noong mga nakaraang araw, para akong manhid at shocked sa mga nangyari. Hindi ko napigilan at napalakas nang kaunti ang paghikbi ko.

"Jared?" sabi ni Jerome. Napatigil siya sa pagbutingting ng radyo nang marinig ang pag-iyak ko. "Umiiyak ka ba?"

"Uhh.. Hindi." sabi ko. "Tumatawa."

Hindi siya natawa sa joke ko. Tumayo siya at lumapit sa'kin. Saktong tapos na akong maghugas ng pinggan at papunta na ako sa nakasabit na cloth para tuyuin ang mga kamay ko nang bigla niya akong yakapin.

I was surprised at hindi ko alam kung paano magrerespond. Mga ilang segundo syang nakayakap sa'kin habang nakatulala lang ako at nakalaglag ang mga basang kamay sa gilid. Hindi ko rin maipaliwanag pero at that moment, parang may isang dam na bumukas mula sa puso ko at mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

Shortly after, niyakap ko nang mahigpit si Jerome dahil kung hindi, pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko at tutumba ako sa sobrang pag-iyak.

Hindi nagsasalita si Jerome at hinihimas lang ng palad niya ang likod ko. At that moment, I was broken yet I was at peace. I was so weak yet I feel I have a strong wall to lean on.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Jerome at tiningnan ko siya sa mata. Hawak pa rin niya ang mga braso ko. Despite the blur sa vision ko caused by my warm tears, kitang kita ko ang concern na nakapinta sa mukha niya.

The moment was so perfect. He was perfect. I was not thinking about anything anymore, except the fact that I feel grateful na kasama ko siya in the middle of this chaos.

So, I kissed him.

I. Kissed. Him. Hard.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon