"Aaaaahhh!" napasigaw ako sa sobrang sakit. Hindi ako makagalaw dahil sa mga leather belts ng kamang gumagapos sa leeg, kamay, braso, binti at mga paa ko. Puno rin ng mga nakadikit na aparato ang noo at dibdib ko. "Tama na!!!"
Tila bingi sa mga sigaw ko ang doktor na nag-aanalyze sa namimilipit kong katawan--si Dr. Kaufman. Kanina ay nag-inject siya ng purple na kemikal sa IV catheter na nakatusok sa kanang braso ko. Ngayon ay nakatingin siya sa monitor ng malaking makinang kumukuha ng data upang malaman ang lagay ng utak ko.
Unti-unting gumagapang sa buong katawan ko ang kemikal na ininject ni Dr. Kaufman sa akin. Nagsimula sa braso at ngayon ay parang nilalamon na ng apoy mula ulo ko hanggang sa baywang. Sabay sa pagdaloy ng kemikal ang pag-spasm ng mga muscles ko na parang kinukuryente ako na hindi ko maintindihan.
Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na laway sa gilid ng kaliwang pisngi ko. Nagbu-blur na rin ang vision ko, at nararamdaman kong mabilis na umiikot ang itim ng mga mata ko sa loob ng skull ko.
I almost wished to be dead. Almost. But no, lalaban ako. Lalaban ako sa lahat ng kung ano mang gawin nilang eksperimento sa'kin.
Ang buong katawan ko ay parang naglalagablab sa sobrang init ng pakiramdam ko. Pero ilang segundo ang lumipas, para akong nalagutan ng hininga. I immediately took a sharp breath. A sudden inhale. It's like a hiccup, pero sobrang intense ang paghigop ko ng hangin to the point na tumaas ang dibdib ko na para bang umahon sa pagkakalunod.
Then I felt numb. Biglang bumagsak ang katawan ko. Para akong nagshutdown, pero gising ako. Nanginginig pa rin ang mga muscles ko, pero unti-unting kumalma ang katawan ko.
Animo'y may ipu-ipo sa loob ng katawan ko na bumulusok nang sobrang lakas, ngunit ilang segundo'y nawala rin bigla.
"Interesting.." sabi ni Dr. Kaufman. "Let's try a deadlier strain."
Mga tatlong beses akong tinurukan ng virus, each time more painful. I almost reached my breaking point. Halos gusto ko nang sumuko. But no. Not this time.
Sa tabi ng lupaypay kong katawan, sabi ng isa sa mga assistant ni Dr. Kaufman "His body has developed an immunity for all types of strains that we introduced. It's the first time we've encountered a specimen like this, Doctor."
"I know. He's not even a carrier, since the virus immediately dies no matter how it tries to infiltrate and destroy his entire system." sagot ni Dr. Kaufman. "His body is amazingly difficult to tear down. We need to work double-time. Let's produce the deadliest strain and introduce it to this specimen as soon as possible."
Napansin ni Dr. Kaufman na nakatingin ako sa kanya nang masama.
"I'm going to find out why our synthetically produced virus can't infect your body, Immuno." sabi niya sa'kin habang hinihimas ang buhok ko. Gusto kong duraan ang mukha niya pero wala na akong lakas na igalaw man lang kahit ang mga labi ko. "You're just a roadblock to our pending success. I will create a virus so strong that nobody can be immune of. I won't stop until you turn into a regular flesh-eating bioweapon."
Umalis si Dr. Kaufman. Ang natirang doktor ay dumiretso sa pagtanggal ng mga leather straps at mga aparato na nakatusok at nakadikit sa akin.
Inilipat niya ang lanta kong katawan sa isang wheelchair at dinala niya ako sa isa sa mga kwarto ng facility.
Binuhat niya ako at isinalampak sa lapag. Siguro'y dahil na rin sa sobrang pagod, hindi na ako nakakilos mula sa pinagbagsakan kong malamig na lapag. Kasabay ng pagsara ng bakal na pinto ay sumara din ang napakabigat kong mga talukap; nakatulog ako nang mabilis.
- - -
"Mga ilang oras na kaya siyang natutulog?" narinig ko ang isang boses ng lalaki na hindi ko sigurado kung nangaggaling ba sa aking panaginip, o sa totoo at masalimuot kong reyalidad. "Humihinga pa ba?"
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...