"Say it!" sabi ni Jerome sa namumutlang si Lieutenant Hernandez. Wala siyang pakielam kung maubos man ang dugo nito sa tama ng bala sa magkabilang hita nito. Nakaupo at nakagapos ito sa isa sa mga silyang pinag-upuan ng apat na kasamahan nina Lara, sa loob pa rin ng opisina. "Gather everyone, especially your men, in front of Building C. Now!"
Bakas man sa mukha ni Lieutenant Hernandez ang galit, ngunit tanggap na nito ang kanyang pagkatalo. Sumunod siya sa utos ni Jerome.
Dinala nila ang Lieutenant sa harap ng Building C habang hinihintay makumpleto ang mga tao, at ang mga armadong tauhan ng Lieutenant.
In a matter of minutes, ang mga tauhan, pati na ang lahat ng mga tao sa buong camp ay nasa harap na ng Building C.
Nakapinta sa mga mata ng mga tauhan ni Lieutenant Hernandez ang pagkagulat at pagkalito sa mga nangyayari. Ang iba'y halatang gustong atakihin sina Jerome, ngunit wala silang magawa dahil hostage nito ang Lieutenant.
Apparently, they were nothing without the Lieutenant's orders.
Nailahad na rin ni Jun sa lahat ang katotohanan sa likod ng pamamahala ni Lieutenant Hernandez, at ang plano nitong magpakalat ng mga infected sa buong camp. Napuno ng confusion at galit ang mga tao. Ang iba'y ayaw ding maniwala hangga't hindi napapatunayan ang nasabing katotohanan.
"Pero all this time, sila ang nangangalaga at nagpapakain sa atin." sabi ng isang lalaki among the crowd. "Naging mabuti sila sa atin. Paano kami maniniwala sa sinasabi niyo?"
"Gusto niyo ng ebidensya?" sabi ni Lara mula sa likod ng crowd. Tumingin ang lahat sa kanya at napasinghap. Hindi napigilan ni Lara ang umaagos na luha mula sa mga mata niya. "Here's Demi. Look at her!"
Nahati sa gitna ang crowd upang padaanin si Lara papunta sa harap. Bitbit niya ang katawan ng babaeng ginilitan ni Lieutenant ang leeg sa opisina nito ilang minuto ang nakakaraan.
"We were there.." sabi ng isa sa tatlong kasamahan nina Lara. "..when Lieutenant Hernandez slit her throat, para magsilbing aral namin sa pag-aklas laban sa kanila."
"Paano kung ginawa lang ng Lieutenant 'yon para protektahan kami?" sabi ng isang matandang babae sa crowd. "Kayo-kayo ang magkakasamang pumasok dito sa camp noon, paano kung nagkaisa talaga kayo laban kay Lieutenant Hernandez?"
"Your stupidity and blind trust will kill you!" sigaw ni Jerome habang idinidiin ang nakatutok na baril sa ulo ng Lieutenant. Nagtinginan ang lahat sa kanya. "It's not enough na may isang myembro niyo ang namatay, para maniwala kayong ginagawan na kayo ng masama in front of your eyes ng tinatawag niyong leader?! Let's see if this will convince you. Watch!"
Ipinautos ni Jerome na humanay sa pinakaharap ng building ang mga tauhan ni Lieutenant. Kinuha nina Jun, Lara at tatlo pang kasamahan nila ang mga armas nito at itinali rin ang mga kamay at paa. Nagsigawan ang lahat ng mga tauhan at nagmakaawang h'wag silang hayaang ipakain sa mga infected at mamatay. Inamin nilang lahat ang kanilang plano ayon sa paglalahad ni Jun.
Tahimik ang mga tao, at tila naghihintay ng patunay na hindi mga pawang salita lamang. They want to see.
Pumwesto sina Lara sa likod ng mga nakagapos na tauhan, inihanda nila't itinutok ang mga baril sa pinto ng building.
Mula sa kinatatayuan ni Jerome, binaril niya ang doorknob ng entrance ng building nang tatlong beses bago ito tumilapon causing the door to slowly open. Ilang sandali ay naglabasan ang mga infected na parang mga langgam na binulabog ang pugad.
Nabalot ng sigaw ng mga tao ang buong camp more-so ng mga takot na takot na pagmamakaawa ng mga nakagapos na mga tauhan ng Lieutenant. Ngunit sinakluban din ito kaagad ng ingay ng putok ng mga baril nina Jerome, Lara, Jun at ng tatlo pa nilang kasamahan.
Nagsibagsakan ang mga infected habang binabaril, na parang mga domino.
Bumagsak ang kahuli-hulihang infected na lumabas sa building, at binalot ng katahimikan ang buong camp.
Ilang segundong tahimik at nakatulala ang lahat ng tao sa camp, tila gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nasaksihang kaganapan.
"Ngayon.." sabi ni Jerome. "May mga hindi pa ba naniniwala sa inyo?!"
Walang naisagot ang mga tao. Ang iba'y napaluhod, at ang iba nama'y di mapigilan ang paghagulgol at pag-iyak.
Isa-isang nagpuntahan ang mga tao sa mga nakagapos na tauhan ni Lieutenant Hernandez at pinagbubugbog nila ang mga ito.
"Balak niyo kaming patayin!" sigaw ng mga tao.
"Mga makasarili kayo!"
"Mga demonyo!"
"Mga hayop!"
Napuno ng dugo ang labas ng Building C. Magkahalong dugo ng mga infected, at ng mga tauhan ni Lieutenant Hernandez na tila mga limón na piniga at nilamog ng galit ng mga tao.
- - -
"There is no map." sagot ni Lieutenant kay Jerome. Kinaladkad nila ang Lieutenant pabalik ng opisina nito upang kuhanin ang map papunta sa facility kung nasaan si Jared. "I swear, I got no map."
Sinampal ni Lara ang Lieutenant.
"What do you mean there's no map?" tanong ni Lara. "Ginagawa mo ba kaming tanga? You should've known by this time--"
"I will take you there. I know the direction, and the exact coordinates." sabi ni Lieutenant. "I will take you there, just spare my life. Please. Nagmamakaawa ako.."
"Nagmamakaawa ka? I bet that's what Demi also said bago mo gilitan ang leeg niya but you still killed her without hesitation." sabi ni Lara. "Where is the map?!"
"Lara.." sabi ni Jerome. "It's okay. I have to go and save my boyfriend as soon as possible. I'll take his proposition. Don't worry, I can manage."
"I'll go with you." sabi ni Lara. "I'll guard him while you're driving."
"No need. We don't know kung ano ang naghihintay sa'tin do'n, it could be more dangerous than we can anticipate." Tugon ni Jerome. "Plus, you're needed here."
"Kaya na ni Papa i-manage ang camp. Besides nakakulong na sa selda 'yung mga tauhan ng hayop na 'to." sabi ni Lara, pointing her gun to Lieutenant Hernandez. "Utang naming lahat sa'yo ang buhay namin, Jerome. Let me do this for you as a way to give back."
"Okay then." tugon ni Jerome. "But before we leave, kailangan kong pumunta sa comms room. Let me see if I can reach my other friend na hopefully ay nasa DOH na ngayon."
- - -
"DOH, This is Jerome Ylano, do you copy?" sabi ni Jerome for the 9th time. Nasa comms room siya ng camp at sinusubukan niyang kontakin si Julia gamit ang malaking radio equipment. Wala pa ring sumasagot mula sa linya ng DOH hanggang ngayon. "Julia, if you can hear me, please respond.
Jared's location is 10.7718° N, 170.9587° E. If you can hear me, that's where I'm heading. I hope you're okay.
Over and out."
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...