23:50
July 19, 2019
Makati, Philippines"10 minutes na lang bago tayo bumalik sa opisina." sabi ni Claire. Nakakunot ang noo niya pero blanko ang emosyon ng bilugan niyang mga mata. "Kaunti na lang ang oras natin pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nagsasalita d'yan."
Muli siyang humigop ng mainit na kape. Nasa labas kami ng café malapit sa pinagtatrabahuhan namin na usually pinupuntahan namin kapag may seryoso kaming pag-uusapan, o kaya'y stressful ang trabaho at gusto naming lumayo nang panandalian sa mga tao sa opisina.
Hindi sapat ang 1-hour break para ma-prepare ko ang sarili ko, at ma-compose ang sasabihin ko. Ang hirap pala ng ganito. 'Yung malaman ng iba ang totoo mong pagkatao before pa dumating 'yung time na handa ka nang i-out ang sarili mo.
Ako si Jared Buenacer, and yes, I'm gay.
At ini-interrogate ako ni Claire dahil dito. Ano pa bang sasabihin ko sa kanya, eh alam naman na niya at ng lahat ang totoo. Siguro dahil bestfriend niya ako kaya gusto niya pa ring marinig 'yun mula sa bibig ko?"Oist. Hoodie." Sabi ni Claire. Jared ang pangalan ko, pero 'Hoodie' ang tawag niya sa'kin kasi palagi akong nakasuot ng hoodie jacket sa opisina. Inilapag niya sa table ang kape, at ini-ekis ang mga braso. "So ganun? Hindi ko talaga maririnig 'yung side mo? Hoodie, hindi ko alam kung maiinsulto ako o malulungkot, eh. Hindi ko alam kung pa'no kita ipagtatanggol sa kanila--"
"Hindi na kailangan." sabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon, dahil with the amount of sadness and disbelief na nararamdaman ko, surely I need my bestfriend right now. "Hayaan na lang natin sila. Nangyari na. So problema na nila 'yun kung manghuhusga pa sila."
Either I am pretending to be strong, or I'm just really dumb to dismiss my bestfriend's concern. I guess I'm both.
I had a crush on this guy sa opisina at inamin ko ang nararamdaman ko sa kanya through chat. He was gorgeous, and sobrang bait pa niya sa'kin. I thought may chance na magustuhan niya rin ako. Little did I know na he was just plain bubbly, and I wasn't as special to him as I thought I was. 100% katangahan. I trusted him, at hindi ko in-expect na isesend niya pala sa Group Chat ang screenshots ng messages ko. I guess he's not as good as I thought he was.
All my life, wala akong pinagsabihan ng kung ano talaga ang gender ko. Una, dahil alam kong hindi pa ako handa na i-embrace 'yung lifestyle na talagang gusto ko. Pangalawa, hindi ako 'yung tipo ng tao na matapang lumabas ng comfort zone. At pangatlo, natatakot akong mabully.
At 'yon na nga ang nangyari sa office. Dalawang araw na ang lumipas pero ako pa rin ang laman ng usap-usapan, tinginan, asaran at parinigan.Hindi ko masabi ito noong una kay Claire dahil kilala ko ang personality niya. Claire is bold. Straightforward, matapang, hindi umuurong sa arguments. Ako naman, stiff at tahimik lang. Madalas lost sa sariling mundo. Hindi ko nga alam kung paano kami nag-click, eh. Siguro opposites attract?
"Hindi lang naman sila 'yung issue dito, Hoodie." sabi ni Claire. Para akong hinigop pabalik sa reality. "Ang issue dito, ako pa 'yung huling nakaalam. All this time, hindi pala ikaw 'yung taong nakilala ko--"
"Ako pa rin 'to." Sabi ko. Medyo tumaas ang boses ko. "Wala namang nagbago, Claire. Kung ano ako 3 years ago, 'yun pa rin ako ngayon.""May iba pa ba akong hindi alam sayo?" Tanong ni Claire. Nakatingin lang siya sa kape niya, hawak ang kutsarang nakalublob sa baso ngunit hindi naman iginagalaw at ipinanghahalo. Siya pa ang umiiwas ng tingin sa aming dalawa. "Ano bang kulang sa mga ginawa ko? Hindi pa ba enough na tatlong taon tayong magkaibigan para mabuild ang trust natin sa isa't isa? Ever since, I've been 100% honest with you. Ano pa? Ano pa'ng hindi ko alam?"
Alam ko ang stand ni Claire towards LGBT kaya noon pa man, expected kong ganito na ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya. Pero right now, I was hoping na sana makatulong 'yung pinagsamahan namin para mas mabilis niyang ma-process ang truth about my gender.
"Aside from the fact that I'm gay, wala na." Sabi ko. I had no better ways of saying it. "Yes, Claire. I'm gay."
Tumahimik si Claire ng ilang segundo, pagtapos ay huminga nang malalim. Narinig na niya sa akin ang kailangan niyang marinig.
" Bumalik na tayo sa opisina. Mahirap ma-tag na overlunch lalo na d'yan sa department niyo. Sabihin pa nila H.R. Associate ka pero ikaw ang buma-violate ng company rules." Sabi ni Claire. Tumayo na siya at isinukbit ang kanyang shoulder bag. "Tara na, Jared."
Parang nabasag ang puso ko nang marinig ko ang bestfriend ko na imbis 'Hoodie', ay tinawag ako sa pangalan ko. Pero wala akong magagawa. Baka kailangan niya lang ng oras para matanggap kung ano talaga ako. O baka ayaw na niya talagang ma-associate sa taong katulad ko?
Tumayo si Claire at dire-diretsong lumakad pabalik sa building namin. Naiwan akong nakaupo pa rin at hukot ang mga balikat dahil sa nangyari. Sa tatlong taon na magkaibigan kami, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon kami ng ganito kabigat na conflict. Ngayong masama ang loob ni Claire, siguro dapat na muna akong masanay na mag-isa.
CRASH!
Napatalon ako at napalingon sa loob ng café. Tunog 'yon ng nabasag na mga pinggan o baso. Sa tunog ng pagkabasag, obvious na napakalakas ng impact ng mga ito.
Nagulat ako nang magtakbuhan papalabas ng café ang mga tao. Nagsigawan sila pero hindi ko maaninag kung ano ang nangyayari. May bomba? May hostage? May sunog?
Sa kabila ng panic ng mga taong nagsilabasan sa pinto at nagsilampasan sa akin, naiwan akong glued sa aking upuan sa labas ng café at nakatitig lang sa loob.
Nakita ko ang nakahandusay na katawan ng isang babaeng security guard. Puno ito ng dugo sa bandang leeg at nakabulatlat ang punit na balát mula panga hanggang pisngi.Bumukas ang pinto ng cashier at naaninag kong lumabas ang isang lalaking crew. Ang weird ng paglakad niya. Parang pilay ang kaliwang binti niya at nagwo-wobble ang buong katawan sa bawat hakbang. Pulang pula ang kanyang mga mata at tumutulo mula sa bibig ang magkahalong dugo at laway.
Sumigaw siya nang napakalakas nang makita niya ako. Bigla siyang tumakbo papunta sa akin at gamit ang kanyang katawan ay binasag ang bintanang salamin!
CRASH!
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...