Epilogue

511 36 18
                                    

5 years later..

"Daddy Wan, ano pong tawag d'yan?" tanong ni Chloe habang nakatingin at iniinspeksyon ang peklat sa braso ni Jared. It's 9:00pm at inaayos ni Jared ang kama ni Chloe for her bedtime. "Bakit po parang kagat ng tao?"

"Ohh. Ito ba, anak?" sabi ni Jared while extending his arm. "Kapag big girl ka na, ikukwento namin sayo ng Daddy Tuh mo kung bakit mayro'n akong ganito, okay?"

"Hmm sige po, Daddy Wan." tugon ni Chloe. Sumampa na ito sa kama upang mahiga at matulog. "Gusto ko po si Daddy Tuh ang magbasa sa'kin ng story, okay lang po ba, Daddy Wan?"

"Oo naman, anak." sagot ni Jared. "Sandali lang, at tatawagin ko ang Daddy Tuh mo. Kiss goodnight?"

Jared kissed the little girl's forehead and went out of the room.

Natagpuan niya si Jerome sa kusina, sa lababo, at naghuhugas ng plato habang humuhuni ng kantang You're Still The One ni Shania Twain.

Niyakap niya si Jerome mula sa likod at ipinatong ang baba sa kaliwang balikat nito.

"Chloe wants you to read her bedtime story for tonight." sabi ni Jared while kissing Jerome's neck. "Ako na magtutuloy niyan, Mr. Masipag. Tutal ako naman talaga ang nakatoka d'yan."

Napangiti si Jerome at sinabing "Pa'no ba 'yan, baby? Looks like Chloe thinks I'm a better storyteller than you."

"Normally, hindi ako papayag na gano'n.." tugon ni Jared. "Pero dahil ikaw ang maghahatid bukas nang umaga kay Chloe sa school, sige, I concede."

"Wait, akala ko ba ikaw ang gagawa nu'n?" gulat na tanong ni Jerome, with his unchanging smile stamped across his face. "Alam mo namang ayaw na ayaw kong gumising ng maaga, di ba, baby?"

"You have to do it. Sige na, baby." sabi ni Jared. "Nagpapasama kasi si Julia sa a-attend-an niyang conference bukas, and I promised to go with her. Tsaka magbabakasyon ka naman sa Singapore next week para dalawin ang ate at si Yuri, di ba? So ako ang maghahatid-sundo kay Chloe sa school for 3 consecutive days, and did I ever complain, my love?".

"Ang unfair naman." kunwaring nalungkot ang mukha ni Jerome, pero halatang naglalambing. Hinarap niya si Jared at inilagay ang kamay sa magkabilang baywang nito. They looked each other in the eye. "Ang daya daya ng baby ko sa mga tasks."

"Aba, aba. Ang baby ko nakalimutan na yata ang mga pangakong isinulat niya sa papel bago kami magdecide na i-adopt si Chloe ah." sabi ni Jared. "Baka multuhin ka ni Ivan n'yan, sige ka."

"Huy, 'wag naman." tugon ni Jerome. Tumingala siya at nag-peace sign ang kamay, as if nakikita siya ni Ivan from above. "Sorry, Ivan. Love na love namin si Chloe, promise. Si Jared lang talaga ang unfair."

"Would you still say I'm unfair after ng gagawin ko sayo mamaya sa kwarto?" nakangiting sabi ni Jared, teasing his husband. He kissed him on the lips softly. "Bilisan mong magpatulog kay Chloe, ah. I'll be waiting." sabay kindat.

Hindi masukat ang ngiti sa mukha ni Jerome, at nagniningning ang mga mata nito na animo'y batang pasasalubungan ng Kiddie Meal mula sa Jollibee.

"Okay, baby!" kumaripas ng takbo si Jerome papunta sa kwarto ni Chloe upang patulugin ito. "Shower ka na ah?"

Jared laughed and shook his head. He proceeded to wash the dishes, a genuine smile painted on his face.

The End.

- - -

Author's Note:

After 1 year and 5 months, tapos na rin ang istorya nina Jared, Jerome at Julia.

Maraming maraming salamat po sa suporta ninyo sa IMMUNO mula umpisa hanggang dulo nito.

Kung mayro'n po kayong mga feedback o suggestions, feel free po na i-comment ito dito.

Ligaya ko ang malaman ang saloobin ninyo.

Sa susunod na istorya muli!

Cheers!

Sincerely,
Mac Escondo

P.S. (as of 06/24/2020)
Hi guys! Today, I posted some additional parts for IMMUNO. I hoped you'd be interested to know how the virus outbreak unfolded to Jerome. I also wrote additional scenes of the trio's journey on the road to DOH. Tell me what you think! You can send me a message or comment your answers here. I'm excited to hear your response! :)

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon