Ibinulatlat ko ang papel na nanggaling sa loob ng súpot na kanina'y nakalubog sa huling bowl ng lugaw na rasyon, and upon realizing what it is, I smiled and blurted a little louder than intended, "This is the whole facility's floor plan, including all the exits!"
"Sshh!" sabi ng tatlo sa akin.
"Sorry, sorry." tugon ko.
"Okay, so now we have a master key, a cord from the other bowl and a floor plan." sabi ni Karim flashing his innocent smile at me. Kung nasa ibang sitwasyon kami, baka nai-suggest ko na kay Karim na mag-model siya o kaya'y mag-artista. Narealize kong may hawig pala siya kay 2014 Zayn Malik."So what's the plan?" tanong niya.
"We have maybe around 10 minutes bago dumating ang guard na kukuha ng mga pinagkainan natin." sagot ko. "I say we strangle that guard with the cord, then get his gun." Inilagay ko ang hintuturo ko sa maliit na lagusan na naka-drawing sa floor plan. "You see this fire exit on the far right side of the facility? D'yan tayo dadaan. The guards are all stationed on the main entryways, so most likely kakaunti ang maeencounter nating guards dito."
"But there are cameras everywhere." sabi ni Karim. "It will only take them a few minutes to deploy all their guards and find us."
"That's not a problem." sagot ko, remembering my conversation with the nurse kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinutulungan niya kami, but nevertheless, I hope I could at least get a chance to thank him. "We have an inside man na nasa control room at this very moment who will deactivate all security cameras as soon as this cell door opens, but that will only give us 10 to 15 minutes before the system recovers itself automatically. So we have to move fast."
"Okay, gets gets." sabi ni Ara. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin na animo'y batang magfi-field trip kinabukasan. "Jared, hindi ako makapaniwalang makakatakas na tayo. Hulog ka ng langit!" sabay sapak sa kanang balikat ko. Hindi ko rin mapigilang ngumiti, dahil 'yon na yata ang pinakamahabang compliment na nabigay ni Ara sa'kin during the entire time na magkasama kami. "Pero teka, anong gagawin natin sakaling makasalubong natin ang mga gwardiya?" tanong niya.
"We fight them, and we take their guns."
"Do we have to kill them?" tanong ni Ivan. "I don't think that's right--"
"We will kill them if we have to." tugon ko. "Looking at how they operate from the start, and the fact that we're all prisoners here trying to escape, I'm pretty sure hindi sila madadaan sa maayos na usapan."
"I understand." sabi ni Ivan, kasabay ng buntong-hininga. May sasabihin pa dapat siya pero itinikom niya na lang ang bibig niya. Yumuko siya at kumunot ang noo, confirming that he's not 100% agreeing to killing.
"Hey, Ivan.." sabi ko. "It's not like we're killing them for pleasure. These men are armed and trained to kill us and anyone who won't abide to their rules. We're only fighting back.. For our lives, for our freedom. Ginagawa natin 'to hindi lang para maka-survive, kundi para na rin sa mga mahal natin sa buhay na nasa labas at umaasang makikita pa tayo ulit."
Right when I said that, puminta sa isip ko ang mukha ni Jerome. Ang pinakamamahal kong si Jerome. I can only hope na nasa mabuti siyang lagay ngayon sa DOH. Siya, sila ni Julia, ang unang-unang hahanapin ko pagkalabas na pagkalabas ko dito.
Nakita ko ang luhang bumubuhos sa mga mata ng tatlo kong mga kasama. I was a little bit suprised that Ara was also crying. Pero bigla kong narealize na sila rin ay may mga naiwang pamilya at kaibigan sa labas, nang dakpin sila ng mga tauhan ni Dr. Kaufman.
Hindi man ako nagkaroon ng chance na malaman ang lahat ng detalye ng istorya nila, I'm certain na maraming mabubuting taong nakasama nila ang nangangailangan sa kanila, at naghihintay na makabalik sila.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...