"2 kilometers na lang.." bulong ni Julia sa sarili. Nasa loob siya ng isang kotse na nakita niya kanina which made her travel faster, pero ngayon ay mukhang ubos na ang gasolina nito. Magdadalawang minuto na mula nang tumigil ang makina ng sasakyan, at ganoon din katagal ang pagkakatulala niya sa daan sa kanyang harapan nang mabuo ang kanyang desisyon. "Kaya mo nang lakarin 'yan, Julia. Larga na!"
Pinunas ni Julia ang pawis sa noo niya gamit ang kanyang braso at pagtapos ay isinukbit nang muli ang kanyang backpack. Lumabas siya ng kotse at sinimulan na ang paglalakad.
Nagdesisyon siyang sa gitna ng high way siya maglakad upang malawak ang abot ng tanaw niya, especially kung may papalapit na mga infected, sasakyan, o kung ano pa man.
Mag-a-alas kwatro na ng hapon pero parang tanghaling-tapat pa rin ang init ng sikat ng araw. She chose to look at the weather as a blessing, at least maliwanag at nakikita niya nang mabuti ang daang tinatahak niya.
May mangilan-ngilang kotse ang nakatirik sa gitna ng daan. After 3 or 4 cars na chineck niya kung gumagana pa ba o kung may mga stock pa ng water or food, and after finding out na wala rin siyang mapapala rito, nagdecide na lang siyang 'wag nang pansinin ang mga sumunod na sasakyan upang mas makapagfocus siya sa paglalakad.
After 45 minutes of walking, with one or two walkers na nakasalubong at kinailangan niyang patayin, she saw the DOH Headquarter's building. Malayo pa ito, ngunit nabuhayan siya ng loob at dumaloy ang pag-asa sa mga ugat niya, urging her to jog para mas mabilis makarating sa kanyang destination.
Unti-unti ngunit kapansin-pansin ang paglamlam ng sikat ng araw. Malapit nang gumabi, at mas makakabuti kung makakarating siya ng DOH Headquarters habang may liwanag pa.
At sa wakas, after thirty minutes of jogging, nakarating na siya sa outer gate ng DOH Headquarters. Ang gate ay chain-link na napakataas kaya't kitang kita niya ang napakalawak na parking lot sa harap.
It's completely deserted, at sa sobrang tahimik ng paligid ay dinig niya ang bawat tibok ng puso niya. The place was eerie and had absolutely no sign of life, or any activity. Binalot ng pangamba ang isipan niya. It's been atleast 24 hours since her last contact with DOH. Nasa Comms Room pa siya sa camp no'n.
Napakaraming posibleng mangyari in a span of 24 hours. Was the headquarters overrun by the infected? Was there a terrorist attack? Nobody knows. And there's only one way to find out.
Lumakad papunta sa gawing kanan ng building si Julia upang humanap ng pinto papasok. Habang binabaybay ang madamo at makipot na daan, may naaninag siyang paggalaw sa likod ng kotse sa di kalayuan. Napahinto siya at naghintay kung may gagalaw muli.
Walang paggalaw. Everything now seemed frozen.
Nagpatuloy siya sa paglakad nang biglang..
BANG!
Due to reflex, she suddenly crouched at the sound of the gunshot.
She was certain na ang gunshot ay nanggaling sa DOH building. Why are they shooting her?!
Then she heard a snarl sa likod niya. It's an infected, and it's too close to her!
So that was why. Hindi siya ang binabaril ng kung sinong tao sa DOH kundi ang infected na nasa harap niya ngayon.
Hindi niya na nahugot ang baril mula sa holster, maging ang kutsilyo sa kabilang bulsa niya, sa sobrang lapit ng infected sa kanya.
Dinambahan siya nito at pinipilit itumba. Patuloy ang pagbukas-sara ng bibig nito na akmang kakagatin siya.
Hawak niya ang malamig at madulas na leeg ng infected, gripping it as her life depended on keeping it at bay.
She managed to lock her feet on the ground, pushing away the infected as far as she could. Napaatras ng ilang hakbang ang infected and then..
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Ciencia FicciónHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...