Chapter 21: At Mga Iba Pa

297 31 1
                                    

Nagising ako sa malakas na pagbukas ng bakal na pinto ng selda.

Napabalikwas ako at agad tumayo nang isa-isang itinapon sa loob ng selda ang mga kasamahan ko. Halos maluha ako sa gulat at galit sa nakita kong sinapit nila. Ang mga sugat na tinamo ko sa unang eksperimento nina Dr. Kaufman ay dulot lang ng mga karayom.

Ngunit sa iba't ibang parte ng katawan nina Ara, Ivan at Karim, ay mga maninipis na benda na naliligo sa kanilang dugo.

Agad akong lumapit sa kanila upang mas makita ang sinapit nila.

"What the hell?" I was dumbfounded. "Anong nangyari?!"

"They locked us in a room with 3 zombies." sagot ni Karim. "We tried to escape, but to no avail. They put us there to be bitten, then assessed our bodies after."

"That's pure evil.." sabi ko. Hindi ko ma-contain ang magkahalong disbelief at galit sa puso ko, pero mas nangibabaw ang care ko sa mga kasamahan kong biktima ng kawalanghiyaan ni Dr. Kaufman. "What kind of experiment was that?!"

Inalalayan ko sila isa-isa na makasettle at makaupo nang maayos.

Nakita ko si Ivan na umaagos ang dugo sa kanang paa. A large chunk of his muscles malapit sa ankle niya ay wala na. Pinunit ko ang kaunting tela ng hospital gown ko upang idagdag sa nakatapal na benda rito.

Kitang kita ko ang luha sa mga mata ni Ivan, at sobrang nadurog ang puso ko dahil dito. All of them did not deserve this.

"Here.." sabi ko kay Ivan habang itinatapal ang cloth na galing sa suot ko. "Apply pressure para tumigil ang pagdugo. Okay?"

Tumango si Ivan. "Salamat, Jared."

Agad akong pumunta kay Ara. Nakita ko ang benda sa kaliwang braso niya. "Heyy, let me see.."

"I'm okay." agad niyang sagot. Halatang pilít ang pagpapanggap niyang okay lang siya, pero hinayaan ko na lang. "I'm fine, Jared. Really.."

"Alright." tugon ko.

Tumingin ako kay Karim and proceeded to check his wound.

Nasa kanang trapezius ang bitemark niya, between his neck and shoulder. Nakatanggal din ang benda nito.

"Stay still, okay?" sabi ko kay Karim. "Let me fix your bandage."

Habang inaayos ko ang tape at muling inilalapat ang benda ni Karim, hinawakan niya ang pisngi ko.

Nagulat ako at napatingin sa kanya. I didn't realize how close our faces were until that moment. Our lips were like 3 or 4 inches away. His eyes were dark and his smile has a tone of seriousness in it.

"Thank you, Jared." sabi niya. "You're so kind."

It could be my reflex, pero I almost jumped papalayo.

"I-I'm sorry." sabi ko. I know this is one hundred percent not the right time to feel awkward, but I did. "Y-your bandage is okay now."

Nang masigurado kong settled na sila lahat, I went back sa gilid ng selda at naupo.

I looked at them, feeling sorry and angry at the same time.

"We can't let this continue to happen." sabi ko. "We need an escape plan."

"Kung hindi mo nakikita, sugatan kami, Jared." sabi ni Ara. "May mga baril sila. Tayo? Anong gagamitin nating panlaban? 'Yung mga benda namin? 'Yung mga hospital gowns natin?"

"I know the chance is very slim." sagot ko. "But we can work together--"

"Pwede bang tumahimik ka na lang?!" sigaw ni Ara. "Pagod na pagod kami, Jared. Puno ng sugat ang mga katawan namin. Wala tayong ibang kahahantungan nito kundi kamatayan, kaya tumahimik ka na lang!"

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon