Chapter 20: The Second Deal

306 30 0
                                    

Tagaktak ang pawis ni Jerome sa kabila ng lilim na hatid ng malaking puno malapit sa camp. Nagpalipas siya ng gabi sa isang abandonadong cabin na nakita niya sa gitna ng kakahuyan. Swerteng may mga naiwang animal traps at naisip niyang maaari niyang gamitin iyon sa pinaplano niyang pagpasok sa loob ng camp.

Over the evening, narealize niyang wala siyang laban sa Lieutenant at sa mga guards nito kung wala siyang armas.

Ngayon ay nasa labas siya ng main gate ng camp upang abangan ang pag-alis ng kotse kung nasaan si Jared, just as Lieutenant Hernandez had ordered last night.

Hindi nagtagal, nakita niya nang bumukas ang malaking gate. Nagtago siya sa likod ng bush malapit sa gate, hoping na maaninag niya sa loob ng kotse ang pinakamamahal niya.

"What's your ETA?" sabi ng isang lalaki. Most likely siya ang gatekeeper. "Kasama pa bang ibabalik 'yang immune?"

Confirmed. Ang kotseng lalabas ay lulan nga si Jared.

"Indefinite." sagot ng driver. "Walang sinabing eksaktong details. Si Lieutenant Hernandez mismo ang pi-pick-up ng reward doon sa lab which will be released kapag tapos na 'yung doktor dito sa immune na 'to. They said it could be at least 48 hours."

"Copy. We'll prepare Lieutenant's car sa makalawa." sagot ng gatekeeper. "Sige larga!"

At that moment, gusto nang kumaripas ni Jerome ng takbo papunta sa kotse upang iligtas si Jared, but he knows better. Sa sobrang dami ng guard sa main gate, wala siyang chance na magtagumpay. Posibleng silang dalawa pa ang mapahamak.

Instead, he will wait. He'll wait for the perfect timing na makapasok sa loob, get a map papunta sa facility kung nasaan si Jared, get a radio para macontact si Julia na hopefully ay nasa DOH na, and steal a car from the camp para mapuntahan si Jared. It's definitely not a perfect plan, but that's the best he got.

And so he spent the whole afternoon catching animals gamit ang mga traps na nakuha niya sa cabin kagabi. Sinwerte naman siya at nakahuli siya ng mga daga at manok na pagala-gala sa kakahuyan. He needed to create a diversion, so he could enter the camp in one piece, and execute his plan.

Night came, at tulad ng isang ninja, tahimik at mabilis niyang ikinalat sa pader sa gilid ng camp ang mga laman at dugo ng mga nahuli niyang hayop, kung saan walang nakabantay na gwardiya.

Afterwards, he went to the east part of the woods. Gamit ang kaldero at sandok na nakita niya rin sa cabin, gumawa siya ng ingay at nagsisigaw rin siya upang makaattract ng mga infected sa paligid.

Hindi nagtagal ay narinig niya na ang ngisngis at sigaw ng mga infected sa paligid. Naglibot pa siya nang ilang sandali at nang mahigit dalawampung infected na ang humahabol sa kanya, he directed them towards camp, sa side kung saan niya ikinalat ang fresh na laman at dugo ng mga hayop na nahuli niya.

Hindi siya nag-attract ng sobrang daming infected dahil diversion lang ang kailangan niyang gawin, at ayaw niyang i-jeopardize ang buhay ng mga inosente sa loob ng camp.

He slipped away from the herd at nagtago sa dilim katapat ng pinakamalapit na gate, nang pagpiyestahan na ng mga infected ang inihanda niyang piging.

Tama ang kanyang hinala. Naglabasan nga ang ilan sa mga guards upang tingnan ang commotion. Inihanda niya na ang kanyang tenga sa pagputok ng mga baril ng mga guards upang patayin ang mga infected. Pero nakaramdam siya ng kaunting frustration dahil walang gunshots na umulan. Sa halip na mga baril ay naaninag niyang mga dog control pole ang hawak ng mga ito. Pinaghuhuli ng mga guards ang mga infected. Walang ideya si Jerome kung bakit, pero mas nanaig sa utak niya ang pagpasok sa loob ng camp at eventually ang pagligtas kay Jared.

Nang masigurado niyang preoccupied na lahat ng guards sa di kalayuan, agad siyang tumakbo papunta sa gate na pinaglabasan ng mga guards, at tuluyang pinasok ang loob ng camp nang walang nakakakita.

Dumiretso siya sa likod ng building kung saan naroon ang opisina ni Lieutenant Hernandez. Walang nakabukas na mga ilaw, kaya he was hoping na walang tao doon.

Halos humiwalay ang puso niya nang marinig niya ang boses ni Lieutenant Hernandez sa di kalayuan, sa gitna ng dilim. Agad siyang huminto at idinikit ang likod sa pader, bilang hindi niya rin alam ang eksaktong kinatatayuan nito at ayaw niyang magkasalubong pa sila bigla.

May kausap si Lieutenant Hernandez sa radio.

"Okay." sabi niya. "The second deal is on. We will stage a breach in our camp. We have started capturing as many infected as possible and we're keeping them in one of our secured buildings here for now. We plan to release them tomorrow morning. Once they attack the people in the camp, then we can identify if there are other Immunos here."

"Copy that." sabi ng lalaking kausap ni Lieutenant Hernandez sa kabilang linya. Tumawa ito nang sandali. "You're willing to sacrifice the lives of your innocent people just so you can have your reward doubled? You make me laugh, Lieutenant. But you have gained my full trust."

"Just make sure that the reward is ready by tomorrow, Dr. Kaufman. I will get it there myself." sabi ni Lieutenant Hernandez. "Over and out."

Hindi makapaniwala si Jerome sa narinig. Namawis ang mga palad at halos masuka siya sa kademonyohan ni Lieutenant Hernandez.

He is now a little torn. Shall he still focus on saving Jared? Or should he save the innocent people in the camp first?

"Lieutenant." may isang lalaking lumapit kay Lieutenant Hernandez. Hindi niya ito maaninag dahil sa dilim at tanging boses lang ang kanyang naririnig. Probably isa ang lalaki sa mga guards. "Contained na po ang horde. Nailipat na rin namin ang mga infected sa Building C."

"Okay, good." sagot ni Lieutenant Hernandez. "Sergeant, I want to ask you, you do understand why we are doing this, right?"

"Yes, Sir." sagot ng lalaki. "The supplies could last within five years kung kasama sa bubuhayin natin ang mga tao sa camp. But if we sacrifice them in order to double our reward, the supplies will last the few of us for the next 20 to 30 years."

"That's good, Sergeant." sabi ni Lieutenant Hernandez. "Oh siya, let's gather everyone for dinner."

Nang masigurado niyang wala na si Lieutenant Hernandez, dahan-dahan siyang lumakad papunta sa office nito. Mga ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang biglang..

"Stop right there." boses ito ng isang babae na nanggagaling sa likod ni Jerome. May malamig na bakal na dumampi sa likod ng kanyang ulo, at narinig niya ang pag-click nito. "Yes, you heard it right. It's a gun. Now take one step and I'll blast your head off."

Walang nagawa si Jerome kundi ang ipikit ang mga mata out of frustration, at itaas ang dalawa niyang mga kamay.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon