Chapter 18: Balik-tanaw

358 31 3
                                    

The Night Earlier:

"Jerome, let's go." iyak ni Julia habang hinihila ang braso ni Jerome. "Jerome, please.. Jared made his choice. We have to go!"

Hindi mapigilan si Jerome. Pinipilit niyang buksan ang gate na ni-lock ni Jared.

Bumalik si Jared sa camp para iligtas si Claire, trapping both Jerome and Julia outside of the camp, leaving them no choice but to head to DOH without him.

Kumuha ng bato si Jerome at inilusot sa awang ng gate para pukpukin at sirain ang padlock nito, but to no avail.

Palakas nang palakas ang monstrous shriek ng mga infected sa paligid. Tila mas malakas ang pandinig ng mga ito sa gabi, kaya't gayon na lang ang pag-aalala ni Julia.

Kailangan nilang makarating ng DOH within 24 hours, or else mae-expire ang dugo ni Jared.

"Jerome, at any moment pwede tayong atakihin dito ng mga infected. We have to move." sabi ni Julia. "Jerome, tara na--"

BANG!

Isang gunshot ang umalingawngaw mula sa loob ng camp na natatakpan ng makapal na fog.

Napaluhod si Jerome, nanghina ang kanyang tuhod sa posibilidad na may nangyaring masama sa taong pinakamamahal niya.

"No.." bulalas ni Jerome. "Jared.. Jared! JARE--!"

Tinakpan ni Julia ang bibig ni Jerome.

"Jerome, shut up!" sabi ni Julia. Halatang awang-awa siya kay Jerome pero kailangan niyang maging matatag para sa kanilang misyon. "Pupunta akong DOH whether kasama ka o hindi. You gotta make a choice because we have to go now!"

"I have to know, Julia.." sagot ni Jerome in between sobs. "I have to know what happened.."

"You idiot." sabi ni Julia, realizing that Jerome chose to stay behind. He made his choice. She had to continue the mission all by herself. "Okay.. Fine. I understand, but I will see you again, Jerome. Kayo ni Jared, okay? Stay alive! This is not goodbye. I will see you both soon."

Pinunasan ni Julia ang kanyang mga luha sa magkabilang mata at tumakbo na papunta sa loob ng kakahuyan. Naiwan si Jerome na nakaluhod sa harap ng gate ng camp.

Katahimikan. Nilamon ng katahimikan ang madilim na gabi.

Nawala na rin ang ingay ng mga infected sa paligid. Most probably, narinig ng mga ito ang yabag ng mga paa ng tumatakbong si Julia at tumungo sa direksyong papalayo sa camp.

He took that opportunity to search for another entry sa camp. Sobrang secured ng wall, at almost every gate ay may guards na nakabantay. Kailangan niyang makahanap ng parte ng wall na may malapit na puno para matawid niya secretly ang mataas na bakod.

Mataas na bakod.

Bigla niyang naalala ang isa sa mga unang beses na nagkausap sila ni Jared dahil do'n. Sa pantry ito sa opisina before the outbreak started.

"Uhm, excuse me, Sir." sabi ni Jared, kitang kita ang pinaghalong hiya at frustration sa baby-face nitong mukha. "Could you help me reach the coffee filter? May naglagay kasi sa dulo ng cupboard, eh. Hindi ko tuloy maabot."

Jerome was speechless, yet sumunod siya sa hinihinging pabor as if he's being hypnotized by this guy's presence.

"Uhm, thank you." sabi ni Jared after iabot ni Jerome ang coffee filter. "Buti na lang ang tangkad mo. Pwede kang bakod."

Hindi niya alam if it was a corny joke or an innocent remark, yet he couldn't help but smile.

From that moment, hindi na mapigilang ngumiti ni Jerome everytime makakasalubong niya si Jared anywhere in the office.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon