"We need to go." sabi ni Jerome habang tinatanggal ang buhol ng cord na nakatali sa mga kamay ko. Tiningnan niya ang tatlo kong kasamang hawak ang mga baril na kinuha nila mula sa mga nakahandusay na guards. "You guys know how to use guns?"
Ikinasa ni Ivan ang baril at sinabing, "Yes, we do."
"Aba, aba." sabi ko nang may kaunting ngiti. "Hindi lang pala bible ang pinagkakaabalahan mo ha."
"Siyempre naman." sabi ni Ivan. "Target Shooting is my hobby." sabay kindat.
"Good." sabi ni Jerome. "There you go." dagdag niya nang ma-untangle ang cord sa kamay ko.
Tumayo ako agad at niyakap si Jerome nang sobrang higpit. Kung lata ang boyfriend ko, malamang yuping yupi na ito.
"Si Julia?" tanong ko. "Kasama mo si Julia?"
"No, we parted ways the night you went back for Claire." sagot ni Jerome. "I've heard about what happened, I'm sorry."
"T-that's fine." sabi ko, kahit nakaramdam ako ng kurot sa puso nang maalala ang sinapit ng bestfriend ko. "So, si Julia ang nakarating ng DOH?"
"I hope so." tanging sagot ni Jerome.
"Ehem.." sabi ni Karim. Bumitiw ako mula sa pagkakayakap kay Jerome nang kalabitin niya ako. Seryoso ang mukha niya at nakakunot ang noo. Nakatingin din siya sa lapag at tila malalim ang iniisip. "I think we should get moving now."
"We've secured a passage that will lead all of you outside, right through the woods." paliwanag ni Jerome. He went ahead and introduced us to the girl na nakabantay sa pinto. "This is my friend, Lara. She'll lead the way."
Lara pala ang pangalan ng babaeng bumaril kanina sa mga guards. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko siya sa balikat at nagpasalamat sa pagliligtas niya sa akin. She flashed a very cute smile and nodded; her short hair bouncing as if it is from a shampoo commercial.
"Walang anuman." sagot niya. Iniabot niya sa akin ang isang hand gun. "The safety's on, okay?"
Sumilip siya sa magkabilang side ng hallway upang masiguradong walang mga guards sa paligid.
Isa isa kaming sumunod kay Lara palabas ng selda, bitbit ang kani-kanya naming mga baril. Pamilyar ang mga maliliwanag na hallways mula sa memory ko sa floor plan during the first few minutes ng paglalakad namin ngunit may nilikuan kaming hallway na parang hindi ko nakita sa mapa.
Halos malaglag ang mga mata ko nang tumambad sa harap namin ang mga walo hanggang sampung katawan ng mga guards na nakahandusay across the path.
"Did you two do this?" namamanghang tanong ko kay Jerome.
Pero pareho ng reaksyon ko ang nakaguhit sa mukha ni Jerome. Nanlalaki rin ang mga mata niya sa naabutang eksena.
"No, we didn't." confused na sagot ni Lara. "There's no blood. It's possible that somebody poison-gassed them. We have to be more careful. For now, let's see if we can still move forward."
Tinapik ni Lara ang pinakamalapit na bangkay ngunit walang kahit anong response ang nakuha mula dito. It stayed motionless.
Nagpatuloy muli kami sa paglalakad. Dahan-dahan naming nilampasan ang mga bangkay, tiptowing our way and at the same time pointing our guns sa mga ulo nila in case bumangon sila for some reason.
Parang yelo ang sahig sa sobrang lamig nito, lalo pa't maliban kina Jerome at Lara ay nakayapak lang kami at tanging hospital gowns lang ang suot namin. But I don't have time to complain. In a few minutes, makakalabas na kami. That's all that matters.
"We're almost there." sabi ni Lara. "Pagliko natin sa dulo ng hallway na 'to, makikita niyo na ang Exit--"
Paglikung-pagliko namin mula sa mahabang hallway, bigla kaming napatalon paatras nang paulanan kami ng sobrang daming bala.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...