Chapter 2: Pagsilakbo

730 49 5
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin, pero kasimbilis ng pagkabasag ng salamin ay ang pagtayo ko sa upuan at pagtakbo papalayo sa café. Survival instinct siguro? Pero kahit ako na-amaze sa sobrang bilis ng response ng katawan ko.

Dinig na dinig ko ang mabibilis na yapak ng crew sa likod ko. Ramdam kong malapit na niya akong maabutan dahil papalakas na nang papalakas ang pag-growl niya. Para siyang isang baliw na leon na nangha-hunt ng kaawa-awang usa. Unfortunately, ako ang usa. Kaawa-awa at recently-outed na usa.

Laking pasalamat ko na Friday ngayon at pwedeng magsuot ng rubber shoes sa opisina. Kung naka-leather shoes ako at slax pants just like any normal days, ewan ko na lang. Also, malaking tulong ang 60 kilograms na bodyweight at limang medalya sa 100-Meter Dash noong highschool, sa pagtakbo nang mabilis.
Maghahating-gabi na kaya't kaunti na lang ang mga tao sa paligid. Ramdam kong nakatingin silang lahat sa amin, pero mas sa akin. Parang huminto ang mundo. Halos gusto kong magfreak-out dahil para silang biglang naging estatwa. Ni walang sumisigaw o nagtatangkang tumulong.

Gayunpaman, hindi nagpapatalo ang utak ko. Nakafocus lang ako sa pagtakbo, at pagsurvive.

Kung saan man nagpunta ang mga nagkakagulong tao sa café, hindi ko na alam.

Lumiko ako sa kanang alleyway dahil 'yon ang shortcut papuntang opisina. Mas madilim dito kumpara sa main street pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at dito nila piniling dumaan.

Bigla kong narealize na wala na pala ang mga dumadagundong na yapak sa likod ko. Wala nang humahabol sa'kin. Ang sariling mga paa ko na lang ang tumutunog at ume-echo sa magkabilang pader sa gilid ko.
Sa kabila niyon, tuluy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo sa tákot na baka nagkakamali lang ako ng dinig and all this time ay hinahabol pa rin pala niya ako. Napahinto lang ako nang may marinig akong sigaw ng isang babae sa di kalayuan; sa direksyon kung saan ako nanggaling. Doon ko na-realize na may iba na sigurong nakapukaw ng pansin ng predator ko. Kasunod ng sigaw ng babae ay boses ng mga taong nagulat, napuno ng panic at nagkagulo.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang taas ng adrenalin na dumadaloy sa katawan ko. Sa sobrang hingal, itinukod ko ang kanang kamay ko sa malapit na poste. Gusto kong maiyak dahil for some reason sobrang linaw ng memory ko at tandang tanda ko ang bawat detalye ng karumal-dumal na nangyari sa café.

Nagmadali akong bumalik sa opisina. Kailangan kong masigurado na nakabalik rin nang ligtas si Claire.

Kukunin ko ang gamit ko, uuwi ako. Wala na akong pakielam kung tanggalin nila ako sa trabaho.

Hindi ko alam kung pabor ba sa akin o mas dapat ba akong kabahan, pero normal ang lahat pagpasok ko sa building ng opisina namin. Maybe at least for now. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso ako sa cubicle ni Claire. Wala siya doon.

Doble ang naging kaba ko at umaalingawngaw sa tenga ko ang kabog ng dibdib ko. Kailangan kong mahanap ang kaibigan ko.

Pumunta ako sa supervisor ni Claire. Hindi pa raw ito nakakabalik from 1-hour break. Lagot na. Sobrang daming posibilidad ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Pagkakuha ko ng bag ko sa locker ay naghanap ako sa pantry at lounge, pero pa rin kahit anino ni Claire. Kitang kita ko sa bintana ng building ang asul at pulang ilaw ng mga police cars at ambulance na nasa iba't ibang parts ng syudad. Mukhang nagkakagulo na talaga sa labas. Kailangan ko nang magmadali.

Nasa hallway ako nang makita ko ang isang Maintenance Personnel na natataranta at humihingi ng tulong. May inaakay siyang isang lalaki na duguan ang kanang braso.
"Kaunting tiis, Sir." Sabi ng Maintenance Personnel. "Malapit na po tayo sa Clinic".
Lahat ng tao sa paligid ay nakatingin na rin sa kanilang dalawa.

Gumilid ako at sumandal sa pader para makadaan sila. Nakita ko nang malapitan ang sugat ng lalaki. Isa itong malalim na bitemark. Duguan at nangingitim ang balat sa paligid nito. Wala ring tigil ang pag-agos ng dugo.

Nakakadalawang hakbang pa lang sila mula sa kinatatayuan ko nang bumagsak bigla ang lalaki. Nangingisay ito na parang inaatake ng epilepsy.

Mga ilang segundo ang lumipas nang biglang tumigil ang panginginig ng katawan nito at nawalan ng malay.

Kinapa ng Maintenance Personnel ang pulso ng lalaki at sinabing wala na itong buhay.

Naintindihan ko na ang mga tao kanina noong may humahabol sa'kin sa labas. Hindi ako makakilos at ang tanging nagagawa ko lang ay tingnan ang lahat ng nangyayari.

Parang nawala lahat ng dugo sa mukha ng lalaking nakahandusay. Nanuyot ang balat niya at nangitim ang paligid ng mata. Ganoon pala kapag namatay ang isang tao. Kitang kita ang pagkawala ng soul nito.
Pero halos mapatalon ako nang biglang bumukas muli ang dalawang mata nito at hinawakan sa magkabilang balikat ang Maintenance Personnel.

Napasigaw ang Maintenance Personnel nang biglang kagatin ng lalaki ang kanyang leeg. Sumirit ang dugo niya nang bumaon sa kanyang laman ang mga tila matatalim na ngipin nito. Agad niyang itinulak ang lalaki papalayo at pinilit niyang kumaripas ng takbo ngunit natumba rin siya kaagad at nanginig ang buong katawan.

Bilang nag-iisang pinakamalapit, ako ang kasunod na nakita ng lalaki. Namumula ang mga mata nito na katulad ng sa crew sa café kanina. Nagsisisigaw rin ito at parang nababaliw. Sigurado ako, pareho ang nangyari sa kanilang dalawa. At mukhang 'yon din ang nangyayari sa Maintenance Personnel sa di kalayuan.

Nanlilisik ang mga mata, tumayo ang lalaki at tumakbo papunta sa akin.

Unlike kanina sa café na mabilis akong nakatakbo, ngayon ay nanlambot ang mga tuhod ko at namanhid ang buong katawan ko. Dahil ba sa nagamit ko na lahat ng adrenalin? Hindi ko alam. Napaupo na lang ako habang hinihintay ang mangyayari.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon