"Jerome!" agad kong nilapitan ang boyfriend ko. Natamaan siya ng bala sa tagiliran. Tiningnan ko kaagad ang likod niya, and bingo, mayroong exit wound. "Okay, hindi na-stuck yung bullet sa katawan mo. That's a good sign. Kaya mo bang maglakad?"
"Yes." sagot ni Jerome, despite wincing from the pain. "Yes, I can."
Isinukbit ko ang braso ni Jerome sa mga balikat ko upang maalalayan ko siya nang maayos.
Pagewang-gewang na lumakad kami papuntang fire exit door.
Nakaka-three meters na kami papunta sa pinto, biglang nagdatingan ang mga guards sa hallway.
Pinaputukan ko sila ngunit naubos din ang bala ko nang walang tinamaan, dahil na rin sa pagmamadaling maglakad habang bitbit ang weight ni Jerome.
"I want him alive!" narinig kong sigaw mula sa mga paparating na humahabol sa'min. Si Dr. Kaufman. "Do not fire!"
Sa kabila ng pagmamadali namin ni Jerome na maglakad, naabutan pa rin nila kami. Ibinaba ko si Jerome at pumwesto ako sa harapan niya; my whole body covering and protecting him.
Itinutok ko ang baril sa ulo ko.
"Move one step closer, and I'll kill myself." sabi ko. Napahinto ang mga guards, mga mahigit 1 meter from Jerome and I. "Don't you freakin' dare! Lower your guns!"
Mga mahigit sampung guards ang nakatigil sa harap ko at naghihintay ng command mula kay Dr. Kaufman. Ilang sandali ay tumabi ang dalawang guards sa unang hanay at lumitaw ang doktor. Lumakad siya nang kaunti papunta sa'kin, two steps ahead of his armed men.
"Stop right there!" sigaw ko, trying with all my might to sound confident and stern. Tiningnan ko si Jerome, hinang-hina na siya at halos mawalan na ng malay dahil sa pagkaubos ng dugo. "Come closer and I swear I'll shoot myself.."
"You pig.." sabi ni Dr. Kaufman sa'kin. Punung-puno ng galit ang mga mata niya. "You think you're special enough to stop me from executing my experiments, huh?"
Hindi ako nagsasalita. Hinigpitan ko ang hawak ko sa baril na nakatutok sa ulo ko.
"It's funny, but you know what? I actually see myself in you, Immuno." dagdag pa ng doktor. "Just like me, you're relentless and strong. Hah!
"My fellow Americans didn't believe in me.. In the power of what I've discovered.. Until I provided my service to another country who's willing to fund me all the way.
"You see, China will do everything to be the most powerful nation in the world. And look at them now."
Iniangat niya ang hawak niyang baril. Or so I thought. Nang tiningnan ko nang maigi, isa pala itong gun syringe na may purple na liquid sa loob. Itinutok niya ito sa itaas at piniga nang kaunti ang forward handle. The liquid inside squirted out like a thin thread.
"Because of this virus that I had developed.." paliwanag ng doktor. "China is the only country standing strong amidst this chaos. Too bad my countrymen didn't see me the way China did. I guess they're not as greedy for power as I had thought."
"China had been feeding me millions of dollars, Immuno." dagdag ni Dr. Kaufman. "And yet you think you can stop me? What a joke."
"You may think you have a lot of power in your hands right now, Dr. Psycho.." sabi ko. "But c'mon, to be honest, your virus is just garbage once it enters my system. That's the ugly truth for you. I am your biggest failure."
"We'll see." tugon ng doktor. Tumingin siya sa isa sa mga guards sa likod niya at tumango. "Now tase him."
Blop!
Sobrang lakas ng kuryenteng rumagasa sa mga ugat ko. Biglang nanigas at bumagsak ang buong katawan ko sa lapag nang bumaon sa dibdib ko ang prongs na nanggagaling sa stun gun ng isa sa mga guards.
Pinipilit kong hugutin ang mahabang wire ng stun gun pero ni isang daliri ay hindi ko maiangat sa sobrang lakas ng panginginig ko. Halos tumirik na rin ang mga mata ko.
Nakita ko si Dr. Kaufman na lumapit sa akin, hawak pa rin ang gun syringe and flashing his sinister smile.
"Fine. I can't deny it, I need you for my experiments, Immuno." sabi niya sa'kin. "On the other hand, let's see if I'll also be needing your friend.. Or not."
Humarap si Dr. Kaufman sa nanghihinang si Jerome at itinutok ang gun syringe sa leeg nito.
"This is by far the strongest strain of virus I have developed." sabi niya. "A bite from your friend here might not kill you, or maybe it will. We'll see."
Gusto kong sumigaw, tumayo at wasakin ang ulo ni Dr. Kaufman at that moment. Punung-puno ng galit ang puso ko yet I was paralyzed.
Not my Jerome. Naisip ko. NOT MY JEROME!
Yet wala akong nagawa kundi lumuha. I watched as Dr. Kaufman injected the virus into Jerome's body.
Biglang bumilis ang paghinga ni Jerome at nanginig rin ang katawan na parang kinukumbulsyon.
Natapos ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko. Despite the tremors, pinilit kong gumapang papunta kay Jerome.
Nawalan na ako ng pakialam sa presensya ni Dr. Kaufman sa tabi ko. Ang importante lang sa'kin ngayon ay mapuntahan si Jerome, ang pinakamamahal ko.
"J-Jerome.." sabi ko habang mahinang tinatapik ang pisngi ng boyfriend ko. Hindi na tumitigil ang pagbuhos ng mga luha ko. "Jerome, wake up!"
Dumilat nang kaunti ang mga mata ni Jerome. Nakikita ko na ang pamumula ng mga ito which meant na hindi siya susceptible sa virus. A few minutes from now, he'll turn.
"I.. I love you, J-Jared.." sabi ni Jerome. "Jared.."
"I love you, too, Jerome." sabi ko in between sobs. "I'm here.. I'm here.."
"K-kill me.." sabi niya. "Sh-shoot me in the h-head.."
"I can't.." tugon ko kasabay ng malakas na paghagulgol. "Jerome, hindi ko kaya.."
"P-please.."
Parang isang basang twalyang pinipiga nang sobra sobra ang puso ko. Hindi ko matanggap. Ang pinakamamahal ko, ang taong humila ng kamay ko sa opisina upang iligtas ako, ang tinawid lahat ng pagsubok para lang mapuntahan ako, ang nagpahalaga sa akin nang higit pa kaysa sarili niya, ang nagmahal sa akin nang tunay at buong-buo.. Now, I can't do anything but watch him slowly die.
I couldn't contain my emotions.
I looked at Dr. Kaufman in the eye.
"You'll pay for this!" sigaw ko. "YOU.. WILL.. DIEEEEE!"
Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pag-ulan ng mga bala na nagmumula sa gawing likod ko.
Ako mismo ay nagulantang at napayuko sa nakakabinging ingay ng putukan.
Kitang-kita ko ang pagtama ng mga bala sa katawan ni Dr. Kaufman at ang pag-sirit ng mga dugo nito through his white coat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Bumagsak ang katawan ng doktor sa tapat ko. His lifeless eyes were wide open.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...