Chapter 10: Soft Skull

482 42 7
                                    

Garbled na ang mga sigaw ni Julia mula sa likuran ko. Naghahalo na rin sa pandinig ko ang sigaw ng mga infected sa kabilang side ng gate na pinipilit kong akyatin para iligtas si Jerome. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanya.

Tinalon ko ang railing sa itaas na parte ng gate at nakakapit ako. Pinilit kong hilahin paangat ang katawan ko, at sa wakas nagkaro'n ako ng chance na makita ang nasa kabila.

Isang malawak na swarm ng mga infected ang bumungad sa'kin, parang 'yong sa Pista ng Itim na Nazareno. Sobrang bilis napuno ng mga nangangagpang ang buong compound. Isang parte ng utak ko ay nagsasabing imposibleng mahanap ko si Jerome, pero wala akong balak makinig dito.

"JEROME!" sigaw ko. "JEROOOOME!"

Dumulas ang namamawis kong kamay sa railings. Bumagsak ako at napaupo sa semento. Hindi ko na mapigilang umiyak. May mga infected na rin sa paligid na nakarinig ng commotion namin at hikahos na lumalakad papalapit sa'min.

Hinila ni Julia ang mga braso ko upang makatayo ako at makatakbo kami palayo. Pinipilit kong pumiglas pero sing-lambot ng noodles ang mga binti ko sa sobrang distress at panic. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Natabunan na ng luha ang vision ko. Síkat na lang ng araw ang naaaninag ko. Napaisip tuloy ako, sa sobrang emotional at weak ng pangangatawan ko, am I fit to live in this kind of world? I may be immune sa infection, but to think about the weight of what lies ahead, the high probability na baka lahat ng mahal ko sa buhay ay iwanan ako or worse makita kong mag-turn into infected, it might be the cause of my death.

Is this immunity a gift to mankind, or a curse upon me? It may be both.

"Jared, be quiet!" mahinang sigaw ni Julia. "Kumalma ka!"

Tinakpan niya ang bibig ko.

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng emosyon ko. Hindi ko alam kung takot na takot ako or nagpapanic or both.

Sinampal ako ni Julia.

Natulala ako.

Sinampal niya ulit ako sa kabilang pisngi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nagising ako. Bigla akong naging aware sa paligid. Nasa loob kami ng isang bahay, sa sala. Nagulat ako dahil tahimik na pala ang paligid. Medyo madilim dahil nakasara ang mga kurtina, pero naaaninag ko ang detalye dahil sa kaunting liwanag mula sa labas na nakapasok sa manipis na awang ng mga bintana.

Gaano na ba kami kalayo mula sa compound nina Julia?

"Nasaan tayo--"

"Sshhh!" sabi ni Julia. Naka-pause lang siya, waiting for something, maybe a noise, to hear.

Mga 30 seconds na siguro ang nakalipas at tahimik pa rin ang buong bahay.

I saw Julia's shoulders ease, confirming na walang tao, o kung ano man, dito sa loob.

"Okay. We can stay here until you're done pulling yourself together. Nasa bahay tayo ng kapitbahay namin, si Mr. Santos. Siya lang mag-isa ang nakatira dito, at nakita ko siya sa labas, he's already infected so this house should be empty." sabi niya sa'kin casually, as if nagkukwento lang ng inulam nila kagabi. "Punasan mo ang mga mata mo. You have to be strong, or at least try. It's important that you survive, Jared. I hope you understand the gravity of our mission. This isn't just about you."

I went quiet. Just as the house was also dead-silent.

"He's still out there, you know." sabi ko nang pabulong. "Jerome's still out there."

Tumingin ako kay Julia, hoping that I could somehow get a little bit of strength or sympathy from her. I failed. Sobrang seryoso niya at nakakunot ang mga mata niya.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon