Chapter 29: No Big Deal

295 30 1
                                    

Tumigil ang mga putok ng baril at tumahimik ang paligid. Nagdaanan ang napakaraming sundalo past us at pinaghuhuli ang mga tumakbong guards na kanina'y nakahanay sa likod ni Dr. Kaufman.

Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan. Gayunpaman, I turned my attention back to Jerome.

Nagkulay-violet na ang bibig niya at nangingitim na ang mga mata niya. Wala na siyang malay, pero may pulso pa siya at humihinga.

This time, I was ready. I picked up my gun and itinutok ko ito sa kaliwang temple ni Jerome.

Akala ko'y ubos na ang luha ko, pero nagpatuloy muli ang mga mata ko sa pagbuhos nito.

"Jerome.." sabi ko. "Mahal na mahal kita. Salamat.."

Idiniin ko ang pagpiga sa trigger.

"JARED!" sabi ng isang babaeng nanggagaling ang boses mula rin sa likuran ko.

Agad kong ini-release ang pressure sa kamay ko, stopping me from firing the gun.

Kilala ko ang boses na 'yon. Si Julia!

Lumuhod siya sa tabi namin ni Jerome.

"Jared, what happened--" natigilan siya nang makita niya ang kalagayan ni Jerome. "Oh my god, is he still breathing?!"

"Yes, but he's already infected." nanghihina kong paliwanag. "I failed protecting him, Julia. I failed--"

"Well, our mission didn't." sagot ni Julia. May kinuha siya sa kanyang bag. Isang syringe na may lamang yellowish na liquid. Itinurok niya ito sa braso ni Jerome. "We did it, Jared."

"What do you mean?" tanong ko. Tila disoriented at emotionally drained na sa mga nangyari. "Ano 'yung tinurok mo kay Jerome."

"The vaccine." sagot ni Julia. "At the last minute, the doctors figured out how to develop the cure. Look!"

Ipinakita ni Julia sa akin ang bitemark sa itaas ng ankle niya.

"This cure wouldn't have been possible without your blood, Jared." sabi ni Julia. "You saved me.."

Jerome suddenly inhaled and then woke up. Medyo disoriented siya pero halata ang pag-ayos ng kanyang lagay. Hindi na violet ang labi niya at wala na ring pangingitim sa mga mata niya.

"And you saved Jerome, too." dagdag ni Julia.

Hindi ko mapigilan ang ngiti at luha na sabay pumipinta sa aking mukha.

Buhay si Jerome! Buhay siya! At ligtas din si Julia.

Ilang sandali ay dumating ang medic team na nag-tend ng gunshot ni Jerome at nagdala sa kanya sa ambulansya sa labas.

"What's all this?" tanong ko kay Julia habang inaalalayan niya akong lumakad papalabas ng facility. "The military.. Are they the ones who killed the guards sa kabilang wing ng building?"

"Most likely. Noong nasa DOH ako," paliwanag ni Julia. "The United Nations and the World Health Organization responded to DOH's message about the vaccine. They provided all this, including the medical assistance, in exchange of our medical breakthrough, which is you. Your blood.

"I heard they're also working on dismantling China's political agendas, eradicating all the infected worldwide and curing everyone they can."

"That's good." tugon ko. "That's very good."

Lumabas kami ni Julia ng building at pinaliguan ako ng malamlam na sikat ng araw. Hindi ko alam kung anong oras na, pero malamang ay between 4pm o 5pm na ng hapon. Napakasarap sa pakiramdam, especially ang langhapin ang sariwang hangin dito sa labas.

Sinalubong kami nina Karim, Ara at Lara na isa isa kong niyakap nang napakahigpit. Kasama rin nila ang iba pang mga nailigtas naming mga Immunos.

"Ivan didn't make it." sabi ko. "I'm sorry."

"We saw what happened." sabi ni Karim. Niyakap niya ako ulit, which felt a little weird. "It's not your fault. I'm very happy to see you alive."

"Uhm.. Thank you, Karim." tanging response ko. "I'm happy to also have you, as my friend."

Nakita ko ang pagkalungkot ng kanyang mga mata, ngunit ilang sandali ay ngumiti rin siya at hinawakan ang balikat ko.

"Okay. See you around, Jared." sabi ni Karim. Iniwan niya ako at tumungo siyang muli kina Ara at Lara.

Dumiretso ako sa ambulansya kung saan nakahiga si Jerome.

He's peacefully asleep. Hinimas ko ang kanyang buhok at hinalikan ko ang noo niya. Hindi ko na naman mapigilang ngumiti sa naramdaman kong saya.

That's it. That's the image I am going to be living for, for the rest of my life; seeing Jerome safe and sound.

Pero natigilan ako nang may makita akong paggalaw sa di kalayuan, through my peripheral vision.

Naaninag ko ang anino ng taong nagtago sa gilid ng pader ng building.

I still have the gun on my hand and decided to check what that movement was.

Dahan-dahan kong in-approach ang gilid ng building, and to my surprise, tumambad sa akin ang gegewang-gewang na si Lieutenant Hernandez!

"J-Jared!" sabi niya, with eyes as wide as mine. He tried to smile at me apologetically. "Buhay ka.. I-I'm very happy for you.. I was just checking if--"

Ikinasa ko ang baril na hawak ko at walang anu-ano'y ipinutok ito sa ulo ng Lieutenant.

He froze for a second, with shocked dead eyes just like Doctor Kaufman's, and then collapsed headfirst to the ground.

"Death." Bulong ko sa mainit-init na bangkay ni Lieutenant Hernandez. "That's what you deserve."

"What's that?!" narinig kong sigaw ni Julia. Tumakbo siya papunta sa kinatatayuan ko. "Jared, are you okay? I heard a gunshot."

Nagpuntahan din ang ilang mga sundalo sa gilid ng building to check what the gunshot was about.

"Yes." marahan kong sagot. "I'm okay. I just had to kill an infected. No big deal." ngumiti ako na parang walang nangyari, sabay kindat.

IMMUNO (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon