00:20
July 20, 2019
Makati, Philippines"Ate, alam ko namang gusto mo ring bumalik dito sa Pilipinas. Wala ka namang po-problemahin, lalo na sa gastos. Malaki naman 'yung apartment ko, pwedeng pwede naman kayo do'n magstay, kahit ilang buwan lang. May sarili kayong kwarto ni Yuri do'n kung sakali. Miss na miss ko na rin 'yang pamangkin ko na 'yan, eh." sabi ni Jerome. Kausap niya ang kanyang ate over the phone. Nasa Singapore ito at kinukumbinse niyang bumalik ito ng bansa upang madalaw man lang ang puntod ng kalilibing nilang nanay. "Hindi ka ba nalulungkot man lang sa pagkawala ni Mama?"
"Malulungkot?" sagot ng ate niya. "Buong buhay ko, hindi siya tumayo bilang nanay ko. Bakit ako malulungkot na namatay siya?"
Kinuha ni Jerome ang stressball niyang nakapatong sa way-too-organized na desk niya at napapisil siya rito nang mahigpit. Siya na lang ang natira sa cubicle niya dahil ang iba niyang katrabaho ay lumabas na ng building upang kumain; one-hour break na pero parang wala siyang ganang kumain ngayon.
Gustong mainis ni Jerome sa sagot ng ate niya, pero mas nangibabaw ang lungkot niya. Hindi niya rin naman kasi ito masisi dahil mula pagkabata ay abusive at drug-dependent na ang kanilang nanay; kinalaunan ay sumama pa ito sa ibang lalaki.
Pero kahit ganoon ay hindi nagtanim ng galit si Jerome sa kanyang ina. Nang magkasakit ito sa baga, he demanded na siya ang mag-alaga rito hanggang sa huli nitong hininga.
Ulilang lubos na si Jerome. Nagpakamatay ang kanyang ama dahil sa depression at sa murang edad ay itinaguyod nila ng kanyang ate ang maayos na buhay. Napagtapos siya ng kanyang ate at ngayon ay nagtatrabaho na siya bilang CPA sa Payroll Department ng isang BPO Company sa Makati.
"'Wag mo na kaming alalahanin dito, Jerome." Dagdag ng ate niya. "Mag-focus ka na lang sa pag-establish ng buhay mo d'yan, okay? Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka."
"Ikaw ang bahala." Tanging tugon ni Jerome. Tila ayaw tanggapin ng sistema niyang naka-move on na ang ate niya sa buhay dito sa Pilipinas. "Basta sabihan mo na lang ako sakaling magbago ang isip mo, ha? Ikumusta mo ako kay Yuri."
Ibinaba ni Jerome ang tawag, at ipinatong niya ang kanyang cellphone sa tabi ng itim na company-owned laptop. Napansin niya na naman ang kaisa-isang post-it note na nakadikit sa gilid ng monitor nito.
"Just do it." nakasulat sa inaalikabok na post-it note with his neat hand-writing. Pinaalala nito sa kanya ang recent na pangyayari, or should he say, pagkakamali niya.
"Don't be an ass.." Bulong niya sa sarili. "Man up, buddy."
Huminga siya nang malalim, unsure of what to do or feel at that moment.
"Screw it." Sabi niya. Tumayo siya na animo'y nakapagdesisyon na. "I have to do it. I have to."Bakas ang kaba at pag-aalala sa kanyang mga mata, lumabas siya ng opisina nila upang tumungo sa H.R. Department, hoping na nandoon ang taong matagal na niyang gustong kausapin.
"Hello, Sir Jerome." Bati ng isa sa dalawang babaeng nakasalubong niya habang naglalakad sa hallway. Halata ang kilig sa mga tingin at ngiti ng mga ito nang makita siya. 'Looking sharp today, ah."
"Hello." Tugon ni Jerome. "Salamat. Kayo din, looking good." Sabay kindat.
Hindi napigilan ng mga babae ang ngumisi sa kanya, at maghalinghingan paglampas.
Kahit kailan ay never naging uncomfortable si Jerome sa presensya ng mga babae. He's actually the type of guy who enjoys their attention from time to time.Until recently.
Natigilan siya nang mapansin niyang may nagkakagulo sa labas ng C.R. sa tapat ng Production Floor. Mga lima hanggang walong tao ang nagkukumpul-kumpol at akala ni Jerome ay may nag-aaway dahil sa lakas ng boses ng mga ito.
Hinawi niya ang mga tao upang makapasok nang kaunti at makita nang maayos ang nangyayari. Salamat sa makikisig niyang mga braso at malapad na balikat, madali siyang naka-penetrate sa loob ng commotion.
Tumambad sa kanya ang pinakakarumal-dumal na pangyayaring never niyang na-imagine na masasaksihan niya. Sa tapat ng pinto ng powder room, isang babae ang nakahandusay at wasak ang katawan mula dibdib hanggang tiyan. Naglabasan ang bumabahang dugo at punit-punit na laman-loob nito. Nakadilat ang mga mata, nakabuka ang bibig at siguradong wala na ring buhay.
Halos maluha at masuka si Jerome sa nadatnan. A murder happened in the workplace.
"What the hell.." tanging nasabi niya sa sarili.
Dumarami na ang mga taong nakapansin at nagdadatingan. Ang iba'y inaatake na rin ng panic at hysteria.
Dumating ang tatlong guards at kaagad na ipina-stop ang mga tao sa pagkuha ng videos. Of course, hindi sila sinunod ng mga ito.
Napasigaw ang karamihan nang bumukas ang pinto ng powder room at lumabas ang isang lalaking pulang-pula ang mga mata at gegewang-gewang sa paglakad; duguan ang bibig nito at ang buong damit. Kagat-kagat nito ang mahabang strand ng intestine na marahil ay galing sa babaeng duguan sa lapag.
Halos lumuwa ang mga mata ni Jerome sa gulat at pagkalito.
Kagat kagat niya ang bituka ng babae?! Naisip ni Jerome. Walang taong may normal na pag-iisip ang gagawa nito!
Binalot ng takot ang buong crowd sa nasaksihan. Ang iba'y nagtakbuhan at ang iba naman ay tahimik lang at frozen sa kanilang pwesto, tulad ni Jerome.
Biglang sumigaw ang lalaki, dahilan upang mahulog sa lapag ang kagat kagat na intestine. Tumakbo ito at dinamba ang isa sa mga guards. Kinagat nito ang mukha ng gwardiya, at paghila niya'y sumama ang balat nito.Sumirit ang dugo ng kaawa-awang guard at nagsisigaw ito. Tumakbo ito palayo ngunit kaagad ring natumba at nawalan ng malay.
Inilabas ng dalawang guards ang kanilang baril at pinaputukan ang lalaki.Tumama ang mga bala sa tiyan at balikat ng lalaki, ngunit hindi ito bumagsak. Bakas ang gulat sa mata ng mga guards at ng lahat ng saksi sa nangyayari.
Blangko ang mapupulang mga mata ng lalaki at tila wala nang pag-iisip. Lumakad ito papunta sa mga bumabaril na guards at sumigaw itong muli na animo'y isang rabid na halimaw. Instinctively, nagpaulan ng mas maraming bala ang mga guards.
Ang isang bala ay tumama sa noo ng lalaki, sa gitna ng mga mata. Sa wakas, bumagsak ang lalaki at sumalampak sa malamig na lapag, katabi ng nakahandusay na babae.
Halos biyakin ng puso niya ang kanyang ribcage sa sobrang gulat, nang biglang bumangon ang babaeng wasak ang tiyan na kanina lang ay wala nang buhay.Tulad ng sa lalaki, namumula rin at galit na galit ang mga mata nito. Dahan-dahan itong tumayo at humarap sa direksyon kung nasaan sina Jerome.
Agad itong binaril ng dalawang guards ngunit naubos ang bala nila nang hindi napapabagsak ang babae. Pinagkakagat ng babae ang dalawang guards na siyang pinakamalalapit sa kanya.
Nabangga si Jerome ng isang empleyadong nagsisigaw at tumakbo papalayo. Doon nagising ang diwa niya.
Run. Naisip niya. RUN!
Tumalikod siya upang umalis sa crowd at paglingon niya ay nagkakagulo na nga ang lahat. Nakita niya ang kaninang guard na punit ang mukha, ngayon ay kumakain na rin ng kaawa-awang empleyado.
What the hell is this? Naisip niya. Tila nagiging halimaw ang mga nakakagat At hindi sila agad agad namamatay.
Gusto niyang kurutin at sampalin ang sarili upang magising sa animo'y panaginip na katotohanan, pero wala nang oras. He needs to get away from this building as soon as possible. He moved his feet and ran away as fast as he can.
Tumatakbo siya sa hallway papuntang elevator nang mapahinto siya sa nakita. Natagpuan niya ang taong kanina'y hinahanap lang niya.
Si Jared Buenacer.
Nakaupo lang ito at nakatulala sa lalaking may pula ring mga mata. Sigurado si Jerome, infected ang lalaki ng katulad ng sa mga nasaksihan niya kanina sa may CR.
"Jared!" sigaw niya. "Jared run!"Hindi umimik si Jared at tila hypnotized na nakatingin lang sa infected.
Tumayo ang rabid na lalaki at aktong aatakihin na si Jared.
Just do it. Naisip ni Jerome. Just do it!
Parang may sariling buhay ang mga paa ni Jerome na tumakbo papunta sa direksyon kung nasaan si Jared. Ililigtas niya ito. That's the only thing he could think about at this moment."WAAAAAAG!" sigaw ni Jerome.
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Bilim KurguHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...