"We'll leave in an hour. Pack your things." sabi ni Julia. "Jerome, do you think aabot pa ang gas ng kotse mo hanggang Marilao, Bulacan?"
"I.. I think so." sagot ni Jerome. I can see na disoriented din siya sa nangyayari. "M-may extrang dalawang gallons pa 'ko ng gas sa compartment."
"Teka lang." sabi ko, "So, hindi DOH ang pupunta dito?"
"'Yan din ang una kong tanong sa kanila." sagot ni Julia. "Apparently, wala nang government. The military had failed. 'Yung mga nakausap ko sa DOH, mga doctors sila na na-trap sa loob ng building and they're only working because of their sworn oath. They're desperate to find a cure as far as their resources can go. And you, Jared, are by far their only chance. Looks like we lived in solace for too long, nawalan na tayo ng grasp sa totoong nangyayari sa labas."
Dali-dali kaming nag-impake ng mga gamit, food and water. I packed a flashlight rin and a hunting knife na nakita ko sa cabinet sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam 'kung kanino 'yon pero considering my previous experience with the infected, I was so damn grateful na kahit papa'no may pang-depensa ako this time. Just in case.
Ngayon lang nagsink-in sa'kin lahat, especially kung gaano ka-importante ang gagawin namin. My blood, this could save millions of lives.
"Jared?" sabi ni Jerome. Nakasilip siya sa pinto ng kwarto ko.
"Yeah?" sabi ko. "Tapos ka na mag-impake?"
"Yes. Gusto ko lang sana malaman mo na.. About dun sa.. 'Yung sa kanina, I mean kagabi.."
Lumapit ako sa kanya and I kissed him again, this time softly. I realized, anything that happened to us before this virus outbreak, hindi na mahalaga. What matters is this mission. And that we're in this together.
"It's dangerous out there." sabi ko. "Promise me, you'll live."
"I'll live, as long as you live." sagot niya. "I'll make sure you're safe, kahit itaya ko pa ang buhay ko."
Butterflies in my stomach, stop. Now's not the time.
"Everyone ready?" tanong ni Julia mula sa sala. Pumunta kami ni Jerome kay Julia, sukbit ang kani-kanya naming mga bags. "Okay, so here's the plan.."
Nilabas ni Julia ang mapa sa cellphone niya at in-explain ang kailangan naming tahakin para makarating sa DOH Headquarter. Nasa Taguig kami at kailangan naming makarating sa Marilao, Bulacan. Ayon sa app, it's a 2-hour drive. Pero malabong maging smooth ang daraanan namin. That's why we have to be ready especially if we have to travel on foot.
"Okay guys, copy?" tanong ni Julia. "We need to leave now."
Sabay kaming tumango ni Jerome.
"I'll start the car." sabi ni Jerome.
Palabas na si Jerome ng bahay nang biglang--
CRASH!!!
Parang bumagal ang oras. Kitang-kita ko ang buong pangyayari dahil nakaharap ako sa bintana at that moment.
May isang malaking truck, mga 18-wheeler siguro, na bumangga sa mataas na pader ng compound nina Julia. Bumaliktad ang truck at pumasok ang kalati nito sa loob ng compound. Nagkalat ang debris sa paligid mula sa malakas na impact ng pagbangga. Nakaharang din ang truck sa gate na daraanan ng kotse ni Jerome.
Lagot na.
Napatulala kami sa nangyari. Walang gumagalaw at halos walang humihinga sa'ming tatlo.
Sa likod ng truck, may naaninag akong gumagalaw. Kinilabutan ako sa realization na butas na ang pader na nagbibigay proteksyon sa'min noon mula sa mga infected.
Halos bumigay ang tuhod ko nang makita kong nagsipasok na ang mga infected. Mga galit na galit ang mata at duguan ang mga katawan, mabilis nilang pinuno ng sigaw ang harap ng compound. We're now exposed. And trapped.
I don't know if it's the hunger or dahil ilang linggo nang decayed ang mga katawan nila, pero noticeable na bumagal silang maglakad at kumilos kumpara noong unang araw ko silang ma-encounter.
May tatlong infected na huminto at tumingin sa bintana. Lagot na. Nakita na nila kami. Despite the glass, narinig namin ang sigaw nila habang naglalakad papunta sa'min.
"Guys, kailangan na nating umalis." sabi ni Jerome. Napatingin lang kami ni Julia sa kanya, as if nakadikit ang mga paa namin sa floor. "NOW!" sigaw niya.
Para kaming binuhusan ng nagyeyelong tubig na nagbalik sa'min sa katotohanan. Mahinahong tao si Jerome so kapag sumigaw siya, magigising ka talaga. Dali-dali kaming lumabas ng bahay. Julia took the lead dahil alam niya ang iba't ibang passage palabas ng compound.
Dumaan kami sa parang maliit na garden at sa dulo ng pathway ay may maliit na gate palabas. Ito 'yung tipo ng gate na may metal sheets kaya hindi nakikita kung ano ang nasa kabilang side. And it's locked.
"So, what do we do?" tanong ko kay Julia. Sabay ng pagtanong ko ay ang paglitaw ng mga infected sa di kalayuan. Nakasunod agad sila sa'min. I guess they're not as slow as I thought.
"We need to climb over the gate." sagot ni Julia. "You guys give me a boost up."
"Okay." sabi ni Jerome. Pumwesto kami sa magkabilang side ni Julia and we lifted her up. Nakatungtong agad si Julia sa bakal na rod sa itaas ng gate at nakaakyat. "May mga infected ba sa labas?"
"Wala. All clear." sabi ni Julia. She climbed over the gate and landed on the other side swiftly. "Guys, hurry up."
"You're next." sabi ni Jerome sa'kin at pumwesto sa gilid ko. "Place your feet on my hands."
"Pero pa'no ka?" tanong ko.
"I can manage." sagot niya. "Don't worry."
With Jerome's help, nakaakyat rin ako at nakababa sa kabilang side ng gate. Inalalayan ako ni Julia sa pagtayo.
"Jerome?" tanong ko. "Ano, kaya ba?"
"What the--" sabi ni Jerome sa kabilang side.
"Oh, bakit?" mas malakas na tanong ko. "What's happening?"
Bigla naming narinig ang sigaw ng mga infected, at ang malakas na pagbangga ng mga katawan nila sa bakal na gate.
"Jerome, takbo!" sigaw ko habang nangingilid ang luha sa sobrang kaba. I tried to climb back pero pinigilan ako ni Julia.
"Jared, no!" sabi ni Julia. "We can't risk it. We need to keep you alive."
Pumiglas ako at naghanap ng matutuntungan. "Jerome!" I got no answer. "JEROME!"
BINABASA MO ANG
IMMUNO (Taglish)
Science FictionHighest Rank: #1 Zombie Outbreak Category from 05/09/2020 - 05/24/2020. Ako si Jared. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ng lahat ng officemates ko ang pinakatatago kong sikreto. Little did I know na umpisa pa lang pala 'yon ng mga karumal-dumal...