Chapter 1

24 0 0
                                    

Leona


Shit! Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak. Dahan-dahan akong bumangon habang hawak ang ulo ko na animo'y pinupukpok ito ng isang daan na martilyo. Agad naman akong napangiwi sa lakas ng boses ni ate Jasmine na heto at sinisimulan na akong sermunan.

"Oh may napala ba ang pag-inom mo?!" galit na bungad sakin ni ate Jas habang nakapamewang. Umungol lang ako. Ang sakit talaga ng ulo ko at sasabayan pa ito ng paparating pa lamang na sakit mula sa tenga ko dahil sa panenermon nya.

"Ate naman, ipapaalmusal mo pa ba talaga sakin yang sermon mo?" angil ko. Nakakaimbyerna.

"Oo dahil kailangan na ulit ulitin sa'yo na walang naidudulot na maganda 'yang paglalasing mo! Taon na ang lumipas kaya 'wag mo nang tambayan lahat ng sakit na dapat ay nasa limot na." Naalala ko na naman lahat sa isang iglap. At muli naramdaman ko na naman ang mga luha ko na nagbabadyang lumabas mula sa tahanan nito. Oo, hanggang ngayon nagluluksa parin ang puso ko.
Lumapit si ate at mabilis akong inalo. Nakonsensya siguro.

"Leona, wag mong gawing tambayan ang heartache. Hindi ka binayaran para mag stay sa company nito. Mag move on ka para naman makita mo ulit kung gaano kasaya ang b'yahe ng buhay." Mapait akong napangiti. Sana nga gano'n lang kadali 'yon.

"Sana nga gano'n lang kadali kalimutan lahat. Sana gano'n lang kadali sabihin ang salitang move on. Sana kasing tapang mo ako ate." Tuluyan na akong napaiyak at mabilis namang rumesponde ang yakap ng pang-unawa ng ate ko.

"Ayusin mo na nga yang sarili mo at bumaba na. Kanina pa umuusok ang ilong ni kuya dahil sa paglalasing mo. Ihanda mo narin ang tuhod mo dahil sigurado luluhod ka sa asin." Pananakot na may halong biro na wika nito.

"Ate!!" Tumatawang lumabas ito saking kwarto. Baliw lang ang peg? Tss. Mabilis naman akong nag-ayos nang sarili at bumaba na para mag-almusal kahit pa kinakabahan na makaharap si kuya Leo.

Tahimik akong umupo sa kaliwang bahagi ni kuya Leo at nakiramdam kung sisinghalan ba ako nito o hindi. Sa sobrang kaba ay tensyonado akong humigop ng kape mula sa tasa at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang malasahan ko ito. Gustong lumabas ng likido mula sa bibig ko pero maibubuga ko ito kay ate Jas na kaharap ko kaya mas pinili kong takpan ng madiin ang sariling bibig hanggang sa malunok ko na ang kape. Agad akong napangiwi!

"Masarap sis?" Pang-aasar ni ate Jasmine na pinukol ko naman ng masamang tingin. Sobrang tamis ng kape na parang gusto nang sumuko ng ngipin ko para sa cavity.

"Ano sa tingin mo, Hasmina?" Balik na pang-aasar ko na ikinairap nito. Tumikhim naman si kuya Leo matapos ilapag ang dyaryo sa mesa.

"Good morning, kuya." Bati ko at mabilis iginawad ang napakatamis at napakainosente kong ngiti.

"Good morning. Pero hindi ka abswelto sa paglalasing mo at umuwi dito na naglulupasay habang umiiyak." Seryoso na sabi ni kuya Leo na ikinaputla ko.

Patay !

"Iyak po 'yon nang sobrang saya dahil free time ko po kahapon." Palusot ko at napataas kilay naman si kuya.

"Hang shakiiiitttttt...... hindi ko na kaya toooooo..... bakit ikaw parin..... bakittttt .....????" Napamulagat ako ng mata sa realisasyon sa mga "pagkakalat" ko kagabi. Agad ko naman iwinaksi iyon sa isip ko.

"Naalala mo na?" Tanong ni kuya at napatango ako. "Kaya dahil d'yan grounded ka sa kahit anong alak for one month."

"Kuya....." angil ko.

"No buts." Sabi nito at mabilis na tumayo saka humalik sa noo namin ni ate at nagpaalam na papasok na sa eskwela since teacher ito. "Be a good girl, Leona."

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now