Shane
Halos nabilang ko na lahat ng dumadaang tao dito sa baywalk pero hindi parin umiimik itong katabi ko na naglalasing na si Rod. He is hurting and a total wreck right now. Matapos ang kaganapan kanina ay ako na ang nagprisintang maghatid kay Yona pauwi at pinuntahan ang binata matapos tumawag na nandito siya sa lugar.
"Enough! Hindi tayo nagpunta dito para lamang hintayin ka na maubos iyang alak mo. Tama na 'yan Rodrigo!" Saway ko saka hinablot ang bote na kaunti na lamang ang laman ng brandy na hawak nito. "Come on, I'll take you home." Sinimulan ko na siyang alalayan na makatayo ngunit pinigilang niya ako at muli akong pinaupo.
Tumawa ito ng nakakaloko. Pero hind lingid sakin ang mga luha nito na nagtatangka nang umagos kaya hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita. Hanggang sa ang tawa nito napalitan ng pag-iyak at doon ay bumigay na ang binata mula sa matapang na komposisyon nito. Humagulhol na ito at mabilis ko naman itong niyakap bilang pag-alo. Hindi ko narin maiwasan mapaiyak sa kahinaan nito ngayon.
Ilang minuto rin kaming gano'n hanggang sa humupa na ang aming emosyon.
"Ang pangit mo palang umiyak." Biro sakin ni Rodrigo at sinuntok ko naman siya sa braso.
"Mas pangit ka. Para kang bakla na sinaniban." Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Minsan nakakabaliw na talaga kasama itong si Rodrigo.
Sumeryoso ito. "Akala ko, mas masakit na ang mahalin si Yona ng patago. Iyong tipo na ako lang iyong nakakaramdam ng pain everytime masaya siya sa piling ng iba. Pero wala na palang mas sasakit pa kapag harap harapan na niyang sinasabi sayo na may mahal siyang iba. Na kahit anong gawin mong effort at pag-aalaga ay sasampalin ka parin ng katotohanan na mas lamang parin ang nauna." Shit! I can feel his pain in each word he said.
"Rod, kung hindi man tinanggap ni Yona ang pag-ibig mo atleast you two remain friends. Remember, she also admitted that the feeling is mutual. Nahuli ka lang kasi hindi mo agad inamin." Pagpapalubag loob ko.
Napailing naman ito. "Talo na ako, Shane. Matagal na. Tatanggapin ko na lang na kahit saang aspeto lamang sakin si Cyrill. Napatunayan ko na dahil pinili siya ni Yona."
"Don't say it! Magkaiba kayo ni Cyrill ng aspeto. Ang advantage niya lang ay hindi pa nawawala ang feelings ni Yona sa kanya since siya ang first love. You have also your advantage since you're her Knight-in-shining armor so fight your feelings to win her."
"I had enough, Shane. Hayaan na natin maging masaya si Yona. Maybe I am destined to be her boy bestfriend for life."
Hindi na ako nakasagot dahil nakikita ko na sa kanya ang tanda ng pagsuko. At muli, tahimik ko na lamang siyang inalo nang muli nitong ibinuhos ang emosyon.
****
Leona
Napahilot ako sa batok nang matapos ang feature news ko at mabilis itong sinend kay Mrs. Ocampo through email. Napasandig ako dala ng pagod. Napatingin naman ako kay Jenny matapos itong lumapit sakin.
"Hardworking ka today, teh. Uwian na oh, tara!"
Nasipat ko ang relos at doon ko nalaman na almost 7pm na pala. "Oh shit! Hindi ko napansin ang oras kaya pala nangalay na ang batok ko." Napahilamos ako sa sariling mukha dahil sa realisasyon.
Napakunot noo ito. "May problem ka sis? Napapansin ko kasi ilang araw ka nang nagpapakabusy. Nag-away ba kayo ni Cyrill?"
Ngumiti ako. "No, we're okay. Marami lang talaga akong hinahabol na deadline. Para ka naman hindi sanay sa working attitude ko."
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...