Leona
In thirty minutes, nakarating na ako sa bar kung saan kami magkikita ngayon ni Shane. May mahalaga daw itong sasabihin at balak pa akong paliparin na lang papunta dito dala ng sobrang excitement. Dumiretso na ako kaagad sa VIP room at mabilis naman itong kumaway nang makita ako. It's all girls night out.
"Hi Besh!" Bati ko at niyakap ito pagkatapos.
"Take a seat, Beshie!" Puno ng energy na alok nito na ipinagtataka ko.
"Sangkaterbang energy ah. Ano'ng vitamins?"
"Well....." Pigil ang kilig na maarte nitong pinaypay ang kanang kamay. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita.
"Oh my G! Are you.....?"
She has an engagement ring on her finger.
"He asked me last night and I said yes!" Imporma nito.
At sa sobrang kilig ko ay hindi ko na napigilan ang sarili na yugyugin ito sa balikat at sabay kaming napatili.
"Gosh! You're getting married." Puno ng emosyon na sabi ko. At last! Sa simbahan din ang tuloy ng lovelife nito.
"Yes Beshie! And we're planning our wedding next month. Kaya I badly needed your suggestions on this."
"Ang bilis naman yata. Oh my god! Do 't tell me na buntis ka!"
Napangiwi ako nang hugutin nito ang buhok ko dahil sa sinabi. "Ang green ng isip mo, Yona! Hindi 'no!" Angil nito. "Why not? Nagkakaintindihan kami, kilala na namin ang isa't isa and we love each other. Saan pa ba patutungo ang living-in together set-up namin kundi sa marriage din."
Minsan talaga kahit anong propes'yon mo sa buhay basta kaibigan mo ang kaharap, nakakawala ng poise.
"Ay sus, mas green na pala iyong pregnancy topic kaysa sa living-in together?" Kantiyaw ko rito. Tumawa lang ito kasi hindi naman ito pikon tulad ko.
"Whatever. Engagement Party namin by weekend kaya clear your schedule and freshen up."
"Fresh naman ako ah."
"Really? Tingnan mo nga iyang eyebags mo mas mataba pa sa hita ko. And take note, p'wede na panlaban sa skin allergy ang kulay."
"Grabe. Ikakasal ka lang kung makapintas ka sakin parang ikaw na ang magiging lovely bride sa lahat."
Tumawa ito. "Just do on what I sugggest. Gusto ko fresh ang aura ng beshie ko sa big day ng buhay ko. Hmm."
Nakakatouch talaga itong si Shane kahit kailan.
"So let's give it a toast?" Sabi ko.
"A toast!"
Sabay namin tinungga ang tequila at parehong napahiyaw sa lasa nito. I rejoice her decision and a big hug is my greetings since in a month she will vow herself on the happiness she truly deserve.
"So how was with him?" Nakapangalumbaba nitong tanong. Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya kaya nakaramdam ako ng bahagyang pagkailang.
Hindi ko kasi malimutan ang pagkadismaya nito sa naging desisyon ko nang gabing iyon pero pinili nito na hindi na lang umimik sa sitwasyon. But knowing her, mas nakakatakot ito kung tahimik at seryoso dahil alam ko kaya nitong sumabog sa galit na hindi makokontrol.
"We're okay." Medyo alanganin kong sagot kasabay nang pag-iwas narin sa tingin nito.
Napabuntong hininga ito saka sumalin ng tequila sa baso. "You know what Beshie, gusto kong magtampo sayo dahil sa kabila ng pananakit niya sa'yo ay pinili mo parin bumalik sa kaniya. Pero sino ba naman ako para magdesisyon para sa puso mo?"
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
Ficção GeralLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...