Leona
Nangalumbaba akong nakatunghay sa sariling phone, nagbabasakaling tumawag ang isang tao na pinanabikan ko nang makita, si Rod. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap muli matapos ang pagtatapat na iyon dahil nauna itong umalis ng resort kasama si Bella. Si Bella, ang nobya ni Rod na pinagselosan ko kaya napilitan akong umamin sa nararamdaman ko. Inamin din ni Rod na mahal niya parin ako pero pa'no na ang dalaga? Pakiramdam ko ang sama ko.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi 'yan nag-automatic dial kung titingnan mo lang. Tawagan mo na kasi kung sino man 'yan. "
Napaangat ang tingin ko kay Jenny na kararating lang at iniabot sakin ang starbucks na bili nito saka umupo sa tabi ko. Break time kaya andito kami sa park malapit sa ECO. Napansandig ako at napahilot sa sentido. Tama ba na tawagan ko siya? Marami akong nais sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano sisimulan.
"Girl, okay ka lang? Kanina ka pa matamlay ah. Panay rin ang buntong hininga mo d'yan. Ano kailangan ba ng alak para mapag-usapan?"
Natawa ako. "Ang OA mo. Madami lang akong iniisip."
"Ano ba 'yan, hindi pa nga kayo nagkabalikan may problema na agad. May babae na naman ba?" Panghuhuli nito.
"Wala. May dumating lang na unexpected moment that changed my heart."
Namilog ang mata nito dahil panigurado excited na naman ito sa chika.
"Anong mainit na chika na hindi ko nasasagap?"
Napabuntong hininga ako. "It's about Rod. We had kissed." Diretsahan kong pag-amin.
Impit itong napatili sabay yugyog sa balikat ko kaya naagaw nito ang atensyon ng ibang tao. Kinurot ko naman ito sa tagiliran para tumigil.
"Ouch! Sakit girl ha." reklamo nito.
"Eskandalosa ang bibig mo teh."
Kinikilig na humarap ito sakin
"Ichika mo sakin kung anong nangyari, dali! Ikaw ha humaharot ka na."
Muli akong napabuntong hininga. "I already confessed my feelings for him on the night of our high school reunion. And he said, he still love me."
"Sabi na nga ba eh! Halata sa mga kilos at tinginan niyo na may pagnanasa kayo sa bawat isa." Namumula na sa kilig ang pisngi nito. "But wait, 'di ba may jowa na siya? Huwag mong sabihin na ipinagsabay niya kayo. Kahit nagkaaminan na kayong dalawa 'wag kang papayag sa gano'ng set-up."
Hindi ako agad nakaimik.
"Mag-ti-take kami ng risk. Mahal namin ang isa't isa kaya worth it 'yon."
Napataas kilay ito. "Anong gagawin mo? Ire-request mo kay Rod na iwanan ang jowa niya para sayo dahil ikaw naman ang mahal niya, gano'n? At isa pa may Cyrill ka narin."
"Hindi naman kami nagkabalikan ni Cyrill at wala narin akong balak na sagutin pa siya muli."
"Eh 'di kausapin mo iyong tao at sabihin mo na wala na kayong chance dahil mas mahal mo si bestfriend. 'Wag kang mamangka sa dalawang ilog girl at mas lalong 'wag kang papayag na dalawa kayong isda ng jowa ng kaibigan mo na bibingwitin niya."
Napabuntong hininga ako. May punto ito at kailangan kong mag-isip ng rason upang ako ang mag-stay sa buhay ni Rod. Ngunit base narin sa binata ay si Bella ang tipo ng babaeng papangarapin ng sinumang lalaki.
Napabuga ako ng hangin.
"Ano ba kasi ang p'wede kong gawin para ako ang piliin ni Rod?"
"Gaya nga ng sinabi mo, mahal ka niya. So wala kang dapat pang patunayan para lang ikaw ang piliin niya over her. Pero depende na lang kung may bagay na kayang gawin ang jowa niya na hindi mo matatapatan."
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...