Chapter 9

26 0 0
                                    

Leona



Nagkaroon kami ng short meeting with Jenny and Kiko since sila ang nagtulungan sa mga research ng team ngayon buwan. She discussed the topic for me to deliver it outright and make the best magazine news again. Si Kiko naman ay ibinigay ang mga evidences like map and photograph for our reference. S'yempre credit din ito sa kanila considering na sila ang kumalap ng mga information.

"Guys, listen! May bisita tayo today kaya magprepare kayo!" Excited na imporma ni Gino na tumakbo galing sa labas. Ako lang ba ang nakapansin na para itong kinikilig.

"Talaga? Wala naman sinabi ang Head na may darating today." Sagot ni Keila pero hindi na magkandaugaga sa pagretouch ng sariling make up.

"Oo nga. Baka surprise visit ng big boss 'yan ha." Sabi ni Kiko. Sa sinabi nito ay mabilis kaming naghiwalay at kanya-kanyang balik sa cubicle. Prinepare ko naman ang reports ko sa bawat folder in case na hingan ako ngayon.

Napatayo kami sa upuan nang marinig namin na sumigaw si Jenny. "Anong problema?" Tanong ni Gino na agad dinaluhan ang dalaga.

"He's coming!" Sagot nito at nakaturo ang daliri sa glass door. Slow motion naman na sinundan namin ang direksyon ng tinitingnan nito at nahigit ko ang aking hininga nang makita ko kung sino ang paparating.

"OMG! Si Cyrill Domingo!" Tili ni Gino. "Idol!" Patakbong bati ni Gino at kinamayan si Cyrill nang nakarating sa opisina namin. "Good morning!"

"Magandang araw din sa inyo." Bati din nito. "Lalo na sa'yo, Leona." Sabi nito saka inabot sakin ang bouquet ng bulaklak. Nagkantiyawan na ang mga katrabaho ko kaya kahit disgusto man ay tinanggap ko na lamang iyon at nagpasalamat.

"Talagang maganda ang morning, Mr. Domingo. Ikaw ba naman may pa-bouquet." Kantiyaw ni Jenny at bahagya akong binangga sa braso.

Tumawa ito. "Well, may hinanda din naman ako para sa inyo. Since near for lunch time na ay nagprepare ang staff ko ng buffet para sa inyo." Pabida nito at bilib na bilib naman ang team ko.

"Wow! Super blessed naman today. May pa-flowers na may pa-buffet pa." Kantiyaw uli ni Jenny na ikinataas ko lang ng kilay.

Umabrisete naman si Keila sa binata. "We are greatful for your surprise, Mr. Cyrill." Mapang-akit na sabi nito na nginitian lang ni Cyrill.

"Tamang tama, gutom na ako. Tara guys!" Sabi ni Gino saka nagpatiuna nang lumabas since nasa conference area ang buffet.

Napilitan na akong tanggapin ang mga bulaklak kaya kalabisan na ang paunlakan ko pa ang buffet. Ayokong kumain lalo na kung galing sa taong kinaiinisan ko. "Sige kayo na muna guys. May aasikasuhin pa akong research eh." Patay malisya ako na muling umupo at tumipa sa desktop ko.

Naramdaman ko ang presensya ni Cyrill na lumapit sakin pero nag-excuse naman si Jenny para kausapin ako. "Hoy girl, okay na ang research na binigay ko sayo. Wala nang problema do'n kaya halika na." Pabulong na sabi sakin ni Jenny para hindi umabot kay Cyrill pero halata naman nakikinig.

"Nope. May gusto pa akong idagdag doon at hindi pa natutunaw sa intestine ko ang merienda kanina."

"What? Ano naman ang idadagdag mo eh halos nandon na lahat ng supporting docs at info?"

Napairap na ako dahil sa kakulitan nito. "Basta. May gagawin akong research kaya hindi ako maglalunch. Period."

"Girl nakakahiya kay Mr. Cyrill. Nilibre na nga tayo ng buffet aayawan mo pa."

"Jenny, hindi ko inayawan. Tinanggap ko nga ang bigay n'yang flowers di ba? Hindi lang talaga ako gutom at may hinahabol ako ngayon kaya please lang iwan mo na ako."

Tumikhim si Cyrill para kunin ang atensyon namin na nasa harapan ko na pala. "Hayaan mo s'ya Jenny. Respect the busy person." Nakangiting sabi nito na tinanguan naman ni Jenny saka iniwan na ako sa poder ng kumag na kaharap ko.

Ngayon parang pinagsisihan ko na nagpaiwan pa ako dito mag-isa sa kumag na ito. Kaya para ipabatid sa kaharap na hindi ako interesado sa presensya n'ya ay tumungo na lang ako sa online search engine para simulan ang research ko. Lumabas naman agad ang hinahanap ko na makakatulong sa inis na nararamdaman ko ngayon.

"Hmm... It seems strange." Napaigtad ako nang magsalita ang binata dahil nasa likod ko na pala ito at nakikiusyoso sa research na ginawa ko. Nakahawak pa ito sa sariling baba na animo'y pinag-aaralan talaga ang ginagawa ko.

Mabilis ko naman in-exit ang search engine at pabalang na tumayo saka tiningnan ito ng masama. "Ano ba ang ginagawa mo!?" Iritableng tanong ko.

"Come on, nakikibasa lang ako sa research mo regarding sa 'Kung paano patayin ang daga?'. Nakakatakot pero hindi ko makita ang thought ng research mo to relate it to your area."

"Wala kang pakialam." Halos pabulong pero madiin na pagkakasabi ko para hindi marinig ng team ko. "At wala kang alam kung ano ang thought ng ginagawa ko dahil wala ka naman no'n. You are just an insensitive and selfish boy that I have ever known. Yes, you are just a boy 'cause you will never be a man enough."

"Leona....." Sinubukan n'ya akong hawakan pero pinigilan ko s'ya.

"Stop. Para ka rin lang daga sa buhay ko. The more na ayaw kitang makita, the more namemeste ka ng araw. You can leave now, Cyrill."

Napabuntong hininga ito. "Okay. Aalis ako ngayon pero sisiguruhin ko sa susunod na pagkikita natin ay pakikinggan mo na lahat ng sasabihin ko sa'yo." Sabi nito saka lumabas na sa opisina.

Nanlulumo naman akong napaupo at napabuga ng hangin. Napahilot ako sa sentido dahil biglang sumakit ang ulo sa lalaking iyon.

HINDI ako nakatakas sa pagtatanong ng mga kasamahan ko tungkol sa 'something' na nangyari kanina between samin ni Cyrill.

"Sense ko na may something between sa inyo ni Mr. Cyrill, spill it now girl." Udyok ni Jenny pero nagbingi bingihan lang ako.

"Paano mo naman nasabi?" Kunot noong tanong ni Kiko.

"Haler. Hindi n'yo ba halata kanina kung paano ang tingin ni Mr. Cyrill kay Yona? At ito naman si ate girl wagas umirap at magtaray. So I insist na may something phenominal na nangyari."

Napaisip naman ang mga kasamahan namin. "Oo nga 'no. Pansin ko parang type ni idol si Yona." Singit ni Gino.

"Or baka may past." Sabat naman ni Keila na tinapunan ko ng masamang tingin. Ngumiti lang ito ng may halong pang-aasar. "Mali ba ako, Yona?"

Naiinis na hinarap ko si Keila na ngayon ay humalukipkip pa sa upuan nito. "Hindi ko obligasyon na sagutin ang tanong mo since personal life ko ang topic mo. Bakit kaya hindi ka na lang tumahimik at hindi ako tingnan gaya ng lagi mong ginagawa? Nang sa gayon ay patuloy ang world peace sa pagitan natin."

Umirap ito. "Sure. Whatever."

Napapailing na bumalik ako sa ginagawa ko habang iniisip pa ang huling sinabi ni Cyrill. Hindi na talaga ako papayag na makalapit pa ito sakin, kaya kailangan kung umiwas ng todo sa kanya para hindi na ako mahirapan pa.





- Rushiry -

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now