Chapter 26

3 0 0
                                    

Rod

Wala sa sarili at blanko ang tingin na nakaharap sa pader ng pad ko habang nilalagok ang pansampung bote ng stallion. Gusto kong lunurin ang sarili ko hindi lamang sa lungkot kundi sa espirito ng alak na magsasalba sakin sa sakit ng pagkabigo mula ng talikuran ako ng kaisa isang babae na minahal ko mula pa noon. Gusto kong magwala at basagin lahat ng bote para lamang maibsan ang bigat sa dibdib ko, ngunit mababago ba no'n ang katotohan na hindi ako ang mamahalin ni Yona? Ibinuhos ko lahat ng emosyon sa pamamagitan ng sigaw, sigaw ng pagtangis at pighati. Ano ba ang wala ako at hindi ako kayang mahalin ni Yona sa paraang gusto ko? Ano pa ba ang kulang para ako naman ang makita niya na ginawa at handang gawin pa ang mga nais nito? Napakasakit. Sobrang sakit dahil ang babaeng ninais ko na maging una't huling babae na mamahalin ko ay siya palang papatay sakin.

Isinigaw ko ang saloobin at ibinato sa pader ang hawak na bote. Ang sakit, sobrang sakit na halos mawalan na ako ng hininga. Binayo ko ang sariling dibdib at naglupasay na sa sahig.

"Yona... Yona..." Sambit ko sa pangalan nito. Namutawi sa isipan ko ang larawan nitong nakangiti na siya narin nagpadagdag ng bigat saking dibdib. "Yona... God, I love her, I want her. Please give her a way back to me."

Napatingin ako sa pinto nang tumunog ang doorbell. Nabuhayan ako ng loob dahil dininig ng panginoon ang aking panalangin. Agad akong bumalikwas ng bangon at binuksan ang pinto. Gano'n na lang ang panlulumo ko na ibang tao ang nasa harap ko ngayon, ang isang tao na hindi ko na ninais makaharap pa muli.

"Bruh, bago ka magalit gusto ko malaman mo na nandito ako as a friend. Ceasefire muna tayo, okay?" Si Cyrill.

Hindi ako umimik. Pagod ako ngayon emotionally at hindi makakatulong kung makikipag-away ako sa kaharap. Tahimik lamang akong gumilid para bigyan daan ito na makapasok. Inilibot nito ang paningin sa loob at napako ang mga mata sa nagkalat na bubog ng basag na bote, ako naman ay walang imik na bumalik sa pwesto ko at tumalungko.

"Well, magyayaya palang sana ako na uminom pero it seems that you had enough."

"Let's get drunk. Hand me your alcohol."

Tumalima naman ito na tumabi sakin at binuksan ang dalawang canned beer at ibinigay sakin ang isa. Tila uhaw na nilagok ko iyon.

Nakangiting napapailing na lamang ang katabi saka sumimsim ng alak. Minuto hanggang oras ang lumipas ay tahimik lang kami na umiinom habang pareho na nakatunghay sa pader, hanggang sa ito narin ang bumasag sa katahimikan.

"It's been awhile since we had our last drink together. It was the time when we celebrated the day she said yes." Nakangiting pagbabalik tanaw nito sa nakaraan at si Leona ang tinutukoy nito. "Hindi ko lang akalain na 'yon na pala ang huli nating tagay bilang magkaibigan, but I'm happy at the same time kasi naulit ngayon. Muli tayong nagsalo sa inuman pero hindi nga lang magkaibigan."

Napangiti ako. "Iyon din ang time na nagyaya ka magsuntukan tayo para magkaalaman kung sino ang mas malakas sumuntok na pinatulan ko naman. Kaya ang ending pareho tayong knockout."

Napahalakhak ito. "At kinabukasan sabay pa tayong pinagalitan ni Shane matapos gamutin ang mga pasa natin." Dagdag pa nito saka lumagok ng alak. "But sorry to say, malakas akong sumuntok kaysa sa'yo." Pang-aasar nito.

"Oh c'mon, dream on. I threw my punches hardly that was why you have more bruises than me. I am stronger than you."

"I know bruh. You're better than me and having you as my friend was the reason I can be proud of." Matamis ang ngiti na nilingon ko ito. A smile is a good sign of conversation between us.

Sandali akong natahimik. "You were such a jerk for hurting and leaving her over the other woman."

"Yes I am, that was my biggest mistake that I'm still ashamed of. Pinakawalan ko ang isang babae na pinapahalagahan ng iba. Isang babae na kayang magtiis at maghintay makamit lang amg pangarap mo. Ang babaeng dapat iniingatan at minamahal. At higit sa lahat, ang isang babae na handang magmahal ng totoo." Puno ng emosyon ang mga mata nito at maaaninag dito ang mga luha na nagbabadyang umalpas.

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now