Leona
MATAPOS ang tatlong oras na biyahe ay nakarating na kami ng private resort na pag-aari ni Desiree Cui. Dito gaganapin ang batch reunion namin na ngayon lang nasundan muli matapos ang isang taon dahil narin sa mga conflict schedules ng batchmates.
Masayang sinalubong kami ni Desiree at inalayan ng puting bulaklak na ginawang kuwintas. Bahagya pa itong kinilig matapos makadaupang palad si Rod na simula high school pa lang ay hinahangaan na nito."You're getting sexy every now and then. Ano'ng sekreto?" Pabiro na tanong ni Desiree na hindi naman maitago ang pamumula ng mukha matapos ngitian ng kaibigan.
"Just being inlove. Right?" Nilingon ng binata ang katabi na si Bella saka inakbayan.
"Of course! Love makes your heart healthy." Bulalas naman ni Bella saka iniyakap ang mga bisig sa katawan ng binata.
Napataas kilay ako. Masyado naman clingy sa bawat isa ang dalawang 'to kanina pa hindi mapaghiwalay.
Pabirong sinapo naman ni Desiree ang puso niya. "Awts! Akala ko pa naman may opportunity na maging jowa ng isang Rod Amante, too bad for me at nasungkit ka na naman ng iba."
"It's okay Des. You are free to admire him pero hanggang do'n lang ha. Akin lang ang mamang ito." Biro din ni Bella.
"Sa'yo lang naman talaga siya Bella. Basta 'wag kang malilingat kasi may kaharutan din sa katawan ang mamang iyan." Singit ni Shane.
"Wow ha! Nandito ako Aleng Sharon, 'wag mo naman akong siraan sa harap ni Bella."
Napahagalpak ng tawa si James dahil biglang nalukot ang mukha ng nobya.
"Urgh! Don't you ever say that curse again." Angil nito saka hinarap si James. "And you, stop laughing or else I'll run away from our wedding!" Banta nito sa fiancee.
Pinilit naman sumeryoso ni James pero namula lamang ang mukha nito sa pagpipigil na muling tumawa.
"In my pocket." Sagot ni James.
Inihatid na kami ni Desiree sa kanya kanya namin mga kuwarto ngunit humirit si Shane na magsama-sama kaming mga girls sa iisang room. Hindi ko maintindihan ang trip niya.
"Malapit na akong ikasal kaya mas maganda kung magkakaroon pa tayo ng girl bonding habang dalaga pa ako. Once ikasal ako, kay James na ang attention ko." Paliwanag nito.
"Yes, I agree. Mas maganda 'yan para magkaroon kayo ng time hindi lang sa darating na bridal shower." Sang-ayon naman ni James.
"You're thoughtful babe. That's why I love you over and over again."
"And I love you too." Unti unting tinawid ng binata ang distansya sa pagitan nila ni Shane para halikan ang fiancee.
Tumikhim ako. "Sa harap pa talaga namin? Respesto naman Aleng Sharon. 'Wag naman sa harap namin na walang partner."
Natatawa na naghiwalay ang mga labi ng dalawa. "I respect you Besh, really. It just that we carried away."
"Get a room."
"No, it's okay. I can do kissing with Rod naman. Maybe we can do it later." Nakangiting sabad ni Bella saka kumindat na nginitian naman ng malanding si Mang Rodrigo.
Muli akong napataas kilay.
Ikaw lang dito ang walang partner girl! Iyan ang uri ng tingin sakin ngayon ni Bella.
I rolled my eyes. "Eh di kayo na, sige Besh tuloy n'yo lang kissing scene n'yo ng makalayas na." Pagtataray ko saka nagpatiuna nang pumasok sa loob ng room dala ang sariling gamit.
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
Fiction généraleLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...