Chapter 25

4 0 0
                                    

Leona

Masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga dumalo matapos magpalitan ng 'I Do's' at selyohan ng isang halik ng mag-asawang James at Shane Douglas ang pangako nila sa isa't isa. Hanggang sa reception ay puno parin ng emosyon ang puso ko at hindi mapigilan ang mapaluha habang minamasdan ang kaligayahan na nadarama ng Bestie ko. Panay tawa rin kami sa kakulitan ni Shane sa dance number nilang mag-asawa dahil itong si James ay sobrang nahihiya sa pinanggagawa ng misis niya. Namumula na ito habang sinasayawan ng sexy dance ni Shane.

Napalingon ako sa gawi ng pamilyar na tingin st hindi naman ako nagkamali sa pagkilala nang magtagpo ang aming mga mata. Si Rod, ang kanina pa nakatingin sa gawi ko na pilit kong iniignora. Lumipad ang paningin ko sa katabi nito, kay Bella na masayang tumatawa habang nakayapos sa binata. Umiwas ako ng tingin at nagdesisyon na pumunta sa restroom upang makahinga.

Dinama ko ang kirot mula sa puso ko na ngayon ay hindi ko na mapigilan dahil sa sobrang sakit na nadarama. Nagsimula nang manlabo ng aking mga mata dala ng mga luhang umalpas mula doon ngunit agad ko iyong pinunasan at isang buntong hininga ang pinakawalan bago lumabas. Gano'n na lang ang pagrigodon ng puso ko nang makita si Rod na nakasandig sa pader at naghihintay sakin.

"Hey....." Nakangiting bati nito.

I missed him!

Parang gusto kong lumundag para yakapin ito ngunit malaking parte sakin ang pumipigil. Nagsimula itong humakbang patungo sakin pero pinili kong umiwas at magpatiuna maglakad.

"Yona, wait!" Bulalas nito at hinawakan ako sa braso ngunit pumiksi ako.

Imbes na pabalik sa loob ng reception ay nag-iba ako ng direksyon ng patutunguhan at mas pinabilis ang mga hakbang para makalayo dito.

"Yona!"

"Leave me alone please!"

Hinablot ako nito sa braso at iniharap sa kanya.

"Let me go!"

"Please let's talk Yona."

"Wala na tayong dapat pag-usapan kaya bitiwan mo 'ko " Pagpupumiglas ko.

Sinapo nito ang mukha ko at gano'n na lang ang paglusaw ng katigasan ng loob ko matapos makita sa mga mata nito ang pananabik at paghihirap.

Umiling ako. "Mali ito, Rod. Mali itong nararamdaman natin pareho." Tuluyan na akong napaluha dala ng sobrang sakit.

"No..... Mahal natin ang isa't isa kaya walang mali doon. 'Di ba gusto mong malaman ang sagot ko? Let's run away, Yona."

Gusto kong sumagot ng 'Oo' ngunit isa itong malaking mali sa isipan ko.

Umalpas ako mula sa pagkakahawak niya.

"No. Don't do this to her. Not again just because of me. Huwag na natin saktan ang mga sarili natin at mas lalong 'wag na natin saktan ang mga taong nagmamahal sa atin."

"Mahal kita Yona." Madiin ang mga katagang binitiwan nito. "Paulit ulit ko iyong sinasabi sa'yo ngunit pilit mo naman ako tinutulak palayo. Sinasaktan mo ako." Madamdamin na sabi nito sa mga matang namumula dala ng nagbabadyang mga luha.

Nasaktan ako sa katotohanang iyon. Kasi mahal ko si Rod pero ako din mismo ang nananakit sa damdamin niya.

"I'm sorry, if that means of saving her I'd rather choose to hurt you over and over. Bumalik ka na sa loob baka hinahanap ka na niya." Pagtataboy ko.

"So gano'n na lang? Matapos ang lahat lahat ganito mo na lang ako itataboy palayo sa'yo?"

"Please Rod, this is for your own good."

"No! You're not the one who knows what I want! Ano ba'ng alam mo!? Wala Yona, wala!"

Hindi ako nakahuma sa naging reaksyon nito. Napasambunot ito sa sariling buhok at tuluyan nang umiyak.

"From the start, ikaw na ang mahal ko Yona. Sa panahon na minahal mo si Cyrill ay pikit mata ko iyong tinanggap kahit pa masakit sakin. No'ng sinaktan ka niya, nagstay ako sa tabi mo kahit pa bulag ka sa pag-ibig ko na handang ialay sayon mapawi lang ang sakit na dulot ng lalaking iyon. Hanggang sa tinanggap mo siya ulit sa buhay mo ay tinanggap ko narin ang katotohanan na hindi mo na ako makikita sa paraang gusto ko. Loving you is a torture but I keep choosing to be hurt even losing myself just to win your heart." Bawat kataga ay tagos sakin.

Nasasaktan ako sa kaalaman na napakalalim na sugat ang idinulot ko sa puso nito. Nais kong pawiin iyon ngunit magiging mali ang lahat dahil may tao kaming masasaktan.

"Yet loving you is keeping me alive despite of a thousands wounds you've caused me." Malungkot itong ngumiti sakin sa kabila ng mga luha sa mata. "So please, hayaan mo akong  maging masaya, hayaan mo akong mahalin ka kahit pa sa huli ay ako parin ang masasaktan. Huwag mong diktahan ang puso ko na ikaw ang tanging kinikilala."

Hinayaan ko ang sarili na malunod sa emosyon na  binigay ng binata. Ikinulong ko ang sarili sa mga bisig nito at pinalaya muli ang mga luha sa mga mata. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa binata at sinamyo ang paborito kong pabango nito na nakamarka sa suot nitong tuxedo. Kahit ngayon lang, maranasan ko ang init ng yakap nito sa huling pagkakataon.

Inangat ko ang tingin at pinunasan ang mga luha nito. Hinalikan nito ang palad ko at unti unting itinawid ang pagitan ng aming mga mukha upang halikan ako. Gusto kong manatili at salubungin ang mga labi nito ngunit rumehistro sa isipan ko ang nakangiting imahe ni Bella kaya agad kong iniwasan ang pagtatangka nito.

"Yona...." Puno ng pait ang boses na sambit nito sa pangalan ko.

Napailing ako. "I can't do this. I'm sorry." Sa mga katagang iyon ay nakita ko kung ga'no gumuho at nawasak ang puso ng binata.

Bumitiw ako mula sa mga bisig nito at pikit matang tinalikuran ang binata at naglakad palayo mula dito.

Hanggang makauwi ay dala-dala ko parin ang sakit at panghihinayang, tanging luha lamang ang naging karamay ko sa kailaliman ng gabi.








- Rushiry -

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now