Chapter 7

24 0 0
                                    

Leona



"Yes! I won!" Sigaw ni Rod na napatayo pa galing sa sofa at parang gorilla na sinutok pa ang kaliwang dibdib. "Three wins na ako Aleng Yona. Musta ka na?" Pang-aasar sakin ni Rod matapos n'ya akong matalo sa paglalaro ng ML. Kasalukuyan kami nandito sa condo unit ng binata at nagbonding kami since weekend ngayon.

Napasimangot ako. "Eh hindi naman ako magaling sa ML tapos pinalaro mo pa ako." Nakasimangot na reklamo ko. Natawa naman ito at umakbay sakin.

"Because I am born to be a champion, Aleng Yona and you." Nagthumbs down pa ito tanda na loser talaga ako sa labanan namin sa ML. Kasi naman hanggang Plants VS. Zombies lang 'yong alam kong laro.

"Manyakis ka kamo. Nag-ienjoy kang maglaro ng ML dahil sa mga boobies ng girl hero." Pairap na sabi ko.

Napatango tango pa ito. "Well, 'yan talaga ang big secret kaya madaming champion na boys sa paglalaro ng ML. Kumbaga, inspired kami pumindot at mag navigate." With actions pa na sabi nito kaya nahampas ko ito ng throw pillow para matigil na ang kamanyakan. Tawa lang ito ng tawa.

"What if magboyfriend na ako?" Out of nowhere na tanong ko. Sumeryoso naman ito. "Well, it's been a year so why shouldn't I give it a try?" Sabi ko habang nakaharap sa kanya habang nakasampa ang paa sa mga binti nito.

"Kailangan mo na ba talaga?"

Nagkibit balikat ako. "I dunno. But I'm thinking to start a new relationship for me to let go the past. Malay natin, 'yong next ang right guy para sakin. S'ya pala 'yong magmamahal sakin hanggang dulo."

"Pft. Ano 'yang mindset mo fairytale? Like you gonna meet this guy ang you will fall head over heels and he will love you 'til sunset then live a happily ever after? Hindi na existing 'yon." Pambabara nito kaya hinampas ko sa braso.

"Kaya wala kang steady relationship kasi ganyan ang mindset mo. Wala ka bang lambing sa katawan? Like you treat a woman with gentleness, and tell her how much you love her and kiss her under the sunset. You will love her to the moon and back, more than a lifetime." Tila nangangarap na sabi ko.

"Tsk! Kaya kayo nasasaktan eh dahil hindi n'yo hinihiwalay ang fantasy sa realidad. Extinct na ang lovestory na 'yan."

"Alam mo, pansin ko sa'yo binabara mo lahat ng sinasabi ko. May bitter past ka ba kaya ganyan ang pananaw mo sa buhay? O di kaya.... O-M-G! Are you a member of the third sex and you fell inlove over the guy before but he rejected you?" Eksaherada kong sabi na tinakpan pa ang bibig ko para sabihing shocked talaga ako.

Tiningnan n'ya ako ng masama na halatang hindi n'ya nagustuhan ang biro ko. "I'm not gay! I am a beast in bed to mind you! Iniisip ko lang kapakanan mo."

"Okay. Ikaw na ang beast." Sabi ko saka ipinasa sa kanya ang imaginary crown. Natural na lang samin ang topic about sex and performance kaya mani na lang sakin 'yan.

Napabuntong hininga na lang ito. Para marelax ang nerves ni Manong Rodrigo ay binigay ko dito ang isang gallon na ice cream at share kami sa pagkain no'n.

"Pero seryoso, gusto ko nang magboyfriend."

"You can jump into another relationship if you are totally ready emotionally. Hindi 'yong gusto mo lang." Advice nito.

"Well, naisip ko na 'yan ang sasabihin mo kaya nahihiya man pero aaminin ko na sayo na ready na ako." Pang-aasar ko. "Actually, may chatmate na ako online at nagyaya s'yang magdate tomorrow night."

"What!?" Nabingi ako sa OA na reaction nito. "Ano ka high school!?"

"OA naman ng reaction mo. Alam ko na maiinggit ka sa date ko bukas kaya mayroon narin akong ibibigay na girl para sa'yo. Remember Jessie? College classmate ko s'ya kaya ingatan mo s'ya sa lakad n'yo bukas."

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now