Leona
Engagement Night Party.
Kilala sa larangan ng pagmomodelo at pag-aartista ang mga dumalo sa selebrasyon ng magkasintahang Shane Dela Cruz at James Douglas. Naroon din ang ilang kilalang business personality na mga associates naman ng binata. Naging mainit naman ang batian ng mga dumalo at hindi napigilan ang kabila't kanang interview sa dalawa ng ilang news magazine agency.
At maging kami ni Cyrill ay hindi narin nakapalag sa ambush interview matapos makarating sa lugar.
"It's been two years after you split up but seeing you here together will surely give a little bit hint of your status. Are you guys getting back together?" From E-Magazine.
Ngumiti si Cyrill. "We're dating. She is special and I must say that my heart is officially hers."
Napangiti ako sa sinabi ng binata at hindi ko maiwasang kiligin kahit pa may camera na nakaharap sa amin.
"Do you see her as the one?" From Gossips Magazine.
"Yes. After all these years, sa kanya ko parin nakikita ang sarili ko. Sa kanya parin ako uuwi."
"Nakakakilig na kasagutan." E-Magazine. "Ms. Lopez, any word for his cheesiness?"
"Well, let's take it slow until things fall back into places." Direktang sabi ko sa mga mata ng binata.
Malawak ang ngiti na tinanguan ako nito saka hinalikan ako sa noo. Nag-excuse naman kami para puntahan na si Shane at James para sa pormal na pagbati.
"Beshie!" Puno ng energy na salubong sakin ni Shane saka nagyakap kami ng mahigpit. Kinamayan naman ni Cyrill si James.
"You look great tonight." Puri ko.
"And you two look good together." Sabi naman nito matapos ibeso si Cyrill. "But not better." Pabulong na habol nito sakin.
Hindi ko maiwasang matawa. Umaatake na naman ang sekreto nitong kontrabida mode. "Leave him some peace, okay?"
"Orayt! Babe, iwan muna namin kayo for some time alone with my Beshie. See you later!" Paalam nito na tinanguan naman ni James. Humalik pa ito bago kami umalis. "Tara!" Hinawakan ako nito sa kamay saka tinungo namin ang mesa kung saan bumabaha ng iba't ibang klase ng alak.
"Let's pour vodka in our blood and forget our boys. Kampay!"
"Kampay!"
Sabay namin nilagok ang alak at parehong napangiwi sa pait nito. Tumungo kami sa isang high chair at doon na nagpatuloy uminom habang nagkukuwentuhan.
****
Rod
Kalagitnaan na ng selebrasyon nang makarating ako ng venue. Mabibilis ang mga hakbang ang ginawa ko habang hinahanap naman ng mga mata ko si Shane. Being late for her special night might ended me dead. Nakakatakot pa naman magalit ang babaeng iyon.
Sa wakas, natagpuan ko na ang hinahanap at gano'n na lamang ang pagrigodon ng puso ko nang makita ang mukha ng kasama nito. Si Yona. Hindi ko parin maiwasan sa sarili ang mapatulala at makontento na pagmasdan lamang ito mula sa distansya. Hindi ko maiwasang mapangiti kasabay sa bawat pagngiti at tawa nito.
Sa loob ng mahigit tatlong linggo na wala kaming komunikasyon ay tila parusa sa akin. Walang araw na hindi ako nagtangka na kausapin ito sa personal ngunit binabawi din iyon ng katotohanan na nasa piling na ito ng iba. Kaya kahit masakit, kahit mahirap ay mas pinili ko na lamang dumistansya para narin sa ikaliligaya ng kaibigan ko.
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...