Chapter 19

17 0 0
                                    

Leona



Hindi ako mapakali sa kinauupuan at panay sipat ko sa sariling orasan. Pakiramdam ko napakatagal ng pagpatak ng bawat segundo habang naghihintay na makarating si Cyrill Domingo ngayon dito sa tahanan namin. Kasama ko ngayon si Kuya Leo at ate Jasmine dito sa receiving area matapos maghapunan at ipinaalam ang tungkol sa aking panauhin ngayon gabi.

Napatayo ako sa kinauupuan nang makita ko na ang binata at mabilis ko itong nilapitan at sabay naming tinungo ang kinaroroonan ng mga kapatid ko. Hindi ko maiwasang kabahan lalo pa't sumeryoso ang mukha ni kuya at si ate Jas naman ay tahimik lamang na nakamata sa amin.

"Magandang gabi po kuya Leo." Bati ng binata saka inalok ang sarili sa pakikipagkamay na tinanguan lang ni kuya.

Dismayado namang binawi ng binata ang sariling palad.

Nagtatanong na tiningnan ako ni kuya Leo. "Ahm, kuya may mahalaga po kaming sasabihin ni Cyrill."

"Okay, I'll bet na mahalaga talaga iyan para pumunta pa dito si Mr. Domingo ng ganitong oras." Plain ang boses na sabi ni kuya Leo. Gosh! Gusto kong pangatugan ng tuhod sa uri ng tingin ni kuya ngayon sa nakatayong binata sa tabi ko.

"Have a seat, Cyrill." Si ate na ang umalok na tumalima naman ang binata. "Tara sa kusina Yona, nakalimutan ko ang binake ko." Yaya ni ate Jas at nakuha ko naman ang ibig niyang iparating na iwanan ang dalawa para makapag-usap ng masinsinan.

Isang sulyap ang ginawa ko sa binata para ipabatid na magiging okay siya bago sumunod kay ate.

"So anong sadya mo?" Paunang sabi ni kuya.

"First of all, I want to say sorry about my failed relationship with Leona. It was a mistake and I'm sincerely regret those times of leaving her. However, I also want to win her back and I will do it with your permission. If you may?"

Inarok ni kuya Leo ang katapatan sa mga sinabi ng binata. "You know what Cyrill, bunsong kapatid ko si Leona at lahat gagawin ko para sa kanya. Susuporta ako sa ikaliligaya niya pero kung parte sa iyo ay ibang usapan na iyon. Nasaktan mo na ang kapatid ko. Niloko mo na siya't binigo kaya hindi madali ang hinihingi mo."

Naging tensyonado ang binata sa naging tugon ni kuya. "Inaamin ko po ang pagkakamali ko noon ngunit hayaan niyo po akong bumawi para sa pagmamahal ko kay Leona."

"Pagmamahal?" Sarkistong napangiti si kuya Leo. "Dalawang taon na ang dumaan Cyrill bago mo nasabi ang pagsisisi at pagmamahal na sinasabi mo para sa kapatid ko."

Natameme ang binata.

"Noong araw na hiniwalayan mo si Yona na kahit ikamatay na niya ang sakit ng pag-iwan mo ay hindi ako nagsalita. Inintindi kita at umasa ako na aayusin mo ang gusot sa relasyon ninyo. Pero ano ang ginawa mo? Nagkaroon ka ng panibagong relasyon at kinalimutan ang tungkol sa kapatid ko. Hindi lang siya ang sinaktan mo Cyrill, pati narin kaming pamilya niya. Nakita namin kung paano siya naapektuhan sa ginawa mo pero pinili parin namin manahimik. Kaya masisisi mo ba kami na kahit pagtanggap muli sa iyo ay hindi namin magawa?"

Hindi nakasagot ang binata. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi sa kaalaman na grabe ang pinsala na iniwan niya sa akin noon. Pero sa nararamdam nito para sa akin ay handa parin nitong ipaglaban kung ano ang mayroon kami.

"Mahal pari namin ang isa't isa, Kuya. Alam ko at nakikita ko iyon kay Leona."

"Tama ka. May nararamdaman pa nga  si Leona sa iyo pero ang hayaan siyang muli na mahulog na naman sa iyo ay kalabisan na. Kahit kailan ay hindi ako kumontra sa desisyon ng kapatid ko pero kung ang desisyon na muli kang pumasok sa buhay niya ay hindi ko papayagan. Sapat na ang nangyari noon Cyrill, 'wag mo nang ulitin ang posibleng mangyari muli."

"Hindi ko po siya sasaktan sa huling pagkakataon. Hayaan niyo po akong mahalin siya at ipakita ang aking pagbawi. Sa isa pang pagkakataon, tatanawin ko po iyong utang na loob at parusa narin mula sa inyo. Please kuya Leo, I love Leona more than anything now. Please just one more chance." Pakiusap ng binata.

Isang malalim na tingin ang ibinigay ni kuya para sa binata habang ang huli ay puno ng pagmamakawa para lamang sa basbas ng kapatid ko.

"I admit that immaturity pushed me back then but now I am here as a responsible man of my words. I'm giving you my word that I will never hurt Leona again. Please, grant me another chance to do it."

"You will never have my word of approval yet I will allow you to prove it to my sister. For one last time, do not hurt my sisters' emotion again. I will be watching you."

Nadismaya man ngunit tinanggap parin iyon ng binata bilang hamon sa pagmamahal niya sa akin.

"I won't and I assure you that no more  shed of tears this time."

"Let's see."

Tumango lamang ang binata at nagpaalam na since maaga pa ang laro nito bukas. Tinawag naman ako ni kuya Leo para ihatid si Cyrill na ginawa ko naman. Nang makaalis na ang binata ay kinausap naman ako ni kuya.

"Pasensya ka na ngunit hindi ko maibibigay ang hinihiling ni Cyrill ngayon. Hindi ko pinapayagan ang paglalapit niyo muli."

"Pero kuya....."

"Kung masama ang iyong loob sa sinabi ko ay tatanggapin ko. Kung nasaktan man kita sa desisyon kong ito, mas nanaisin ko pang makita ka na lumuha dahil sa pagdisaproba ko kaysa sa panloloko niya."

Napayuko ako dahil sa lungkot ng desisyon ni kuya Leo ngunit tinatanggap ko parin iyon. "Naiintidihan ko kayo, Kuya. Nirerespeto ko po ang opinyon ninyo. Higit kayong mahalaga sa kahit sino man."

Ginagap nito ang aking kamay at ngumiti sa akin. "Salamat. Higit na mas mahalaga din ang inyong kapakanan kaysa kanino man."

Niyakap ko si kuya Leo sa sobrang pasasalamat dahil sa pag-aalala nito. Kung ang desisyon nito ay hindi muling tanggapin si Cyrill ay lubos kong naiintindihan dahil narin sa pinagdaanan ko. At habang buhay kong tatanawing utang na loob ang pag-alalay na ginawa nila sa panahon ng pagluluksa ko sa paghihiwalay namin ni Cyrill.

Mas tunay na mahalag sa akin ang pamilya ko higit kaninuman.







- Rushiry -

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now