Leona
Matamis na ngiti ang sinalubong ko kay Rod matapos akong pagbuksan nito ng pintuan ng unit niya. Nasorpresa ito pero gumanti narin ng ngiti nang makahuma.
"Hi. Tumawag ako sa opisina pero sinabi ni Stefanie na hindi ka raw pumasok kaya pinuntahan na kita dito. May dala ako." Sabi ko saka iniangat ang plastic ng ice cream na agad naman nitong kinuha sakin.
"Halika pasok." Niluwagan nito ang pinto at isinara nang nasa loob na ako. Agad kong ibinagsak ang sarili sa sofa bed sa sala at sinamyo ang amoy ng binata na naiwan do'n.
"Saglit lang ha, magdadamit lang ako. Hindi ko kasi alam na darating ka." Aligaga itong naghanap ng t-shirt at shorts sa drawer since boxer short lang ang suot nito.
Pasimple naman akong sumilip sa kuwarto nito at hindi maiwasan mapangiti nang makita ang abs nito. Sinaway ko naman ang sarili dahil sa pagmamanyak dito.
"Sus, okay lang naman parang hindi naman ako sanay na ganyan ka talaga mag-aura everytime na dumadalaw ako sa'yo dito sa pad mo."
Ngumiti lang ito na dumaan sakin at tinungo ang kusina para kumuha ng kubyertos. Nang makabalik sa sala ay iniabot nito ang isang tasa at kutsara saka binuksan ang galloon ng ice cream.
"Wala ka bang pasok today? Puro gala ka na lang 'ata ah." Sabi nito matapos iabot sakin ng tasa na may laman na ice cream.
"Uy grabe, ngayon pa nga lang ako gumala ah. Nag-absent lang talaga ako today kasi gusto kitang makausap."
Napakunot noo ito. "Ga'no ba kaseryoso 'yan at kailangan mo pang ipalit ang s'weldo mo sa akin?"
Bumuntong hininga ako. "I want us to talk about that night."
"Hmm. You want to talk about how good kisser I am?" Tukso nito na ikinairap ko.
"Ang feeling mo." Hinawakan ko ang kamay nito. "I want to know your plans about us."
Natigilan ito. Hindi rin nakaligtas sakin kung ga'no ito naging uncomfortable matapos kong sabihin iyon.
"Don't worry, hindi kita minamadali. It takes time so don't pressure yourself." Puno ng pag-iintindi na sabi ko at kinagat ang sariling labi dahil sa pagsisisi sa mga binitiwang katanungan.
May girlfriend ito pero parang pinipilit ko na hiwalayan na nito ang nobya. Ang sama ko!
Hinalikan nito ang palad ko at mataman na tumitig sa mga mata ko. "You know how much I love you, Yona. But there are things na hindi madali pagdesisyunan at hindi agad mabibitawan. Lalo na kung ang taong 'yon ang umalalay sa'yo sa panahon na kailangan mo."
"I'm sorry." Umiiling na hinawakan ako nito sa mukha.
"No, don't be. Just let me sort things out and I'll promise when everything is fine, you'll have my answer."
Ngumiti ako kahit pa puno ng katanungan sa mga sinabi nito.
"Here, eat some." Muli itong naglagay ng ice cream sa tasa at sinubuan pa ako.
"Did you meant what you said that night na she's a kind girl that every man's dream to have?"
"Let's not talk about her." Pag-iwas nito.
"Okay, sorry again."
Hindi na ako umimik. Sunod-sunod ang subo ko ng ice cream dahil gusto kong maibsan ng lamig no'n ang selos na umuusbong sa puso ko.
"Yona...."
"No talking please."
Bumagsak sa tiled floor ang panghuling kutsara ng ice cream nang hawiin ng binata ang mukha ko at pinagtagpo ang mga labi namin. Gumanti naman ako ng mas mapusok dahil ilang araw ko na itong pinanabikan pero banayad lang ang galaw ng labi nito na nagpapahiwatig ng paggalang. Ikinawit ko ang mga braso sa leeg nito at magkahiwalay ang mga hita na kumandong paharap sa binata. Ang tamis ng labi nito dulot narin siguro ng ice cream at ni isa sa amin ay walang balak na bumitiw. Ilang minuto, habol ang mga hininga na tumigil kami sa ginagawa at parehong natawa dahil para kaming tanga. Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko at ginagawaran ng magaan na halik ang mukha ko.
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...