Chapter 5

25 0 0
                                    

Leona



Napaigtad ako nang may tumapik sakin at nalaman kong si ate Jas lang pala. Kasalukuyan akong nakatihaya sa kama ko habang may healing clay sa buong mukha ko since magandang product daw ito to pamper your face skin. Tumabi narin sakin si ate na pareho ding may healing clay sa mukha. Same day off namin ni ate Jas ngayon dahil napag-usapan namin na sumabay na lang ako sa rest day n'ya para may quality time din kami.

"So how's your party last night?" Tanong ni ate habang nakapikit.

"It was great." Plain na sagot ko.

"Really huh? So how hard it was?" Nakaharap na ito sakin at nasa palad nito ang ulo habang nakatukod ang siko. Kunot noo ko s'yang nilingon dahil hindi ko gets ang klase ng tanong n'ya.

"Anong hard?"

"Yong ano n'ya. Matigas ba?" Excited na tanong ni ate na pinagtatakhan ko na talaga.

"Teka nga ate, anong 'ano n'ya'? Anong matigas? Sino ba kasi ang tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong ko dahil sobrang logic or pabitin lang talaga si ate magtanong.

She rolled her eyes. "I'm talking about Rodrigo. Matigas ba?"

"Yuck ate! Ang manyakis mo talaga! Hindi kami nagsesex ha kung makapagtanong ka d'yan ng how hard it was." Depensa ko.

Nabatukan n'ya ako. "Ikaw ang manyakis dahil hindi naman 'yan ang itinatanong ko. I'm referring to his chest dahil magdamag kang nakahilig sa kanya habang nakaupo sa sofa hanggang sa sinukahan mo na."

Shocks! Ginawa ko 'yon sa mamahaling damit ni Rod? Nakakahiya na ang abala na nagawa ko. Bumalikwas agad ako ng bangon at tinakbo ang banyo para maligo. Nagtataka man si ate Jas pero napailing na lang ito na bumalik sa pagkakahiga. I need to see Rod to apologize.

Nag-GRAB ako ng taxi papuntang Amante Airlines since nandon ang office ng binata, s'ya ang nagmamay-ari ng isa sa mga kilalang airlines dito sa Pilipinas. In forty five minutes ay narating ko na ang Airlines at agad sumakay ng elevator since kilala naman na ako doon ng staff at crew ay na-inform nila ako na andoon na si Rod sa office nya. Nang marating ang 5th floor ay halos takbuhin ko na ang opisina nito at nagdoorbell.

"Hi good morning." Nakangiting bati ko sa hinihingal kong boses matapos n'ya akong pagbuksan ng pinto.

"Anong nangyari?" Kunot noong tanong nito at inayos pa ang buhok ko na parang galing sa giyera dahil sa pagmamadali ko.

"Nothing. I just want to apologize on what happened last night." Sabi ko sa nahihiyang boses.

"Go inside." Yaya nito at hinawakan ako sa kamay para pumasok. Sa swivel nya ako mismo umupo dahil dito talaga ang pwesto ko everytime na bumibisita ako sa kanya. Natatawa naman itong kumuha ng bottled water sa personal ref nito at ibinigay sakin na pinagpasalamat ko naman. Bahagya lang ang ininom ko sapat lang para matanggal ang uhaw ko.

"Salamat nga pala kagabi." Pagsisimula ko.

"Did you remember?" Nag-aalalang tanong ng binata. Bigla itong hindi napakali mula sa pagkakaupo sa kaharap kong upuan. "Naalala mo lahat ng nangyari kagabe?"

"Well, hindi ko masasabi na naalala ko dahil wala talaga akong matandaan except sa time na pumunta kami ni Shane sa Hang Out and everything went blurry." Totoo naman talaga. Kapag sobrang nalalasing kasi ako ay para akong nagkakaroon ng amnesia at wala talaga akong matandaan sa kahit anong bagay o tao na makikita ko.

He sigh for relieve. "Kahit konting detalye wala kang matandaan?" Paninigurado nito na ikinailing ko lang. "Kahit na may nangyari hindi mo talaga matandaan?" Napailing ulit ako ngunit gano'n na lang ang pamulagat ng mga mata ko sa realisasyon. May nangyari? Does he mean......?

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now