Rod
Matapos ang paglalasing ng dalawang pasaway na babae ay hindi ko na hiniwalayan ng pag-aalaga si Leona dito sa condo ko. Ipinaalam ko na lang kina kuya Leo via text na kasalukuyang nasa Bohol sa dinaluhang Teacher's orientation habang si Jasmine ay nasa field work assignment nito sa Baguio. Mahimbing naman ang naging tulog ni Yona nang makarating kami ng unit ko kagabi kaya ako na lang mismo ang umasikaso sa pagpapalit nito ng damit. Kahit nakita ko na ng ilang beses ang katawan nito in a two piece under garment ay hindi ko parin maiwasan mailang sa sitwasyon namin ngayon. Holding a woman I am longing to be mine for long years is a total torture I am enduring right now.
Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga matapos maalala ang pang-aaway sakin ni Yona kagabe tungkol sa hindi ko pagsasabi sa kanya ng relasyon namin ni Jessie. Well, wala talaga akong balak sabihin sa kanya dahil ayokong mag-iba ang mga bagay na mayroon kami ngayon. Ayokong layuan n'ya ako kung malaman nito na may nobya na ako kaya mas pinili kong sabihin na lang kay Shane atleast gumaan man lang ang pakiramdam ko.
I turn my head when she calls my name and there she is, standing on the kitchen door wearing her sweetest smile. Lumapit ito sakin saka nakiusyuso sa inihahanda kong almusal.
"I made chicken and egg club sandwich pair with macchiato. Kain na." Sabi ko matapos ibigay dito ang mga inihanda saka umupo narin ako sa kaharap nito. Palihim akong napapangiti habang nakatingin sa pagkain nito na walang alinlangan at walang pakialam sa katakawan nito. Her ways of simplicity makes me love her even more.
"So kamusta naman kayo ni Jessie?" Untag nito sakin na nagsanhi ng pag-iba ng timpla ng mood ko.
"We're okay." Sagot ko saka pinagtuunan nang pansin ang pagkain ko.
Napakunot noo naman ito. "Boring mo naman sumagot, Rodrigo. Kuwentuhan mo naman ako." Sinubukan kong ibahin ang topic sa pamamagitan ng pag-anyaya dito ng field trip with her family and Shane para naman makapagrelax pero pilit parin nitong binabalik tungkol kay Jessie.
"Wala nga akong maikukuwento sa'yo kaya 'wag ka nang makulit Aleng Yona."
Napasimangot ito at hindi maiwasang kumibot ang labi dala ng iritasyon. "Sige, magsecret ka pa sakin. Hindi ka na open ha. Ganyanan na tayo."
Napapailing ako. "Hindi ako naglilihim sa'yo. Hindi lang talaga interesting ang lovelife ko 'di gaya ng sa'yo." Sabi ko saka iniwan ito sa mesa at nagsimula nang maghugas ng pinggan at mga ginamit sa pagluluto kanina.
"Hmp! Hindi ka kasi marunong magseryoso. Magtino ka na kaya kay Jessie, mabait 'yon kaya alagaan mo." Sagot nito na ikinangiti ko ng mapakla. Kung alam mo lang!
"Matino akong tao, Aleng Yona."
"Sus! Matino ba ang walang steady na relasyon? Thirty one ka na pero hanggang ngayon wala ka pang long term relationship. Ano ang tawag doon?" Nakapamewang na tanong nito. Hindi ko tuloy maiwasan mapatingin sa nabulgar na hita nito dahil umangat ng bahagya ang suot nitong t-shirt na pag-aari ko at kaya nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Mabilis kong sinaway ang sarili at inipon ng buong pagpipigil upang hindi makagawa na ikasisira namin. "Ang tawag d'yan ay maturity. Nag-iisip kasi ako at hindi nagpapadala na lang sa bugso ng damdamin at panggagatong ng iba." Mapait kong sabi dahil hanggang ngayon presko parin sakin ang tungkol dito at sa ex nito.
"Ohhh..... So are you saying that I am an easy lay?"
"Wala akong sinabi na ganyan. At bakit ba napunta sa'yo 'yong topic?"
"Dahil iyon ang pinapabatid mo. Sinasabi mo na nagpapadala ako sa emosyon ko! Oo tama ka, nagpadala nga ako kaya nga nauto ako eh. 'Di ba?"
Napahimas ako sa sariling batok. Hindi naman 'yan ang gusto kong ipabatid sa mga sinabi ko, ang gusto kong ipaintindi sa kanya ay maunawaan nito na sinaktan ito ng lalaking iyon kaya hindi na dapat magtiwala pang muli pero ang nangyari mukhang nagpaudyok na ito sa biruan ng mga katrabaho nito.
Nakikita ko na ang sakit sa mga mata n'ya kaya mabilis ko itong niyakap. "Look Yona, hindi 'yan ang point ko......"
"So ano'ng point mo, Rod?" Sabay kaming napalingon ni Yona sa may-ari nang boses at gano'n na lang ang pagtulak sakin ng kaibigan.
"Jessie....." Si Yona. Naglakad ang dalaga patungo sakin saka humalik sa labi habang nasa gawi ni Yona ang paningin.
Napakunot noo ako sa ginawa nito at nagtataka dahil ang aga nito ngayon samantala mamayang lunch pa kami magkikita. "Ang aga mo naman ngayon....."
"I missed my boyfriend! Aren't you happy? Hi Yona! How's your stay?" Sarcasm is in her voice.
"Well, I had a good sleep. Thanks to Rod." Sagot nito saka nakaramdam ng ilang ng tingnan ni Jessie ang suot nito ngayon.
"That's good. I am surprised na nagsusuot ka pala ng mga damit ng boyfriend ko. So sweet."
"Matagal ng ganyan kaya 'wag ka nang masorpresa. Tara!" Hinawakan ko ito sa kamay paalis sa unit ko para ilayo kay Yona dahil kanina pa ako naiirita sa pinapakita nito hanggang sa makarating kami ng parking are
Pumiksi ito saka mataray akong hinarap. "What's that for? May kailangan ba akong malaman between sa inyong dalawa!?" Galit na sabi nito. Inatake na naman ito ng pagdududa na madalas nitong ginagawa.
"Wala! Kaya tumigil ka na. Ihahatid na kita sa trabaho." Binuksan ko ang pinto sa passenger seat ng sasakyan nito nang muli itong pumiksi.
"Ano'ng wala!? I saw the fire in your eyes when you hold her! Sabihin mo sakin ang totoo!"
"Sakay na." Tiim bagang at may pagbabanta sa boses na sabi ko.
"Sabihin mo! Natatakot ka maeskandalo sa kaibigan mo!? S'ya ba ang babae mo kaya malamig ka na sakin!?" Sa sinabi nito ay mabilis na umalpas ang galit ko at pabalibag s'yang isinakay sa kotse at mabigat ang mga hakbang na pumasok narin. Ipinaharurot ko ang sasakyan palayo sa lugar na pwede itong magkalat.
AFTER a month of dating ay naging official kami ni Jessie. Masaya s'yang kasama, maalaga at mapagmahal ngunit naglao't hindi nagtagal ay puno na ng awayan ang relasyon namin dala ng pagseselos n'ya kay Yona na naging dahilan ng pagiging possesive at pagiging demanding nito na halos nakakasakal na. May mga pagkakataon na kahit pagkatao ni Yona ay kinokopya na nito sa kilos at pananamit para daw mas mahalin ko pa sya lalo. At umabot narin sa punto na pinagbabawalan na n'ya akong makipagkita at makisama sa bestfriend ko at kahit communication namin ay gusto na n'yang wakasan.
Sinubukan kong sundin ang gusto ni Jessie para matigil lang ang away ngunit mas lalo akong nahihirapan kong hindi ko makita at makausap si Yona. Parang pagpapakamatay ito na s'yang pinipilit sakin ng isang tao na hindi ko naman minamahal. Oo, hindi ko mahal at minahal si Jessie kahit kailan dahil si Yona parin. Kahit anong pagsubok ko na ituon na lahat ng pagmamahal ko kay Jessie ay bumabalik parin ako sa lugar na kung saan si Yona parin ang nag-iisa.
"Stop the car! I said stop the car!" Nakakangilong langitngit ng gulong ang narinig sa gilid ng kalsada na hinituan ko. Nalingunan kong umiiyak si Jessie sa tabi ko at nakikita ko ang sobrang sakit na ako ang may gawa.
"I'm sorry....."
"Sabihin mo sakin Rod. Bakit s'ya parin? Hindi pa ba ako naging sapat?"
Minuto akong hindi nakaimik. God! Nahihirapan din ako habang nakikita ko s'yang umiiyak dahil alam ko ang pakiramdam ng ganito dahil minsan narin may umiyak na babae sa balikat ko dahil sa panloloko.
"Sinubukan ko Jessie..... But my best wasn't enough. In months, I am trying hard to love you back but I always keep coming back into her heart. I am really sorry."
Humagulhol na ito at hindi ko ito matingnan. Sinubukan ko itong yakapin ngunit pinagsusuntok lang ako sa dibdib at pinalabas ako ng sasakyan.
"Get out! Get out!" Wala isang lingon likod akong bumaba at mabilis naman nitong pinaharurot ang sasakyan.
Hinabol ko na lang ng tingin ang pag-alis nito at sa hindi ko maintindihan ay parang gumaan ang pakiramdam ko sa nangyari. Dahil alam ko, sa sarili ko na mas masayang mahalin si Yona nang malaya. Sa paraang wala nang masasaktan.
- Rushiry -
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...