Leona
Maluwag ang schedule ngayon ni Shane mula sa sunod sunod na modeling commitments nito kaya nagyaya itong magvideoke gaya ng nakagawian namin ng mga estudyante pa kami. Since lie low pa ako sa work ngayon ay pinaunlakan ko ang imbitasyon nito at tinawagan narin si Rodrigo para sa bestfriends bonding namin ever. Ngunit nakailang beses na akong nag-attempt pero ring lang ng ring ang phone nito hanggang sa matapos. Nagtataka na ako dahil ngayon lang ito hindi attentive sa tawag ko.
"Ano pumayag na ba?" Tanong ni Shane habang naglalagay ng make up dito sa sala ng bahay n'ya.
Napakamot ako sa ulo sa pagkadismaya. "Wala pa. Hindi ko pa nakakausap eh kasi ringback lang naman naririnig ko, hindi sumasagot."
Saglit itong tumigil sa paglalagay ng blush on. "Baka may urgent meeting at naka-silent mode 'yong phone kaya ayaw sumagot." Antisipasyon nito at muling nagpatuloy sa ginagawa.
"Siguro. Pero tatawagan ko ulit for one last time. Kung hindi pa sumagot gogora na tayo."
"Okay." At sa huling pagkakataon na sumubok akong tawagan ang numero nito ay laking pasasalamat ko nang sagutin nito.
"Rodrigo naman eh! Balak mo pa ba talaga na pudpurin ang kuko ko sa kakadial sayo!?" Singhal ko nang hindi ko na napigilang mainis. Lagot talaga 'to sakin pag hindi pumasa ang alibi.
"Yona.....?" Aba't babae pa ang sumagot at kilala pa ako ha! Siguro may take home na naman ang lalaking 'yon sa condo nya.
"Excuse me? Who are you at bakit na sayo ang phone ni Rodrigo!?" Pagtataray ko. I don't care if I sound like a nagger wife who caught his husband's mistress.
Napakunot noo ako nang tumawa ang nasa kabilang linya. "Your funny. It's me Jessie." Oh Jessie Salazar, my classmate back in college.
"Oh sorry, girl. Bakit na sa'yo ang phone at nasaan si Rodrigo?" Tanong ko matapos makabawi sa gulat.
"He is taking a shower so I answered your call when I saw your name on screen. I came to his place since may lakad kami ngayon." Sagot nito. Wait! Hindi ko makuha kung bakit nando'n ang babae sa condo ng bestfriend n'ya at may authority ito na galawin ang phone ni Rod. I know, something is keeping from me.
"Wait! Are you guys dating?" Pagkompirma ko sa hinala
Mahinhin itong tumawa at naiimagine ko na pinamulahan ito ng mukha. "Actually, we are official and going in two months. Doesn't he told you about us?" Two months!? Bakit hindi man lang nag-abalang magkwento ang lokong iyon?
"Oh nice. Hindi n'ya nasabi eh since we're both busy and did not catch up these past days. Pasabi na lang Jess na tumawag ako. Thanks!" Hindi ko na hinintay na sumagot s'ya at agad ko nang tinapos ang tawag. Nagngingitngit ang kalooban na hinarap ko si Shane at sinabi dito ang pinag-usapan.
Napairap ako sa kaharap nang masaya pa ito sa narinig. "That's nice! Atleast magiging masaya na masokistang iyon." Nakangiting sabi ni Shane na pinagtaka ko.
"Anong masokista ka d'yan? Nakakainis s'ya! Bakit hindi man lang n'ya sinabi sakin?" Napapailing na humalukipkip ito.
"Obligasyon ba ni Rod na sabihin sa'yo lahat?"
"Of course! 'Di ba nga, magbestfriends tayo dapat walang sekreto sa bawat isa."
"Well, I am telling you that he is not keeping his relationship with Jessie from you. Sadyang hindi ka lang marunong magtanong sa kanya kung ano ang obvious."
"Busy nga kasi ako sa nagdaang mga araw!"
"Okay. You were busy entertaining your ex again then you forget about how our boy bestfriend dealing with the emotion you doesn't know. You know what? Masyado kang manhid Yona!" Woah! Nagulat ako matapos magtaas ng boses si Shane sakin. Kalmado lang ito at mayaman sa pasensya pero sa nakikita ko ngayon na galit sa kanya ay parang gusto kong manlumo sa takot. "This is not making any sense! Sinabi sakin ni Rod about Jessie kaya kung nagtatampo ka kung bakit hindi mo alam then go confront him."
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...