Chapter 22

9 0 0
                                    

Rod


Naging tahimik na si Yona simula nang makapag-usap na kaming dalawa lang. Nakabalik na kami ng grupo at naabutan namin silang nagkakantahan sa pangunguna ni Jigs.

"And I love you so....." Huling linya ng kanta saka nagpalakpakan sabay hiyawan ng mga kasama.

"Nakakainlove ang boses mo Jigs." Puri ni Shane habang nakahilig sa dibdib ng nobyo.

Nagsalubong ang kilay ni James. "Mas nakakainlove ako." Sabad nito na tinawanan naman ni Shane.

"Of course, mas nakakainlove ka sa lahat. Lalo na ang iyong----"

"Please lang girl 'wag mo nang sabihin. Inosente pa ang mga utak namin." Si Desiree.

"Perveeeert!" Sabay na hiyaw nina Jigs, Lexi at Joem.

"Alam na namin 'yan kaya hindi mo mabitiwan." Kantiyaw din ni Bella na nasa tabi ko habang nakayakap sa braso ko.

"Hoy kadiri kayo! Hindi 'yon ang tinutukoy ko atthough masarap s'yang topic pero ang obsession niya sakin ang tinutukoy ko. Ako lang naman kasi ang pinakamaganda sa lahat. Right babe?"

"Yeah. Yeah. That's what she was trying to say." Namumula na sa katatawa na sagot ni James.

Hindi ko narin napigilan ang humagalpak sa katatawa sa todong paliwanag ni Shane sa mga mabeberdeng utak ng mga kasama namin.

Tumango tango ang mga ito pero halatang hindi kumbinsido. "Obsession naman pala, guys. 'Wag maging judgemental ang mga brains natin kahit pa 'yon naman ang gusto niyang sabihin." Hirit na kantiyaw ni Martha.

"Malaki siguro kaya mas minahal." Si Lexi na sinang-ayunan ni Martha at nag-appear pa ang dalawa.

"At dahil d'yan, magcheers tayo para sa darating na paghimlay ng talong sa pechay!" Si Martha.

"Cheers!"

Sa dami na ng nainom ng mga ito kaya kahit anong kababalaghan na lang ang naririnig mo. Tumungga ako ng stallion at pasimpleng sumulyap kay Yona, panay tawa na ito dala ng kalasingan. Nakikipagbiruan narin ito sa katabing si Jigs. Hindi ko maiwasang mapatiim bagang nang mapansin ang kamay ni Jigs na pasimple nang humahaplos sa likod at braso ng kaibigan.

Gusto kong basagin ang pagmumukha ng lalaki dahil sumisigaw sa mga mata nito ang pagnanasa kay Yona. Hindi niya p'wedeng hawakan si Yona! Mabilis na rumagasa sa isipan ko ang mga paraan kung pa'no ito matuturuan ng leksyon.

"Hey, are you alright?" Pukaw sakin ni Bella. Napansin ko ang paninigas ng kalamnan dahil sa galit sa binata.

The f*uck Rod, nasa tabi mo lang si Bella kaya umayos ka! 

Pilit kong kinalma ang sarili. "Yup. Sorry may naalala lang ako na hindi na dapat."

"About Yona?" Bagaman hindi kakikitaan ng galit ngunit nasa mga mata nito ang selos at umaasang sana mali ang hula niya.

Hinarap ko ito. "Of course not. I had moved on from her at alam mo 'yan. I have you now."

Ngumiti ito. "Okay."

Tinawag ni Lexi ang atensyon namin lahat na kasalukuyan nakatayo sa gitna namin.

"Guys, it's getting late but before the party is over, let's play 'truth or dare'. Game?"

"Game ako!" Si Jigs.

"On it!" Si Joem.

"Sound exciting! May mabubuko na naman." Sabi ni Martha na kiniskis pa ang dalawang palad.

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now