Leona
Namataan ko si kuya na lulan ng stretcher papasok ng emergency room kaya mas binilisan ko ang takbo. Hinawakan ko ang kamay nito at hindi na napigilan na mapaiyak sa kalunos lunos na lagay ng kapatid, may sugat sa noo at puno ng galos ang mukha't braso. May nakasuot nang neck brace at may nakakabit na oxygen para dito.
"Kuya, please be brave. Huwag mo kaming iiwan." Pakiusap ko dito kahit pa wala itong malay.
Hinarangan na ako ng nurse pagkarating sa ER at sinabing sila na ang bahala sa kuya ko. Nakakaintinding tumango ako at nakiusap na iligtas ang kapatid na tinanguan naman nito.
Nanlulumo akong napaupo sa bench habang abot langit ang dasal sa kaligtasan ni kuya Leo. Nadamay ito sa highway accident matapos magbanggan ang sinusundan nitong van at kasalubong na cargo truck. Pilit kong pinipigilan ang mga luha dala ng takot dahil hindi ito ang tamang lugar para panghinaan ako ng loob. Kailangan kong lakasan ang loob para kay kuya na ngayon ay nag-aagaw buhay.
Ngunit gano'n na lang ang pagguho lahat ng katapangan ko nang malingunan ang taong tumawag sakin. Mabilis kong tinawid ang distansya at ikinulong ang sarili sa mga bisig nito at tuluyan nang napaiyak.
Gumanti naman ito ng yakap. "Shhh... I'm just here." Si Rod.
Tanging hikbi lamang ang naging kasagutan ko. Hinayaan ako nito hanggang sa maging kalmado na ang sistema ko.
Matapos ang halos isang oras ay ligtas na inilabas mula ng Operating Room si kuya Leo at inilipat sa isang private ward. Wala parin itong malay dulot sa natamong fracture sa kaliwa nitong binti. Minabuti ko narin ipaalam kay ate Jasmine ang nangyari na kasalukuyan nagtatrabaho sa isang kompanya sa Canada. Panay iyak ito sa kabilang linya dala ng sobrang pag-aalala.
Matapos mag-usap ay nagtungo ako sa Chapel ng ospital upang ipangalangin ang lubos na kaligtasan ng kapatid mula sa kapahamakan.
Diyos ko, alam ko nand'yan ka lamang nakasubaybay sa amin, please po iligtas niyo po ang kuya ko at tuluyan pagalingin.
Tahimik na lumapit at tumabi sakin si Rod. Hindi niya ako iniwan mula pa kanina kaya malaki ang pasasalamat ko sa presensiya nito ngayon.
"Magkape ka muna. Alam ko gutom ka na, hindi ka narin nakapag-dinner kanina kina Shane." Sabi nito sabay abot ng isang cup ng kape at burger.
Tahimik ko na tinanggap iyon upang ilapag lamang sa tabi ko. Wala akong gana kumain since hindi ko din naman maramdaman ang gutom sa oras na ito.
"Huwag mong pababayaan ang sarili mo, kailangan ka ni kuya Leo. In able to make it, you need to eat to be strong." Advice nito.
"Karma is real." Wala sa sariling sabi ko. Emosyonal na nilingon ko ito. "Parusa siguro ito dahil sa pananakit ko emotionally; Ikaw, si Cyrill at si Bella. Kayo ang mga sinaktan ko kaya sana ako na lang. Sana ako na lang ang nasa kalagayan ni kuya para pagbayaran lahat." Muli akong umiyak habang sapo ng palad ang sariling mukha.
Niyakap ako nito. "Don't say that. Walang kinalaman ang lahat sa nangyari ngayon. Stop thinking that way, mas pinapahirapan mo lang ang sarili mo."
Kumalas ako dito. Tiningnan ko ito ng diretso sa mata.
"Bella and I had a confrontation earlier." Napatiim bagang ito. "I provoked her at pinamukha sa kanya na hindi mo siya mahal. Sinabi ko sa kanya na kaya mo iwan lahat maging siya. I was full of myself and don't even care how much that words will kill her. Hanggang sa heto, ang bilis ng karma." Sarkisto akong tumawa at marahas na pinunasan ang mga luha.
"Then she hit me with her words, she said that I don't deserve you. Na minahal lang kita dahil sa nakasanayan ko na. So it put me in to my realization, tama siya. Minahal nga lang kita dahil ikaw na ang nand'yan para sakin kahit ayawan ako ng iba." Pagpapatuloy ko.
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...